11-20 (lost diary 2)

25.8K 880 281
                                    

Entry 11

Malas ako ngayong araw. Kung kalian naman kasi pupunta ako sa mall para bumili ng pampaganda saka naman umulan. Basang sisiw tuloy ako sa mall kanina. Like yuck talaga! Oo maarte na ako ngayon. Muahahahaha.

Entry 12

Talk about malas! Grabe! Alam ko na talaga ang panibagong sumpa ng diary na ito!!! ANG MAGING MALAS AKO SA TANANG BUHAY KO. Nakakaiyak! Biruin mo! Kaninang sinuot ko yung shorts ko HINDI KO ALAM NA GINAWANG KUTA PALA ITO NG MGA LANGGAM! Kairita! Sana tumigil na ang ulan para maghanap na sila ng ibang kuta. Ang sakit. Pinapak ako ng langgam!

Entry 13

Napapansin ko ngang ilang araw na akong malas. Sobra-sobrang malas na talaga ituuu! Nasa coffee shop ako kanina nang makita ko yung ex ko. Weeee! May bago na siya kaso mukhang butiki. Kaso bakit ko ba nilalait? Wala lang, sana naman naghanap siya ng mas maganda saakin. Naks! Kunwari bitch ako.

Entry 14

Ang ganda ng bagong kanta ng BTOB. Fangirl mode ako. Napapangiti ako kahit hindi ko naiintindihan tapos lalo pa akong napangiti kasi ang sweet nung kanta. Boyfriend ko na silang lahat. Muahahaha.

Tapos si G-dragon ang lungkot-lungkot ng kanta niya ngayon. Siguro break na sila ni Dara. Wala e! Daragon kasi ako. Woooo pusong appler! Haha.

Entry 15

Tinanong ako ng friend ko kanina kung nakapagmove on na raw ba ako. Hindi ko nasagot n goo dahil sobrang honest ako. Si Aya kasi e! Kilalang-kilala ako. Kaya naman kinuwento ko sakanyang nanghina talaga ako nung makita ko siya. Si L! Si LITO!

Lenard! Badtrip ka talaga!

Entry 16

Pinilit ako ni Mr. Abs na magpunta sa school nila dahil sa event nila. Wala naman akong magagawa kundi pumayag nalang. Friends naman kami. Tapos doon nakita ko nanaman si L. Ugh!

O-K-A-Y! Bakit hindi niy akasama ang girlfriend niya kanina? Bakit puro lalaki ang kasama niya kanina? Buti nalang hindi niya ako nakita kanina! Baka bigla nanaman niya akong sundan parang noong nakaraan.

Sinundan kasi niya ako hanggang sa naiwala ko na siya.

Entry 17

May nakita akong bagong notebook! Ang ganda ng kulay. Ugh! Ang weird ko raw sabi pa ng mga kaklase ko. Bili raw ako ng bili ng notebook pero hindi ko naman sinusulatan. Minsan gusto ko nalang sabihin na walang pakialamanan ng trip.

Entry 18

Naligo ako ng ulan kanina! Ayan may lagnat ako ngayon.

Entry 19

Hindi ako makatulog kaya naman nagsusulat nanaman ako saaking Neon green na notebook. Naks! Nagdrawing pa ako tapos nilagyan ko pa ng sungay-sungay, si L kasi yan. Sana may death note ako para maisulat ko ang pangalan niya. Muahahahahahaa. Evil

Entry 20

Ang baba nanaman ng score ko sa exam. Kasalanan lahat iyon ni L! Kung hindi ko siya nakita edi nakapagconcentrate sana ako! >__<

***

A/N: lol malas ka jem malas ka XDDD

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon