Chapter 3-The Meeting

14 5 0
                                    

Rina's POV

Bilis bilis akong lumabas ng kwarto pagkatapos ng tawag.



I needed to take a quick shower bago ako kumain at lagkit na lagkit na ako sa sarili ko. Halos wisik wisik na ang ginawa ko para lang mapabilis sa paggamit ng banyo. Doon nadin ako nagsuot ng damit pantulog.



Pagkatapos ko magshower ay nagtungo ako sa karinderya para kumain. Nakakahiya naman kasi kung male-late ako sa meeting namin. Pagkarating ko sa pinakamalapit na kainan ay nakipila pa ako dahil maraming tao. 

Karamihan mga estudyante din tulad ko.



"Miss anong sa'yo?" tanong nung tindero.



"Student meal po. Yung chicken." Sagot ko saka inantay yung order.



Pagka-order ko ng pagkain ay nilantakan ko agad. Gutom nadin kasi ako. Wala pa sigurong 15 minutes ay tapos na ako. 



Pagkatapos ko magbayad ay bumalik na ako sa boarding house. Halos kumpleto na sila sa may sala. 



Naupo nadin ako sa tabi ng isang magandang babae. Sa tingin ko ay nasa third year na siya. Halos nasa likuran ako ng first row kaya natatakpan ako ng tatlong tao sa harapan.



"Okay, tayo na tayong lahat." Narinig kong sabi ni Tita Mary.



Nagsitayuan lahat at nagsimula nang magdasal. Nang matapos ay pinaupo din kami ng landlady namin saka siya nagsimulang magpaliwanag tungkol sa bayarin at mga house rules. Nakatungo lang ako habang nakikinig sa kanya.



"Third rule. Cleaners for the day." Turan niya. Mag-a-assign ako ng partners para maglinis para always clean ang bahay natin. " Dagdag pa niya.



Napalingon ako sa kanya pagkarinig ng rule na yun. Hindi naman sa ayaw kong maglinis, ayaw ko lang talaga. Pero no choice eh. Nakiki bahay lang ako ngayon.



"Last rule. Bawal ang magkaroon ng boyfriend/girlfriend dito sa bahay. Magkakapatid ang dapat na turingan ninyo dito." Sabi ni Tita. "Hindi ito kasali dati sa rule pero idadagdag ko na ngayon."



Sabi ko sa sarili ko wala akong magiging problema dun sa rule na yun. Mag aaral ang pinunta ko dito kaya focus muna.



"Kung wala ng tanong, proceed na tayo sa second part. Magpapakilala na kayo isa-isa." Tita Mary said.



Yung iba excited lalo yung boys. Yung iba naman hesitant pa sa una pero gusto din naman. Ako? Nahihiya. Para kasing matured na silang lahat, I mean, karamihan sa kanila.



"Sino gusto niyong mauna?" si tita.



"Boys po." Sabi nung isang girl.



"Ladies first." Sabi naman nung isang lalakeng matipuno at guwapo sa gilid na halatang datihan dito sa boarding.



"Ladies first, it is."



Nagsimula na silang magpakilala. Mga course, address, saan nag graduate, single, at kung anu-ano pa. May iba ding nagsabi ng talent at may nagpa sample pa.



Nang di lumaon ay tumingin silang lahat sa aking gawi. Ako lang pala ang di natatapos sa mga girls. Tumayo ako at tumikhim.



"I'm Rina Carmen. 16 years old." I suddenly stopped introducing myself as I felt as if a pair of eyes is staring at me although my boardmates really are. As if there is someone who looks through me. Ganunpaman ay nagpatuloy ako. "First year AB-Political Science." Alanganin kong sabi.



"Single?" Kuya Jim asked. FYI, he's a fourth year already. Nakilala ko na sila last week pa. Yung iba nalang ang di pamilyar sa akin.



"Ahem. Jim bata pa yan." Kuya Chad teased. "Huwag mo naman lahatin. Parang bunso na natin yan eh." Dagdag pa niya.



I felt my cheeks turned red as I heard them. "Single po kuya. By status." I managed to answer. Then the room was filled with laughters.



"Okay naman pala tong batang to eh. Joker!" Kuya Joseph said holding his belly. Di na magkamayaw kung anong tatakpan – mouth or belly.



Nagpakilala din isa-isa ang mga boys. May sumayaw din sa kanila. Yung iba, ang sabi ay dota lang daw ang talent. Halos lahat ata sila. Pinagalitan tuloy sila ng landlady namin.



Nang sa tingin namin ay tapos na kaming lahat at idi-dismiss na sana kami ng landlady namin ay may tumikhim sa may gilid sa dulo ng hagdan paakyat sa taas. Madilim dun sa kinauupuan niya kaya di namin siya mamukhaan.



"May isa pa pala." Tugon ng aming landlady. "Iho, halika na at ipakilala mo ang sarili mo sa kanila."



Tumayo ito. 



Matangkad siya.



Pero di ko makita ang mukha niya. Di na siya lumapit sa amin. 



Nang magsalita siya saka ako may naalala. 



My heart almost skipped a beat ng marinig ko yung boses niya. 



Nagulat ako at napalaki ang mata ko ng maaninag ang mukha niya. 



Is he for real? Is he really infront of me? Is this my imagination? 



No way! Hindi siya iyon. 



Eto na ata ang epekto ng madalas kong pagpupuyat sa paggawa ng mga assignments eh. Kung anu-ano ang nakikita ko.









______________________________________

Sino kaya yung isang boardmate ni Rina? Bakit ganun na lamang ang naging reaction niya nang makita ito? Find out in the next chapter.

Say My NameWo Geschichten leben. Entdecke jetzt