Chapter XI

7.6K 296 32
                                    

Napatingin si Glaiza sa nagri-ring nyang smart phone kanina pa tumatawag ang unknown number na ito. Nasa opisina sya ng Runner's kaya sinagot nya na lang dahil naiingayan na sya sa tunog.

"Hello? Who's this?" Tanong nya

"Hi Glaiza! This is Bianca"

"Hey! Hi Bianca! Bakit napatawag ka?"

"Uhm. I'll have taping ng SKK nandito ko sa condo ni Rhian. She's sick sobrang taas ng lagnat nya and hindi ko naman matawagan sila Tita. So I called you. Can you come over? Pwede bang dito ka muna sa condo nya? Please Glaiza?"

"Uh. Uhm. Ano kasi ano.."

"Ano?"

"Ano kasi busy ako dito sa Runner's.."

"Busy sa RK o naa-awkward kay Rhian?"

"Ha?! Hindi no! To na nga aalis na oh!"

PABEBE ka pa Glaiza feeling mo naman teenager ka kung maka-arti ka. Napatawa si Glaiza sa iniisip

"Wew. Thank you Glaiza."

Dali daling lumabas ng RK si Glaiza at nagdrive papunta sa condo ni Rhian

~
"Thank you for coming Glai. She's been calling out your name kahit tulog sya. Nakwento nya yung nangyari kagabi."

"Uhm. Sige na dito na muna ko. Mabilis lang naman siguro taping nyo no?" Pag iwas ni Glaiza sa sabi ni Bianca

"Thank you Glaiza. Dont worry babalik rin ako agad promise." Sabi ni Bianca at lumabas na ng unit

Umupo naman si Glaiza sa tabi ng kama ni Rhian at tinitigan ito.

"Glai..." bulong ni Rhian , nananaginip ata ito

"Ssshhh.. Andito na ko Rhi." Inayos nya ang mga nahuhulog na buhok sa mukha ni Rhian

Tumigil sa pagsasalita si Rhian. Mahimbing itong natutulog ngayon habang nakabalot ang buong katawan sa kumot. Tumayo si Glaiza at dumiretso sa kusina upang magluto ng makakain ni Rhian.

~
Bumalik sya dala ang isang tray na may gamot , tubig at bowl ng soup.

"Uhm. Hi? Gising ka na pala. Kumain ka muna para lumakas ka." Wika ni Glaiza at inilapag ang tray sa kama ni Rhian

Rhian was just staring at her. Napansin ito ni Glaiza. "Eat o pipitikin ko yang ilong mo?" Banta nito

Rhian was about to get the bowl nang hawakan ito ni Glaiza. "Ako na. Nganga" Sabi ni Glaiza na hawak hawak ang kutsarang may nakalagay na soup

"I can manage Glai." Wika ni Rhian at akmang kukuhanin ang kutsara pero inilayo ito ni Glaiza

"Nganga." Muling utos ni Glaiza

Dahil masakit ang ulo ni Rhian ay nagpaubaya na lang sya kay Glaiza. Nagpasubo na lang sya kahit nahihiya sya dito. Matapos kumain ay inabot ni Glaiza ang gamot kay Rhian at inalalayan ito sa pag-inom ng tubig.

"Thank you. Nasan ba si Bianca?" Tanong ni Rhian

"May taping daw so ako muna mag aalaga sayo. Ayaw mo ba?" Sabi ni Glaiza habang inaayos ang mga pinagkainan ni Rhian

"Wala akong sinasabi." Depensa ni Rhian at inabot ang cellphone sa bedside table nya

"Hep! Anong gagawin mo?" Awat ni Glaiza

"Use phone? Why?" Tanong ni Rhian

Kinuha naman ni Glaiza ang hawak nitong cellphone at ibinulsa. "No phone. Magpagaling ka muna bago ka magcellphone okay?"

Holding Back My Feelings (Rastro)Where stories live. Discover now