Chapter 2-Thinking about the strange guy

25 6 0
                                    

Rina's POV

Iinat inat ako habang palabas ng room namin. Magsi-six o'clock na kasi ng gabi. Napasarap kasi ng kuwento yung Prof. namin tungkol sa mga umano'y napagdaanan na niya sa buhay. 



Actually, hindi ko naintindihan yung mga kuwento niya. Feeling ko kasi kahit gaano ako kaseryoso makinig ay hindi ko parin maiintindihan. Paano naman kasi ay puro tungkol sa mga Master's at Doctorate's degree niya lang ang pinagsasabi niya.



Ayun nga, na-late tuloy kami sa pag-uwi. Madilim na sa labas at halos kami nalang na magkakaklase ang naglalakad pauwi sa kanya kanya naming boarding houses. Oo nga pala, nakalimutan kong sabihing nagbo-boarding house ako. Malayo kasi ang bahay naming dito sa University.



While on my way home, naalala kong i-check ang phone ko. Malapit na itong ma-low bat. Nagwa-warning nadin ito pero binukasan ko padin. 



May mga messages pero puro mga bagong number. I opened it one by one. Puro mga "hi" and "hello" ang mga iyon na galling sa mga classmates ko. May text nadin ang network na nag expire na ang unli ko. Panira naman oh. Menos na naman sa allowance ang load na yan.



I put my phone back inside my sling bag as I approached towards my boarding house. Hay, sa wakas makakapagpahinga nadin ako. Kakain, gagawa ng assignment tapos matutulog na.



Then, biglang nag flash sa memory ko yung face nung guy na bumunggo saken sa hallway kanina. Naalala ko na naman yung gwapo niyang mukha. Napapangiti tuloy ako habang naglalakad.



"Sorry talaga Miss. I mean it. Sana makabawi ako sa'yo nextime." Nagfa-flashback sa memory ko yung linyang yun at halos mabaliw na ata ako sa kaka-replay nito. I force to ignore the thought.



I am in a deep thinking of who this stranger is nang biglang...



"Rina, iha."



Aakyat na sana ako sa second floor ng marinig ko ang tumawag sa akin. Lumingon ako at nakitang ang landlady namin na si Tita Mary ang naroon sa may sala.



"Bakit po?" nahihiya kong tugon.



"May meeting tayo mamaya iha. Kumpleto na kasi kayong mga boarders ko. Pagkatapos niyong magpalit at mag-ayos ng sarili ay magsisimula na tayo." Nakangiting sabi ni Tita.



"Opo Tita." Sagot ko saka gumanti ng ngiti.







Diane's POV

Nagpaikot-ikot ako sa kwarto ko habang nag-aantay ng text ni Besty. Nagtataka kasi ako dahil kanina pa ako nagtext sa kanya. Pero hanggang ngayon ay wala padin siyang reply.



Di kaya may bago na siyang bestfriend? 


I know I am getting paranoid again. Ilang araw palang kaming di nagkikita pero parang sobrang tagal na. Hindi ko rin naman siya pwedeng ipagdamot sa iba. Especially now that we entered different universities.



Nakalimutan lang kaya niya akong itext? O may possibility na may nakalimutan na naman niyang i-charge ang phone niya. She always go to school not checking her phone. Ewan, ayaw ko ng mag-isip pero naninibago parin ako.



Back when we were high school kasi, Rina would always be curious about my crushes. 



Oo, CRUSHES talaga. Naniniwala kasi akong the more crushes, the more chance of winning. Oh diba haliparot lang? Am I maarte ba? Duh, this is the  normal me.



Anyway, speaking of Rina, she would always run into me kapag may nababalitaan siyang kinababaliwan ko o kaya ay hinahabol habol ko para lang makuha ang mga number nila. Yep, you read that right ganyan ako magka crush. Although it doesn't last long kasi nagiging tropa ko na kasi after ang mga crush ko.



She is a friend who is overprotective, kind, friendly, bright and beautiful too. 



Kumbaga, she has the beauty and the brain. 



And I admit it, I envy her. Unlike me, she has a lot of admirers. 



Maraming nagkaka crush sa kanya. She always finds letters, chocolates and flowers either on her desk or on her locker from secret admirers almost every day back then. 



But neither one of them, wala siyang nagustuhan. Wala din siyang naging crush. According to her, hindi pa daw kasi niya gustong magka boyfriend. Aral daw muna. Diba napaka studious ng bestfriend ko?



Ibang-iba siya saken. 



Kaya nga, siya ang unang nanenermon saken kapag may crush ako. Second homily nalang ang nanay ko. Wa epek na sakin yon after.



But on other things, we have similarities. Pareho kaming magaling sumayaw. We're also good in arnis and we're both student leaders. Well, sa pagluluto talaga talo ako. 



I suck at cooking while her dishes are the best!



Kaya nga kami naging mag bestfriend dahil ako ang laging nang-uubos ng mga niluluto niya. Char!



If there's something I am proud of the things I can do, that is I can bake her the desserts she loves. Kahit alam niyang bawal sa kanya kakainin niya.



********back to reality************



Dahil nainip na ako sa pag-aantay, I already dialled her number. Nakailang ring ito bago sumagot.



"Hello. Good evening best."

"Hello best!" excited at halos patili kong sagot. 



Namiss ko na siya. Nagiging busy na kasi siya sa school nila. Magkaiba kasi kami ng school. Hindi kasi offered sa kanila yung course ko ganun din yung kanya dito sa amin. That's why, we have no choice but to part ways.



"I'm sorry best kung di na kita na reply-an. Katatapos kasi ng klase namin tapos nag-expire nadin ang unli ko. Kararating ko lang ng boarding actually." Mahaba niyang paliwanag.



Nakonsensiya ako sa mga pinag-iisip ko sa kanya kanina. I kept thinking of bad things about her while in fact, hay. I'm really a bad bestfriend.



"Best? Are you still there?" untag niya sa kabilang linya.



I cleared my throat before speaking. "Ay sorry best. Nag alala kasi ako sa'yo kasi di ka na nag reply." Sagot ko nalang. I felt guilty.



"I'm sorry best if I made you worried. Di bale maglo-load ako mamaya for you. But before that, may meeting daw kami dito sa boarding eh. Tsaka magcha-charge nadin ako ng phone kasi pa-lowbat na tong cp ko." Sabi niya.



"Ay okay lang best. Ano ka ba? Bukas kana magload ha. Baka mapano kapa sa labas. Gabi na oh." I answered.



"Thank you so much best. Bawi ako bukas. We'll talk about your crush, okay? Sige ha, bye! Goodnight. You better sleep na." Paalam niya.



"Bye best. Goodnight din." I said then cut the call. She's really very kind. Hay, sorry talaga best.







_____________________________________

Anong masasabi niyo sa bestfriend ni Rina? Is the story that cliché guys? Comment naman po kayo please! :)

Say My NameWhere stories live. Discover now