Chapter VI

7.4K 230 5
                                    

Magkasama ngayong nagte-tape si Rhian at Glaiza matapos ang eksena nila sa park kahapon.

"Okay! Lights! Camera! Action!"

Rumolyo na ang camera. Tinetape nila ngayon ang scene nilang dalawa sa kwarto ng bahay kuno ni Wila.

(PS: They're in character here..)

"Mamimiss agad kita. Magtetext ka ha? Tatawag ka. At please! Wag kang makikipagholding hands kay David kahit sa harapan ng parents mo."

"Cute naman neto magselos." Nangingiting sambit ni Jade

"Hindi ako nagseselos" Pagtanggi ni Althea

"Hindi ka nagseselos?" Ngumiti ng nakakaloko si Jade

"Hindi!" Pagtangging muli ni Althea

"Oh? Bat nanlalaki yang mga mata mo?!" Mapang-asar na sabi ni Jade

"Siraulo ka ha!" Tugon ni Althea

"Pero lablab. Promise. Ikaw lang ang iho-holding hands ko." Sabi nito at hinawakan ang kamay ni Althea

Nag-pout naman si Althea at tinitigan si Jade "At iki-kiss?"

"Of course!"

Ngumiti si Glaiza at lumapit pa ng konti kay Rhian. Hinawakan ang kamay nito at hinalikan. Sumunod ang paghalik sa noo. Hinawakan sa pisngi si Rhian at hinalikan ang tip ng ilong nito. Oras na para mag eye to eye ang dalawa. Pero wala pang ilang segundo ay napaiwas ng tingin si Rhian. Bumilis ang tibok ng puso nya. At parang may mga lumipad na paro-paro sa tyan nya. Signal iyon upang sumigaw ng...

"CUUUUUUTT!!" ang Director "Rhian! Kailangan mong makipag eye to eye kay Glaiza! Look at her with love! With passion! This is already our take three and still hindi natin matapos tapos." Dismayadong sabi ng Director "Fifteen minutes break!" Sigaw ng Director at lumabas ng kwarto. Nagsilabasan lahat ng tao na nasa kwarto at naiwan ang dalawa

"What's wrong? Ano ba talagang problema?" Alalang tanong ni Glaiza at hinawakan ang braso ni Rhian

"Nothing. Uhm excuse me I~I have to get some water." Excuse ni Rhian at lumabas ng kwarto

Pumasok naman sa loob si Chynna at tinabihan ang kaibigan.

"Ano bang problema sainyong dalawa? Mainit na ulo ni Direk. Last scene na to tapos hindi natin ay! hindi nyo pala matapos." Pagtatama nito

"Nag-aalala na ko kay Rhian. Alam ko kahit hindi nya sabihin sakin may problema."

"Nag-away ba kayo?"

"Hindi. Kahapon nakita ko sya sa park umiiyak. Before that tinawagan ko sya ang sabi nya nasa coffee shop sya pagkatapos ko syang tawagan kinausap ako ni Kuya Chris ang sabi nakita daw nya si Rhian and hinahanap daw nya ko." She sighed

"Halika." Aya ni Chynna at pinasunod si Glaiza kung nasaan si Rhian nakita nila ito sa terrace ng bahay

Napa-angat ang tingin ni Rhian nang maramdaman na may nakatayo sa tabihan nya. Nakatayo si Glaiza at Chynna.

"Guys. Hindi nyo dapat dinadala kung ano man yang problema nyo dito. Last scene na nating ite-tape to for today and mainit na ulo ni Direk at Miss Suzi. Magusap kayo please." Sabi ni Chynna at iniwan ang magkaibigan

"I'm sorry." Paumanhin ni Rhian kay Glaiza

"Tama si Chynna. Hindi natin dapat dinadala yung problema natin dito sa set." Glaiza smiled at her "Hmm.May joke ako." Dagdag nya alam na talaga nya kung paano mapapa-gaan ang loob ni Rhian

Napatingin ito sakanya "What is it?"

"Anong sabi ni Nemo sa mga isdang hindi nya kilala?" She grinned at her

Holding Back My Feelings (Rastro)Where stories live. Discover now