Entry 150

29.3K 787 140
                                    

Entry 150

Dahil nagmumukmok ako kagabi naisipan ko namang lumabas kanina ng bahay. Nagpunta ako sa mall. Nakakainis lang dahil nakasalubong ko si L. Wala naman hindi ko siya pinansin kahit mukhang gusto niya akong kausapin. Tapos nagpunta ako sa dept. store at namili ng mga damit. Shoppaholic ako kapag nakahawak ng pera. Anyway, ang boring na kasi sobra ng buhay ko. Lagi pa akong minamalas sa lovelife. Tapos nakasalubong ko naman si Seth. O ayan ang swerte ko talaga, hindi ba? Sa rami ng kakilala ko silang dalwa talaga ang nakasalubong ko!

Hindi ko alam kung byebye Mr. Abs at L na talaga ‘to. Awkward na kasi. Hindi ko rin alam kung friendship over na ba kami. Basta ang alam ko kanina nagpunta ako sa bookstore at nakakita ng magandang notebook. Binili ko ito kasi sobrang ganda talaga. May fetish ako sa notebooks. Ngayon iniisip ko kung anong gagawin ko sa notebook na iyon. Pero siguro gagawin ko nanaman siyang diary. Bakit? Kasi trip ko lang. Bakit? Malay ko ba kung hindi na iyon sinumpa. Basta sisiguraduhin kong mula bukas matinong entry na ang isusulat ko. Mahaba para masaya. Muahahahaha.

Mahal ko pa rin si L. Badtrip siya. Wala naman siyang kasamang gelpren kanina. Kapag may nakita na akong kasama niya saka palang ako maniniwala! MATATAG AKO! NANINIWALA AKONG SWERTE YUNG BAGO KONG NOTEBOOK!

****

pareho kami may fetish sa notebook *O*

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon