CHAPTER 18

7.7K 234 3
                                    

Jin's PoV


Nasuspend yung sport fest dahil sa nangyari. Nag iimbistega kami secretely, kelangan yun since utos ni King. It's been one week nang mangyari ag pagsabog. Natatawa nga ako ng maalal ko yung itsura ni King nang makalabas sila ni Queen.

FLASHBACK

Kalahating oras na kaming naghihintay dito sa labas pero wala parin sila King. Pucha! baka may nangyrai na sa dalawang yun. Napatayo kami nang lumabas sa pinto sila King habang inaalalayan ni Queen. Takte! nilapitan namin sila at binuhat si King papuntan sa HO.

*

"Queen okay ka lang ba?" Rinig kong tanong ni Kyla

"Yeah."

"Ako nang bahala mag imbistega sa nangyari kanina." Kylie

"No. I want you to work it with Dionne." Queen, napatango naman si Kylie.

"Hmmmmm.."

Napabaling kaming lahat kay King na naka higa sa sofa at mukhang gising na. Hindi namin dinala sa hospital si King kasi hinimatay lang naman daw.

"Shit! Xiarra?" Pfft. Parang tanga si King. Bigla syang tumayo at binitbit yung coat nya na naka patong sa sofa table saka nagmamadaling lumabas. Parang wala sa sarili.

"Tyler." Bago pa man makalabas si King sa pinto bigla na itong huminto at nagmamadaling lumapit kay Queen. Hahahaha! Pucha hindi nya ba nakita si Queen?

"Xiarra? Okay ka lang ba? Shit! Bakit ang dami mong sugat? may masakit ba sayo? Ano magsalita ka naman!" Nagulat kaming lahat ng biglang halikan ni Queen si King.

^_____^ Samantha at Kyla

"I'm okay now." Queen said while smiling. Ang ganda talaga nito pag naka ngiti. Pero loyal parin ako kay Kyla. Hahaha

Nakatulala lang si King habang nakatingin kay Queen. Pfft. Pusang gala! Hindi ko alam na marunong mag blush si King. Hahahaha

END OF FLASHBACK

"Hoy! para kang sira ulo jan ngumingiti mag isa." I glance at Kyla na kararating lang. San naman kaya to galing?

"May naalala lang." Nakangiti kong sabi

"At sino naman?" naka taas kilay nyang tanong. Mga babae nga naman ang aarte minsan.

"Bakit selos ka?" parang tanga kong sabi

"Asa!" Sabi nya sabay alis papunta ng kitchen.

..

..

..

Tyler's PoV

Damn! I look like a retard now, ngumingiti mag isa habang naka higa sa kama. Hindi ko parin makalimutan yung halik na yun. Ang lambot ng labi nya, damang dama ko yun kahit dampi lang.

*KNOCK KNOCK*

Bumangon ako at binuksan ag pinto.

"Hi."

"H-hello." Shit! why I am stuttering?

"Busy ka daw." Nahihiya nyang sabi. Ang cute nya, pero sino bang nagsabi na busy ako? sabagay mejo busy nga ako kakaisip sakanya.

"Sino nagsabi?" Tanong ko

"Yung sira ulong si Jin. Muntik ko nang masapak kanina kung maka ngisi eh." dabog nya sabay pasok sa kwarto ko. Pfft. Ang cute nya talaga haha. May napapansin ba kayo sakanya? hindi na sya masyadong cold.

"Wag mo pansinin yun." Sabi ko sakanya sabay bukas ng mini ref dito sa kwarto ko.

"Kumusta na pala yung pinadala ko sayo sa Empire?" Tanong nya

"Still not talking, kaya ayun dinala na sa black room." sabi ko habang inaabutan sya ng canned beer.

..

..

..

James's PoV

"Kyaaaah! si master James!."

"Ang cute nya talaga.. Huhuhu!"

"Kaya nga!"

"Lapitan mo dali!"

"Hi ako nga pal---"

"Wala akong pake alam." Malamig kong sabi, badtrip ako ngayon kaya wag silang maka lapit sakin. Naglalakad ako ngayon sa hallway. Nakita ko kanina si Samantha na ma kausap na lalaki at nkikipag ngitian. Psh! Dumiretso agad ako sa HO namin at padabog na binuksan ang pinto.

"Woah! anong probleme mo tol?" Hindi ko pinansin si Jin na nang aasar ang tingin. Tang*na! hindi ko alam kung bakit ganito ako kaapektado. Tsk! Umakyat ako sa kwarto ko at humiga sa kama.

..

..

..

Kyla's PoV

"Anong problema nun?" Tanong ko habang kumakagat sa hawak kong apple.

"Ewan, baka narealize na nyang mas gwapo talaga ako sakanya. Hahaha." Jin

Binato ko nga ng apple na kinagatan ko. Kagago sumagot. Ang hangin din minsan eh. Tumayo na ako at lumabas na, may klase pa ako.

"San ka pupunta?" Sigaw nya, nakalabas na ako eh.

"Class." Tipid kong sabi.

"Teka! wala kapa kayang klase." Tiningnan ko sya ng masama, eh ano naman? tss! hindi ako komportable kapag katabi ko ang walking air na yun.

..

..

..

Samantha's PoV

Katatapos lang klase ko. Hindi pumasok si Queen, ewan ko ba dun pati narin si Kyla. Nasa labas na ako ng room namin nang may tumwag sakin.

"Samantha!"

O____O

Anong ginagawa nya dito?

"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko

"Kung maka tanong ka akala mo kasalanan ang pumasok dito. Malamang mag aaral ako." Sabi nya. I rolled my eyes at him. Meet Dylan pinsan ko sa father side.

"Kelan kapa dumating?" Sa Japan kasi sila naka tira, pero hindi sya marunong mag chinese. hahaha

"Lat week lang, nga pala may pasalubong ako sayo." He said while smiling.

"Last week pa pala bakit ngayon ka lang nagpakita? Ano pala pasalubong mo?" Tuwang tuwa na tanong ko. Galante kasi to eh.

"Andun sa condo unit ko. Kumain kana ba?"

"Hindi pa. Ililibre mo ako?" Naka ngiti kong tanong

"Ice cream parlor?" tanong nya, nag ning ning ang mata ko kaya natawa sya saka ginulo ang buhok ko.

"Yah!" sabi ko sabay tampal sa kamay nya. Ayoko sa lahat yung gingulo ang buhok ko eh.

"Hahaha, hindi kapa rin nagbabago." Tss!

"Tara na baka magbago pa isip ko." Pfft. Ako boss samin eh.



______________

A/N: hindi ako maka tiis. Salamat sa nagbabasa. :)


The Mafia Boss(Xiarra and Tyler)Where stories live. Discover now