CHAPTER 36

4.3K 123 2
                                    

Jin's PoV


Kanina pa ako napapatingin kay King na tahimik lang habang nakatingin sa cellphone nya.Wala parin si Queen hanggang ngayon.

"We'll look for her King" Bigla sabi ni Kyla baby

Tumango lang sakanila si King bago sya umalis.Gusto ko sana sumama sakanila kaso ang seryoso ngayon ni King.Baka bigla nyang bangasan ang mukha ko.Hindi naman kasi ugali ni Queen ang umuwi ng ganitong oras.Hindi naman makaalis si King dahil nagtext daw sakanya si Queen na hintayin daw sya dito kasi may sasabihin daw na importante.

Napahawak ako sa makinis kong mukha na kinasasabikan ng mga babae at napa isip.Mukha ngang bothered si Queen nitong mga nakaraang araw, siguro napansin din yun ni King.

Bigla akong napatingin sa cellphone ni King nang mag ring ito.

"Wife where are you?......Shit! I'm coming, wait for me okay? If something happen, there's a gun on your bag"

Langya! Napatayo na din ako at sumunod sa nagmamadaling si King palabas ng HO.Wala dito yung dalawang kupal.Inutusan ni King.

Kahit na hinihingal na sa kakatakbo ang gwapong si ako ay hindi ako tumigil.Dagdag muscle din to.Pagkarating namin sa 4th floor ay nagpalingon lingon si King kaya ganun din ang ginawa ko.Mejo malapit na kami sa CR ng mga girls.

Hindi ko mapigilan na manlaki ang mata ng makarinig ako ng putok ng baril.P*ta! Kahit sino naman ganun ang magiging reaksyon lalo pa't si Queen ang hinahanap namin dito.At wala nang katao tao dito sa may hallway maliban samin ni King.

Patakbong sumunod ako kay King nang bigla nalang itong pumasok sa loob ng restroom ng mga babae.Kahit hindi bagay sa gwapong katulad ko ay pumasok rin ako at nakita ang hindi ko inaasahan.

**

Xiarra's PoV


Labasan na namin kanina pa at ako lang mag isa ang naglalakad sa hallway.Inutusan kasi ako ng prof namin eh kaya pina una ko na sila Kylie kanina.Hindi ko naman alam na aabutin ako ng gabi dito.Kinakabahan ako kasi ano...baka may mumu dito.Huhu!

Nanlaki ang mata ko nang may nakita akong anino di kalayuan sakin.Huwaaaah! Sinasabi ko na nga ba eh! Dun pa naman ako dadaan.

Kahit kinakabahan ay dumiretso parin ako sa paglalakad.Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa ko at nag dial.

[Wife where are you?] halata sa boses nyang galit sya, syet!

"A-no hubby pwede mo ba akong sunduin? Nasa building A ako sa 4th floor" Kinakabahan kong sabi

[Shit! I'm coming, wait for me okay? If something happen, there's a gun on your bag.]

Tumango ako kahit alam kong hindi naman nya makikita.

Wait!

'There's a gun on your bag'

Ibababa ko na sana ang phone ko para kalkalin ang bag ko nang bigla nalang may humaklit sakin kaya nabitawan ko yung phone ko.Shems! Eto na nga bang sinasabi ko eh.Huhuhu!

Nagpapasag ako para makawala pero sinipa nya lang ako.

Huhuhu! Ang sakit! T_T

Tumingin ako sa paligid.Nasa loob ako ng CR.

Teka!

"You look like pathetic"

Tiningnan ko sya at sinamaan ng tingin.Sinasabi ko na nga ba.Masama talaga syang tao!

"Anong kelangan mo sakin?" Matapang kong tanong

Tumawa sya ng nakakaloko."Kung sabihin ko bang buhay mo ang kelangan ko, ibibigay mO?" Naglabas sya ng isang..


Baril


Ako naman ang tumawa, yung nakaka asar na tawa na siguradong maiinis sya.

"Ganda ng baril mo ah. Tunay yan?" Tanong ko hehe, malay nyo diba tinitrip nya lang ako.

Nagsalubong ang kilay nya at naglakad papunta sa harap ko.Napangiwi ako ng hawakan nya ng mahigpit ang mukha ko habang nakatutok ang baril sa sentido ko.Feeling ko namumula na ang mukha ko dahil sa higpit ng hawak nya.

"Nakakatawang isipin na ang Queen ng Black Mafia ay walang kasilbi silbi ngayon sa harap ko" Nang iinsultong sabi nya, napakuyom ako ng kamao.Pakiramdam ko ngayon lang may lumait sakin ng ganito.

"Ano bang kelangan mo sakin ha?!" Sigaw ko sakanya kasi wala naman akong maalalang may ginawa ako sakanya eh.Huhuhu!

"Tonta! Sinabi ko na ang kelngan ko." Bigla nya akong sinampal at oo parang namanhind ang mukha ko, may nalasahan pa akong dugo sa gilid ng labi ko.Hindi ko alam pero bigla ko nalang syang pinanlisikan ng mata at malakas na tinabig ang kamay nyang may hawak na baril na bigla nalang humagis sa may gilid.

Nakita kong nagulat sya sa ginawa ko kahit ako nagulat din pero mamaya ko na yun iisipin.Tinulak ko syang ng malakas na syang dahilan ng pagkatumba nya.Sinamantala ko ang pagkakataon at mabilis na tumakbo pero hindi pa man ako nakaka abot sa pinto ay may humawak na nang kanang paa ko, sinipa ko sya gamit ang kaliwa kong paa.Tinamaan sya tyan kaya napahawak sya dun habang napapamura.

Huhuhu! Hubby nasan kana ba? Naiiyak na ako. T_T

Tiningnan ko si Vivien.Nanlaki ang mata ko nang makita ko syang pinupulot ang baril.Kinakabahan ko bigla.

What to do?! What to do?!

'There's a gun on your bag'

'There's a gun on your bag'

'There's a gun on your bag'

Mabilis pa sa alas kwatrong binuksan ko ang bag ko at kinuha ang baril.Tinutok ko sakanya at kinalabit ang gatilyo.

*BANG*

Hindi ko alam kung mabilis talaga ako o talagang mabagal lang sya kaya naunahan ko sya.

Napaupo ako bigla nang bumagsak ang katawan nya sa sahig habang umaagos ang dugo mula sa katawan nya.Parang ngayon lang nag sink in sakin lahat.Tiningnan ko ang baril na hawak ko at wala sa sariling nabitawan ito.

"Wife!"

Nakarinig ako ng kalabog pero hindi ko na yun pinansin.Nanginginig na nag angat ako ng tingin at sinalubong ang mata nyang may pag aalala.

"H-hindi ko s-sinasadya" Mahina kong sabi sa garalgal na tinig habang umiiling.Tumingin sya kay Vivien na walang buhay tapos tumingin ulit sakin at ngumiti.Niyakap nya ako.

"Shhh, It's okay" Niyakap ko sya ng sobrang higpit, pakiramdam ko safe ako palaigi sakanya.


**

A/N:Sobrang ikli..wala ako masyadong maisip kaya yan muna..xD




The Mafia Boss(Xiarra and Tyler)Where stories live. Discover now