31-40 (new owner)

39.3K 869 137
                                    

Entry 31

Yo! Tanda mo yung Agatha? Kaklase ko pala yun sa isang subject. Yung masungit! Parang magkagalit nga ‘tong Jace at Agatha.

Entry 32

Nagtanong ulit ako tungkol sayo. Nasa ibang school ka pala. Pinag-iisipan ko kung ibabalik ko pa sayo ‘tong diary mo. Nalaman ko na dito nag-aaral yung Seth mo. Paano bay an? Bangasan ko na ba? May babaeng kasama kanina. Ikaw ba yun o girlfriend niya?

Entry 33

May number na nakalagay dito sa diary mo. Iyo ba yan? Nagtext ako kaso sinungitan mo ako. Haha.

Entry 34

SUNGIT MO! Hahaha. Nakakatuwa kang pagtripan sa text! Nagrereply ka kasi.

Entry 35

Nagtext ulit ako sayo. Sabi ko nasaakin diary mo. Ang reply mo saakin: Seth? Ikaw ba yan?

Mahal mo talaga yun nuh?

Entry 36

Wala. Normal.

Entry 37

Hoy Ms. Diary. Pumunta ako sa school niyo kanina. Kilala ko na kung sino ka. Nakasalubong kita. Ikaw pala yung crush ko sa kabilang section. Hindi ka kasi sikat kaya hindi kita kilala. Ngayon alam ko na. Upakan ko na yang Seth na yan, gusto mo?

Entry 38

Si Ms. Loner nabasa ‘tong diary mo. Yung bungad lang. Akala yata girlfriend kita. Hindi na ako pinansin ulit kanina.

Entry 39

Anak ng PATING at BUWAYA! Para akong stalker sayo! Muntanga. Haha! Interesado nanaman tuloy ako sayo. Kaso gusto mo si Seth e.

Entry 40

Nagtext ka saakin. Curious ka na ba? Tumawag ka pa kaya naman sinagot ko. Napatulala ako sa boses mo kaya hindi na ako nagsalita at binaba ko nalang. Lakas pa din ng tama ko sayo. Nga pala, nagq-quiz din kasi ako kanina kaya bawal magsalita. Haha. Hwag kang mag-alala. Baka ibalik ko na ‘tong diary mo. Iwanan ko nalang sa guard ng building niyo.

***

Dapat yata ang title nito ay: The quest of the DIARY hahaha

follow me on twitter @aril_daine

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon