Chapter XVII

7.4K 289 30
                                    

Panginoon. Kayo na po ang bahala sakin alam ko pong mali itong gagawin ko pero please sana po hindi pa nakakaalis si Rhian.

Pumikit sya at tumingin muli sa traffic light na nananatiling nasa pula ang ilaw. Bumubuhos pa rin ang malakas na ulan. Unti unti nyang pinihit ang throttle ng motor at mabilis itong pinatakbo.

*PEEEEEEEEEEPPPPP*

Tumingin sya sa kaliwa nang marinig ang malakas na busina. Mabilis nyang iniwas ang motor sa pick-up truck na mabilis ang takbo mula sa kaliwa nya.

*CRAAAAAAAASSSSSSHHHHHH*

~

Rhian reached for her phone from her pocket she was holding it on her left hand. Papatayin sana nya ito pero nag-slip ito sa kamay nya at nahulog.

Kinabahan syang bigla. Unti unti nyang pinulot ang mga parte ng cellphone nya at muli itong binuhay.

Bianca calling..

"Hello Bianca? What made you call?"

"Rhian. Rhian please kung nasa airport ka pa please don't go! Si.. si Glaiza."

"W~what happened to her?" Kinakabahang tanong ni Rhian

"Naaksidente sya.."

Tila nabingi ito sa narinig. Dali daling itong lumabas ng airport at sumakay sa taxi.

~

Mabilis na itinatakbo ang hospital bed kung saan nakahiga si Glaiza. Duguan ito at walang malay. Nasa tabi nya si Alcris at ang mga magulang nya. Habang sumusunod si Bianca at Marc pati na rin si Chynna.

"Ma'am hanggang dito na lang po kayo." Pigil ng nurse sa Nanay ni Glaiza na gusto ring pumasok sa ER. Umiiyak ito at maging ang Ama ni Glaiza ay napapaluha na rin

~

"Bianca? Bianca saang hospital yan?" Kabadong tanong ni Rhian

"Saint Lukes Rhi. Nasa ER na si Glaiza."

"I'll be there in a minute."

She ended the call

"Saint Lukes. Manong pakibilisan po please."

Please hintayin mo ko Glai. Malapit na ko.

"Where is she?" Tanong ni Rhian nang makarating sya sa hospital

Bianca pointed the Emergency Room.

"Is she okay? What happened?" Kinakabahang tanong ni Rhian

"There's still no result. She was on her way para habulin ka sa airport." Sagot ni Bianca

"Nakita ko sya sa may Lawton Ave. She looks so stressed Rhi. Hiniram nya yung motor ko kasi hinahabol ka nga daw nya sa airport. So ayun bumaba ako ng motor ko at kinuha ko yung car key nya I told her na mag-ingat sya but then.. I'm sorry Rhirhi." Nakayukong paliwanag ni Marc

"You don't have to say sorry Marc." Niyakap nito ang kaibigan at nginitian ito

"Ano bang nangyari sainyong dalawa? This past few days mukha nang baliw si Glaiza tumatambay sya sa condo ko para lang mag-inom."

"Chynna I think this is not the right time para sagutin ni Rhian yan." Sagot ni Bianca

Ngumiti na lang si Rhian sa mga kaibigan at lumapit sa mga magulang ni Glaiza.

"Tito Tita.." Nakayukong bulong ni Rhian "Tita I'm sorry..." Dagdag nito

Hinawakan naman ng Nanay ni Glaiza ang kamay ni Rhian at ngumiti dito.

Holding Back My Feelings (Rastro)Where stories live. Discover now