Prologue

65 10 5
                                    

THIS IS A WORK OF FICTION. 

Ikinagulat ni Rina ang sunod sunod na busina na umalingawngaw sa kanya pagkalabas na pagkalabas niya ng kanyang sa sasakyan. Gustuhin man niyang awayin ang nagmamaneho ng sasakyang bumubusina ngunit nagmamadali siya at five minutes late na siya sa kanyang appointment kay Mr. Tan.

Dali dali siyang pumasok sa cafe at hinanap ang receptionist na magdadala sa kanya sa opisina ni Mr. Tan. Naamoy pa niya ang mabangong aroma ng brewed cafe na sine-serve. Kinakabahan siyang baka galit ito sa kanya dahil late na siya sa usapan nila ng matandang negosyante. Doble ang bilis ng hakbang na ginawa ng dalaga. 

Ng makarating na sila sa harap ng pinto ay iniwan na siyang mag-isa ng receptionist. Nagpaalam na ito na may mga gagawin. Kakatok na sana siya sa pintuan ng makarinig siya ng ibang boses mula sa loob. Kausap ito ni Mr. Tan at parang nag-uusap ang mga ito ng personal. Napakunuot ang noo ng dalaga sa narinig. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib ng mas naging malakas ang boses at naging malinaw sa kanya na pamilyar ang boses.

Pipihit na sana siya pabalik sa kanyang sasakyan at babalewalain ang appointment kay Mr. Tan ng biglang bumukas ang pinto ang lumabas doon si Lance, ang sekretarya ng negosyante. 

"Ms. Carmen, nandito na po pala kayo. Sorry if I would ask you to keep waiting for five more minutes. Mr. Tan needs to settle something private." ani ni Lance na tila balisa at di makaaaa focus and mata sa kanya. Pasilip silip pa ito sa kanyang likuran na tila natatakot na may lumabas sa kwartong nilabasan.

"No, it's okay. I may have to reschedule my appointment with him for another day." She unhurriedly replied. Humugot pa siya ng hininga bago nagpatuloy. "Today seems unfit for the project collaboration."

Natawa siya sa sariling rason. Hindi naman na nila kailangang mag-usap ng masinsinan ni Mr. Tan. Sa totoo lang ay tapos na ang pag-uusap nila kasi irerenew lang naman nila ang kontrata ng mga kompanya nila. Inilapag ni Rina ang hawak na folder at pinasabi nalang sa sekretarya na ibigay kay Mr. Tan para ma-review nito ang mga bagong conditions na naidagdag ayon na rin sa naging kasunduan sa mga naunang meetings. 

"Alright, I'll tell Mr. Tan to check this. You sure you don't want to come inside? Patapos narin yun for sure." Nakarinig sila ng kalabog mula sa loob. Kinabahan ulit si Rina.

"Nah, it's fine. Yan lang naman talaga ang pinunta ko rito. Isa pa, may pupuntahan pa ako. I'm afraid I can't stay that long, Lance. Makikisuyo nalang akong ikaw na ang magsabi kay Mr. Tan."

"That'll be my job, Ms. Carmen. I'd be happy delivering your message to him." He smiling said.

"Thank you. I'll treat you some other time. Don't worry." Isa na namang kalabog ang umalingawngaw sa loob.

"Di na kailangan, Ma'am." Natatawa nitong sabi.

Akala niya ay mag-uusisa pa ito pero buti nalang at tila nakumbinsi naman niya si Lance sa ginawa niyang rason. Bumalik ito sa loob habang siya ay tumalikod na at naglakad palabas ng cafe ng may tumikhim sa tabi niya.

"Is there a problem, Lance?" Tanong niya habang akmang titignan ang taong nakahawak sa kamay niya.

"I'm afraid you are wrong, baby." Narinig niya ang baritonong boses na kanina pa niya naririnig sa loob ng opisina ni Mr. Tan.

Napatingin siya sa likod niya at ganun nalang ang gulat niya ng makitang gahibla nalang ang layo ng mukha nila ng lalake.

"You seemed like you saw a ghost? Mas masarap bang makita si Lance sakin, baby?" Parang may hinanakit na sabi ng lalake sa kanya. Pati ang tono ng boses nito ay may bahid ng pait.

Teka lang, bakit parang ito pa ang galit sa kanya? Ang lalakeng ito ang nanakit sa kanya. 

"Stop calling me baby, Jade. And don't you dare look at me like that."

"Like what, baby?"

"Like you're fucking hurt by me."

"I was, actually, I am still hurting."

"What?"

"Huwag kang mag maang-maangan, baby. I know you heard me talking to Mr. Tan. Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo ng sekretarya ng hilaw kong ama." Galit nitong sambit.

"Wala kang karapatang magalit sakin. You know nothing about hurting."

Hinawakan ng lalake ang braso niya at pilit siyang pinatitig sa mga mata nito. 

"Akala mo ba ikaw lang ang nasaktan? Ako rin, baby. Nasaktan din ako. Ramdam ko rin yung sakit ng mawalan. But you fucking neglect all my sufferings. Hinayaan kitang lumayo, sisihin ako sa mga nangyari pero tama na. Fuck! Five years is fucking too long for you to move on. Hindi ko na kayang panoorin ka mula sa malayo. I'm too tired of this."

"Then stop, Jade. Stop it. You're just making yourself suffer. Wala na tayo at hindi na ako babalik sayo. Let's forget the past. You and I are done. There's no starting over. Ayaw ko ng balikan ang sakit."

"Bakit di mo nalang sabihing sinisisi mo parin ako hanggang ngayon?"

Hilam na pareho ng luha ang mga mukha nilang dalawa. Hindi na napigilan ni Rina ang kumawala sa hawak ni Jade.

"Let me go, Jade. For real this time."

"No, I won't do that again. Kahit pa magalit ka sakin, RINA."

"Let go of me now, Jade. It hurts so much everytime YOU SAY MY NAME."

Say My NameWhere stories live. Discover now