Chapter V

7.4K 250 4
                                    

"Glai. Club tayo mamaya? Prive or Valkyrie?" Aya ni Kat

"Kasama ba si Rhi?"

"Woah! Rhian na naman?" Tumatawang sabi ni Chynna

Magkakasama ang tatlo sa isang tent.
"Oh? Bakit ganyan na naman yang tawa mo?" Pagsusungit ni Glaiza

"E bakit ang sungit mo?" Tanong ni Kat

Hindi na lang sila pinansin ni Glaiza at tinitigan ang call logs sa phone nya.

"Sino na naman ba kasing hinihintay mong tumawag? Don't tell me si Rhian na naman? Again and again na naman ba Glai?" Pang iinis pa ni Chynna

"Teka nga. May hindi ba ko nalalaman dito?" Tanong ni Kat at umupo sa Director's chair.

"Ano bang pinagsasabi nyo." Naiiritang sabi ni Glaiza

Bakit ba kasi hindi ka tumatawag? Sabi mo tatawag ka diba? Isip ni Glaiza habang nakatitig sa number ni Rhian

"Hala? Ang sungit ni Manang G!"

"Pwede ba tigilan nyo kong dalawa? Dun na nga kayo sa tent nyo! Ang gulo nyo." Pagsusungit pa ni Glaiza

"Well kahit ako naman siguro magkaka crush sa isang Rhian Ramos." Sabi ni Kat at tinitigan si Glaiza 'tingin na may pang aasar' "Ikaw ba Chynna? Magkaka crush ka ba sa isang Rhian Ramos?" Tanong ni Kat sa katabing si Chynna

"Sino ba naman ang hindi diba GLAI?" Sagot ni Chynna na pag pagdiin sa pangalan ni Glaiza

"Pwede ba? Ako naiinis na ko sainyong dalawa ha."

"Ikaw Glai? What if mafall ka kay Rhian?" Walang tigil na pagtatanong o pangaasar ni Kat. Hindi ka talaga makakaligtas sa mga tanong nito. Kung sa kotse yung bibig nya walang preno o break.

"I dont think that'll happen Kat."

~
I was about to enter Glaiza's tent when I heard my name.

".....Rhian Ramos. Ikaw ba Chynna? Magkaka crush ka na sa isang Rhian Ramos?" Si Kat

"Sino ba naman ang hindi diba GLAI?" Sagot ni Chynna

"Pwede ba? Ako naiinis na ko sainyong dalawa ha."

"Ikaw Glai? What if mafall ka kay Rhian?" Kat asked again

Ang kulit talaga ng tatlong to isip isip ni Rhian papasok na sana sya nang marinig ang sagot ni Glaiza

"I dont think that'll happen Kat."

Pakiramdam nya ay tumigil ang pagtibok ng puso nya. Yung pakiramdam na may kutsilyong sumaksak dito. Napahawak sya sa dibdib at dahan-dahang umalis sa harap ng tent ni Glaiza.

~
"Chynna pwede bang tawagan mo si Rhian? Nag aalala na ko e. Ang sabi nya tatawag sya sakin kapag malapit na sya dito."

"Ayun! Kaya naman pala mainit ang ulo ni Manang G! Hindi tumatawag si Girlfriend." Pangaasar ni Chynna sa kaibigan

"Girlfriend ka dyan baliw! Pahiramin mo na lang kaya ako ng phone?" Sabi ni Glaiza at kinuha kay Chynna ang hawak na phone

"Wow! Pinahiram na kita?"

"Thank you. Loveyou!" She gave her bestfriend a cute smile at lumabas ng tent

She dialed Rhian's number. Pero nagri-ring lang ito. She tried four times before Rhian picked up her phone.

"Howell! Hey? Bakit hindi ka tumatawag? Are you okay? Nasan ka na?" Sunod sunod na tanong ni Glaiza

"I'm fine Glai. Yeah malapit na ko sa dyan. Dumaan lang ako sa coffee shop na nakita ko along the way."

"Umiyak ka ba? Bakit ganyan yung boses mo?" Glaiza asked

"No." She said coldly

"Okay. I'll wait for you here. We're waiting for your home made fruit cake. Hehe magingat ka pagdrive okay?"

Hindi sumagot si Rhian sa kabilang linya.

"Hey?" Ulit ni Glaiza

"Uh. Yeah. Okay okay."

"Lovey~~"

Hindi natapos ni Glaiza ang sasabihin nang i-end call na ito ni Rhian. Napatingin sya sa phone at napakibit balikat na lang. Pabalik na sya ng tent nang kausapin sya ng isang crew.

"Hi Miss Glaiza. Nagkita po ba kayo ni Miss Rhian? Hinahanap nya po kayo kanina." Sabi nito

"Hinahanap? I just called her wala pa raw sya dito sa location." Nagtatakang sagot ni Glaiza

"Ha? E nakita at nakausap ko po sya mga thirty minutes ago po siguro." Sabi nito at tinignan ang relo

"Ah. Uhm. Sige thank you Kuya Chris ha?" Sabi ni Glaiza

Paano? Ang sabi nya hindi pa sya nakakarating dito.

"Chynna full battery na ba yung phone ko?" Tanong nya sa kaibigan nang makabalik sya sa tent

"Oo kanina pa. Oh? Nasan daw si Rhian? Ang tagal nung fruit cake na ibibigay nya e."

"Pakisabi kay Direk may pupuntahan lang ako. Emergency lang." Paalam nya sa kaibigan at dali daling umalis sa location

"Glaiza?! Mapapagalitan ka ni Direk! Hoy! Galuraaaaa!!" Sigaw ni Chynna pero hindi na sya pinansin ng kaibigan at dali daling pinaandar ang SUV nito.

Nasan ka ba Rhian? Tanong ni Glaiza sa sarili

~
Nakarating si Glaiza sa park malapit sa location nila. Natanaw nya ang isang pamilyar na pigura. Nakaupo ito sa swing habang nakayuko.

Pinatay nya ang makina ng sasakyan at bumaba. Nilapitan ang babaeng nakaupo sa swing at tinabihan.

"Hey." Sabi nya at tinitigan ang babaeng kaharap nya

"Glaiza?"

"Anong problema? Bakit umiiyak ka?" Tanong ni Glaiza at pinahid ang luha ng kaibigan

"Nothing. Bumalik ka na dun baka start na taping mo. Ito yung fruit cake. Tell them i'm not feeling well na lang." Tumayo si Rhian sa pagkakaupo sa swing at naglakad

Hinabol naman sya ni Glaiza at pinigilan. "Hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo sinasabi kung anong problema."

"Glai it's nothing. Don't mind me." Walang emosyong sagot ni Rhian

"Don't mind me? Rhian kaibigan kita. You are my closest friend tapos sasabihin mo sakin na wag kitang pakialaman?" Tumataas na ang boses ni Glaiza

Closest friend.
Kaibigan.
Closest friend.
Kaibigan.

Paulit ulit sa isip ni Rhian ang sinabi ni Glaiza. Heto na naman ang mga luha nya. Pakiramdam nya ay babagsak na naman ito. Hindi nya alam kung bakit. Kung bakit sya nasasaktan ng ganon kahit na alam at TANGGAP? naman nya sa sarili nya na MAGKAIBIGAN lang sila.

"I have to go." Sabi ni Rhian at inalis ang pagkakahawak ni Glaiza sa braso nya

Iniwan nyang nakatayo si Glaiza sa gitna ng park at nagdrive opposite to Glaiza's taping location.

~
Sorry dun sa image. Screencapture lang kasi tsaka nasa park sila. Haha anyway thank you for reading guys. Heart you ❤

Sorry if may mga mali didn't proofread tho hahahahaha

You know the "drill" Vote and Comment. Share if possible thank you demanding ko hahahahahah bye :* :)

Oh! Wait! I just wanted to share this! Kinikilig ako kagabi I was noticed by GLAIZA DE CASTRO sa Q&A nya sa Facebook. Nakaka 'Glaiza Vibes' Eee keshe nemeeeenn hahahahah kbye guys ang ingay ko na :3 Thank you again

Holding Back My Feelings (Rastro)Where stories live. Discover now