21-30 (maldita pa ba?)

37.9K 915 165
                                    

Entry 21

Hoy ate Jem! Ang totoo niyan kilala kita. Number one fan mo ako e. Hindi ka sikat. Hindi ka din kagandahan. Pero hindi mo alam ang dami mong natutulungan. Kilala ko kayo pati na din sila kuya Seth at Kuya Rain. Pati yung kaibigan mong maganda. Hindi ka sikat sadyang napapasama ka lang sa mga sikat. Hindi ka maganda dahil sadyang ang kaibigan mo ay ubod ng ganda. Kilala kita. Idol nga kita e. Kasi ikaw mabait ka at natulungan mo ako ng hindi mo nalalaman. P.S. Hwag ka kay Seth at hwag din kay Rain. Dun ka nalang sa feeling Kpop idol na si kuya L.

Entry 22

E hetong hinayupak kong kaklase binasa ang iyong diary. Tama si kuya L. Buti nalang bungad talaga yung diary mo! Edi ligtas ako! Pero sana nga nabasa niya hanggang sa entry ko! Why kamo? Para alam niya na gusto ko siyang tirisin na parang kuto!

Entry 23

Minsan nakakairita lang talaga ang mga nagmamagaling. Feeling magaling sila kahit hindi naman. Feeling nila alam nila ang lahat pero hindi naman. Hay buhay mg atang echusera kasi. Puro epal! Gaya ko epal sa lablayp niyo ni L.

Entry 24

Dear Diary,

Wala lang maiba naman para hindi naman nagmumukhang nagrereport lang ako ng ginagawa sayo ate Jem. Sem break na sainyo, hindi ba? Dadalaw ba kayo dito sa school? Ang pink diary mo ay naghihintay sayo. Inienjoy ko lang.

Entry 25

Walang pasok! MASAYA AKO KASI WALANG PASOK! Kaso ang daming assignment! Anong akala nila saamin? Super Student? Magagawa lahat ‘tong assignment ng sabay-sabay pati may kasama pang project? Aba aba! Sumusobra na mga teacher na ‘to a.

Entry 26

Wala nanamang pasok. May bagyo kasi. Ang assignments ko ay nadagdagan pa lalo! Minsan sinusumpa ko din ang internet at gadgets dahil nakikita ko announcement ng mga teacher.

Entry 27

Yung feeling na babasahin mo lahat ng text sayo tuwing umaga? Tapos mapapangiti ka nalang dahil sa good morning niya.

Entry 28

Nagkabiruan kami nung kaklase ko. Sabi niya masarap daw siya magluto. Sabi ko patikim ako. Ayun ipagluluto daw niya ako next time. Hindi ba baliktad? Dapat babae nagluluto para sa lalaki hahaha.

Entry 29

Nanlait lang ako ngayong araw. Paano! Ang papangit naman kasi nung mga bisita! Wala man lang gwapo! Tapos makapagyaya pa saakin yung isa. Like eeew!

Entry 30

Ate Jessie! Nakita ko si kuya L. Nangingiti magtext. Ikaw ba katext niya? Yiiieeeee lumalovelife! Sana ikaw! Crush na crush ka kasi niyang si kuya L. Ayaw kong banggitin pangalan niya dahil crush ko din siya! Baka mamaya i-crush pa siya ng makabasa ng diary. Nukaba! Sikat yang katext mo! Crush yan ng lahat sa campus! Daig pa ang Seth at Rain mo! Tanga mo nalang kung susungitan mo pa yan! Hahahahahaha.

PS. Nasa university niyo kasi ako kanina. Ibabalik ko sana itong diary mo kaso naiwan kop ala sa bahay! Malas mo naman :)

******

stalker yata tong si malditssss. if my typo man di ko na kasi binasa ulit. aalis pa e XD

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon