Chapter III

8.5K 248 0
                                    

Lumipas ang ilang araw. Gabi gabing magkatext si Rhian at Glaiza. Nagpapalitan rin sila ng messages sa twitter.

Araw na ng press conference nila para sa teleserye. Maingay sa loob ng conference hall. May mga nagaayos ng mic. Ng projector. At ang iba naman ay nagkukwentuhan. Naroon na rin ang ibang casts ng show maliban sa dalawang bida. Lumipas ang ilang oras. Magsisimula na ang meeting pero wala pa rin ang dalawa.

Napalingon ang mga nasa loob ng conference room. Magkasunod na pumasok si Rhian at Glaiza.Napatawa si Chynna sa eksena.

"Goodafternoon po Direk. Miss Suzette." Bati ng dalawa at nakipag beso sa Director at Head Writer

Binati rin nila ang mga tao sa loob ng conference hall. Magkatabi silang umupo sa seat na reserved para sakanila.

Matapos ang ilang oras nag-break muna ang mga staff at casts para kumain.

Habang magkatabi si Chynna at Glaiza sa tapat ng buffet table. Pasimpleng bumulong si Chynna.

"Wow. Magkasabay pa sa pagdating ha? Bestfriends agad?" Ngumiti ito ng nakakaloko

"Baliw! Nagkasabay lang kami sa parking lot. Ang malisyoso mo." Sagot ni Glaiza

"Ikaw ha. Hindi pa airing ng TRMD kina-career mo si Althea." Tumawa itong muli at kinuha ang fish fillet na nasa plato ni Glaiza

"Ang tamad mo rin e no? Ayan oh! Ang daming plato." Natatawang sabi ni Glaiza sa kaibigan

"Wala e. Pogi e." Kumindat ito at nag pogi pose pa.

Hindi naman nga maitatanggi na napakagwapo nito bilang isang babae. Bago ang hairstyle nya at nakared na polo na pinapatungan ng black coat talagang career ang pagiging Batchi Luna.

"Cha." Biglang sulpot ni Rhian sa likuran ni Glaiza

"Bakit Yoyon?" Tanong nito at lumingon sa likuran nya

"Can I ride with you after this? Ano kasi si Kuya Joey , my driver had an emergency his daughter was rushed to the hospital so pinagamit ko muna yung car ko sakanya to look after her daughter." Paliwanag ni Rhian

"E si Jason ba nasaan?" Usisa ni Chynna

Napalingon si Rhian at Glaiza. Nakikinig pala ito sa pag-uusap nila.

"We just broke up few weeks ago." Sagot ni Rhian at napayuko

"I'm sorry. Ah ano. Dun. Dun na ko ha? Sige usap lang kayong dalawa." Nahihiyang sabi ni Chynna at umalis na

"Bakit hindi mo naman name-mention na nag break na kayo?" Tanong ni Glaiza

"Long story. So can I have a ride please?" She gave her friend a sweet smile

"Matatanggihan ko ba yang ngiti ni Jade Tanchingco?" Natatawang sabi ni Glaiza at inaya na si Rhian na maupo na sa table nila

~
Matagumpay ang pagtatapos ng Press Conference. Nagsiuwian na ang mga staff at iba pang casts. Sabay naman lumabas ng conference hall si Glaiza at Rhian. Paglabas ay naroon ang isang reporter at nagkaroon ng maikling interview tungkol sa nasabing teleserye. Nagpromote rin sila nito.

"Please do watch The Rich Man's Daughter tomorrow after Let The Love Begin! Yeeeeyy!" Sabi ni Rhian na nakaharap sa camera

"Ayan. Manuod po kayo ng The Rich Man's Daughter tomorrow evening start na po sya ng airing and tama pagkatapos ng Let The Love Begin. Let's do support LGBT community." Ngumiti si Glaiza sa harap ng camera

Pagkatapos ng ambush interview ay dumiretso sa parking lot ang dalawa. Magkasabay na sumakay sa kotse ni Glaiza. Habang nagd-drive si Glaiza hindi nya mapigilang magtanong kay Rhian.

"So pwede bang magkwento ang isang Rhian Ramos kung bakit nag break sila ni ng isa sa pinakamagaling na car racer?" Sabi ni Glaiza na parang nagiinterview. Nakatapat ang kamay nya sa bibig at ginagawa itong mic

Napatawa si Rhian sa ginawa ng kaibigan.

"Miss De Castro. Super habang kwento kasi kaya wag na lang. Past is past." Sagot ni Rhian

"Maari bang malaman ang dahilan?" Patuloy pa ni Glaiza

"Uhhmm. Trust issues? Selos? I dont know. He's the one who broke up with me without even telling me what's the main reason." Sagot nito

Sumeryoso ang mukha ni Glaiza.

"Okay ka naman?" She glanced at Rhian at bumalik sa pagtingin sa kalsada

"I'm fine. Mabuti na rin siguro to kasi lately lagi na lang kaming away."

Napatango na lang si Glaiza "Ang seryoso natin!" Tumawa ito

"Ikaw kasi Galura e!" Rhian said at tinusok ng daliri nya ang tagiliran ni Glaiza

"Huy! Ano ka ba baka mabangga tayo" Sabi ni Glaiza at umayos ng upo dahil may kiliti sya sa tagiliran

"Aha! May kiliti ka pala sa side mo ha!" Sabi ni Rhian at nginitian ng nakakaloko si Glaiza

"Ewan ko sayo Howell."

Napatawa ang dalawa sa kabaliwan na ginagawa nila sa sasakyan.

~
"Rhian. Rhian." Sabi ni Glaiza habang pinipindot pindot ang pisngi ni Rhian

"Hmmm.." Tanging tugon ni Rhian at umayos ng sandal sa upuan ng kotse ni Glaiza

"Howell andito na tayo sa bahay mo ano ka ba gumising ka na dyan." Sabing muli ni Glaiza at inalis ang seat belt ni Rhian

Nagmulat ng mata si Rhian. Humikab ito at nginitian si Glaiza na nasa tabi nya.

"Ang cute mo pag bagong gising. Mukha kang rabbit na pusa?" Nangingiting sabi ni Glaiza

"Sus anong animal naman yun rabbit na pusa? Corny mo rin e. At nambola ka pa ha?" Sagot ni Rhian at kinuha ang pouch sa backseat "Thank You sa paghatid. I really owe you a lot. Dont worry babawi ako Galura." Pagpapatuloy ni Rhian at binuksan na ang pinto ng kotse. Lumabas na sya sa sasakyan ng kaibigan. Sumilip naman si Glaiza sakanya.

"Welcome Howell." She smiled at her

"Ingat sa pagdrive ha? Call me when you get home." Sabi ni Rhian at sinara na ang pinto ng kotse

Pumasok na sya ng gate at nag wave kay Glaiza. Bumusina naman si Glaiza. At nagmaneho nang muli.

~
Thank You For Reading. Heart Heart :)

Holding Back My Feelings (Rastro)Where stories live. Discover now