111-120

32.9K 799 120
                                    

Entry 111

Hindi ko pa nakakausap yung dalawa kong lalaki. Echos! Yung dalawang ahm, nanliligaw saakin? Ugh. Not sure kay Abs though kasi like dati may iba naman siyang kasama na girl so ayun. Wala naman akong karapatan na pigilan siya sa mga ginagawa niya dahil hindi ko naman siy boyfriend at lalong hindi kami MU! Malanding ugnayan pero pwede din na may MAG-ISANG UMIIBIG saamin. I’m not making sense anymore. Beng beng beng!

Entry 112

Habang naglalakad papuntang school kanina may napaka-unsual na experience ako! Yung bata kasing namamalimos bigla ba naman akong tinawag na mama sabay hinabol niya ako! Buti nalang may guard sa gate ng school! Huhu! Nasira yung beauty ko gawa nung bata kanina! As in tumutulo na yung sipon niya tapos hinabol niya pa ako! Kung wala lang siyang sipon at kung malinis siya baka binigyan ko pa siya ng piso!

Entry 113

Pinuntahan ako ni L kanina dahil nga raw hindi niya raw alam kung sasama ba ako . Natutuwa ako sakanya kasi kahit tinatawag ko siyang Lito para pang-asar lang, binabatukan lang niya ako. JOKE! Hindi kasi Lito ang pangalan niya. HAHAHA!!! ANg yabang kasi ng pa-L L niya pa dyan! Lenard. Ayan ang pangalan niya.

P.S. Ang puso ko at puso nila mahaba pa ang pasensya pero ang pages ng pink diary ko KONTING-KONTI NALANG!

Entry 114

Nag-usap na kami ni Mr. Abs kanina. Hindi ko pa din siya maintindihan pero madami akong nalaman. Siya ang madalas mag-iwan ng note sa diary ko na ito noong high school kami. Actually may drawing pang dinosaur!

Entry 115

Hindi ako lumabas ngayong araw. Nagreview lang ako para sa exam ko bukas at sa susunod na araw.

Entry 116

Na-LSS ako sa little house ni Amanda Seyfried! SI L kasi kung anu-ano binibigay saakin. Inaantok daw kasi siya sa kanta! E ang ganda naman ng boses a!

Entry 117

Mahilig ako sa minions! Kumakain ako sa mcdo para lang makolekta ko ang minions! >3<

Nagkataon naman na nandun din si Abs sa mcdo edi pati siya napaorder ng happy meal dahil sa minions kooooo! Pero heto talaga yung conflict ngayong araw, nakalimutan kong magkikita pala dapat kami ni L ngayon. Nagtatampo tuloy siya saakin dahil hindi ko daw siya sinipot. Ang malala pa, nalaman niya na kasama ko si Abs. Bakit ako nasasad?

Entry 118

Nagbabasa ako ng mga kwentong sparks sa isang page. Tapos tinatawanan ko yung iba. Kasi nasasaktan daw sila dahil bading daw ang mga crush nila kaya #KwentongNoSparks daw sila. HAHA

Entry 119

Ngayon lang ako naglakas ng loob magsorry kay L. Nandun na tayo sa nakalimutan kong dapat magkita kami. Pero wala e. Minions kasi yun e! Nakalimutan ko naman kasi talaga siya. Hindi ko naman sinasadya. Ayun, tampurorot pa din ang Lenard ko. Teka. KO? Yuck, bura bura! Baka mabasa pa. :D

Entry 120

Random akong tao, Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang ako pumunta sa school nila L at Abs. tsk. Sino ba gusto ko makita sakanilang dalawa? Hindi ko din alam. Pero anyway, nakita ko yung dati kong kaklase. In the end, yung dati kong kaklase ang nakasama ko doon. Pauwi na ako nung makita ko si L. oo na. si L, lagi nalang si L. Crush ko siya e.

P.S. This isn’t funny anymore. Crush ko lang ba siya?

 ---------------------------------

ako crush ko din si Lenard! *O*

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon