Chapter 4-Meeting HIM

13 5 0
                                    

Someone's POV

Nakakatamad makinig sa mga ganitong meeting at assembly. I'm so bored. Kaya dito nalang ako sa gilid. Medyo madilim naman dito at natatakpan naman ako kaya di mahahalata na may tao dito.

Hindi naman ako mahahalata ni Tita Mary dito lalo at nahihiya na ako bumaba kasi late na ako. Kanina pa pala sila nag-umpisa. Yung Prof kasi namin inutusan pa akong kunin lahat ng paperworks. Hirap talaga kapag student assistant. Well, no choice. Kailangan kong kumayod kasi hindi nagkakasya yung scholarship ko para sa lahat ng gastos ko. Isa pa, late na kung dumating yung monthly allowance namin sa DOST. Mas maganda yung ganitong may mapagkukunan ako para di na ako dagdag problema kina mamang at papang.

Habang lumilipad ang isip ko at parang may sariling mundo dito sa gilid ay nagpapakilala na sila. Nakikinig lang ako at hindi tumitingin. Kilala ko naman na silang lahat na nandun. Iniisip ko ngang tahimik nalang sanang umakyat sa kwarto para magpahinga since alam ko naman na lahat ng sasabihin ni Tita.

Nang bigla silang tumahimik ay sumulyap ako sa kanila. There's a girl standing at alanganing ngumiti. Naka side view siya mula dito sa kinauupan ko. I find her charming and those smiles – it's a shy smile but it portrays elegance. From her looks, she is no ordinary girl.

Mukhang may kaya. Wait, scratch that. Mukhang mayaman. Hindi siya nababagay dito sa boarding house. She looks like she's from a well-off family. Her face from the side-profile looks so flawless and her skin looks like it wasn't even sunkissed.

Lihim ko siyang tinitigan.

She looks like danger. She's a living temptation. Iginala ko ang mga mata ko at kitang kita ko kung paano siya titigan ng ibang mga boarders. Maybe we're thinking the same thing. The only thing that might stop us is the rules and that she looks so fragile and innocent.


DANGER! My head screamed. I should stay away. I am starting to battle with my head when I heard her speak. Damn! Likod palang ang tinitignan ko.


"I'm Rina Carmen. 16 years old." Tumingin siya ng deretso at ngayon ay kitang kita ko na ang mukha niya. I was wrong. She is no charming but she is beautiful! She is one of a goddess even in her simplicity. Nahinto siya sa pagsasalita. Bumawi ako ng tingin. Nakahalata na ata siya. After a few minutes, she continued. "First year AB-Political Science." May pag-aalangan ang boses niya.


Her eyes looks like someone asking for protection yet she looks so confident and independent.


"So, Rina pala ang name niya. It's cute." Bulong ko sa aking sarili.


"Single?" tanong ni Kuya Jim.


"Ahem. Jim bata pa yan." Panunukso naman ni Kuya Chad. "Huwag mo naman lahatin. Parang bunso na natin yan eh." Dinig kong dagdag pa nito.

Namula si Rina. "Single po kuya. By status." Sagot niya ng may maliit na ngiti saka sila nagtawanan.

I was totally baffled when I see her smile. Nababaliw na ata ako.

"Single pa pala siya." Bulong ko ulit.

"Okay naman pala tong batang to eh. Joker!" Pati si Kuya Joseph ay nakisali nadin na hawak-hawak pa ang tiyan kakatawa.

Nang matapos siya magpakilala ay di na ulit ako sumulyap doon hindi dahil sa hindi ako interesado kundi dahil kakilala ko na sila. Ang panghuling nagpakilala ay si Kuya Jim. Nang matapos silang lahat ay naisipan kong magpakilala din pero di ko alam kung paano ako didiskarte.

Tumikhim nalang ako. Lahat sila ay natahimik at napalingon silang lahat sa akin.

"May isa pa pala." Si Tita Mary. "Iho, halika na at ipakilala mo ang sarili mo sa kanila."

I lazily stand up. Wala naman talaga akong balak sanang magpakilala. I always think this isn't necessary at all. Pero dahil merong newbie, sige na nga. Ang tagal bago ako nakaapuhap ng sasabihin. Paano nga ulit yon?


I cleared my throat before speaking. "I'm Jade. Third year." Tama na yon. Nakakatamad magsalita.



Rina's POV

Ang tagal bago ko na absorb yung pangalan niya. Nakatitig lang ako sa kanya. Siya nga talaga yun.

Siya yung nakabunggo sa akin kaninang umaga sa school. OMG! What a life! Boardmates pala kami. I don't know how to react. I mean, he's here. Okay, Rina kalma lang. Kuya mo yan. Hindi ka nagpumilit na mag boarding house para sa ganitong bagay. You're here because you wanted to be independent. Isang klase ng buhay na malayo sa kinagisnan mo. Better behave or else, you have to say goodbye to your independence.


Tinignan ko ulit siya sa hagdan. He looks bored. As if he wants to get away from this meeting the soonest possible. I lowered my head when I saw him looked at my direction. Bigla akong nahiya. Feeling ko nakita niya akong nakatingin sa kanya.


Naghihiyawan na ang lahat mga kasama namin dahil na-dismiss na kami pero nanatili ako sa kinauupan ko. Hindi padin ako makapaniwalang nasa harapan ko siya.

"Iha may problema ba?" tanong ni Tita. Nakaalis na pala sila. And I am still sitting here.

"Ah, eh wala po. Iniisip ko lang po yung assignment ko." Pagsisinungaling ko.

"May assignment na agad kayo? Ang bilis naman ng prof niyo." Tita Mary asked. Bigla tuloy ako na-guilty. Mukhang natututo ako ng bad manners. Hindi na dapat maulit to.

"Sige po akyat na ako." Pagpapaalam ko. Kailangan ko nang mapalis yung nangyari sa isip ko. Hindi ko naman siya crush. I was only shocked na magkasama kami sa boading house.


Pagkarating ko ng kwarto, I climbed my bed, prayed and went to sleep. Another day tomorrow.





_____________________________________

How was it? Maganda ba ng pagkikilala nila? Leave your comments and don't forget to vote! Thanks for reading.

Say My NameWhere stories live. Discover now