CHAPTER 41

11.5K 255 135
                                    

Jin's PoV

Syet! Ang gwapo ko talaga! Tumingin pa ulit ako sa salamin at nag pogi pose."Hoy! Bumangon kana jan Dionne! Aba! Ligo ligo din para makahabol sa gandang lalaki ko." Binato ko pa sya ng unan na malapit sa pwesto ko pero ang gago binato din sakin pabalik. Buti nalang mabilis akong naka iwas bago pa dumapo sa makinis kong mukha ang unan na yun.

"Tangna naman tol! Ang aga aga putak ka ng putak jan! Hindi ka naman chicks" Aba'y gago talaga to."Kung ako sayo babangon na ako. Baka gusto mong si King pa ang pumunta dito para mahimbing ang tulog mo habang buhay.Pfft"

Mabilis pa sa alas kwatro na bumangon sya sa higaan at pumasok ng banyo.Pfft. Magkakasama kaming tatlo dito sa kwarto ng HO kasi dito natulog sila Kyla baby kagabi. Ewan ko ba kung anong ginagawa ng mga yun at anong oras na pumunta dito at sinabing dito matutulog."Labas na ako tsong" Paalam ko kay James na busy sa pag aayos ng buhok nya."Kahit anong gawin mo jan, hindi na magbabago ang mukha mo tol." Pfft.

"Ulul!" Hiyaw nya

"Yo! Mukhang masarap ang luto mo Queen ah" Prenteng umupo ako sa bakanteng upuan dito sa kusina. I gulped nang ilapag nya sa harap ko ang kaldereta.Syet! Mukhang masarap nga.

"Si Tyler ang nagluto nyan kaya masarap" Nakangiting sabi nya

"Aba nga naman. Marunong palang magluto si King." Komento ko habang tinitikman yung kaldereta.

"Wow! Mukhang masarap yan ah!"

"Tangna naman tol! Magbihis ka muna at wag mo ibalandra yang patpatin mong katawan dito. Baka makita ka ni King, talagang babalandra ang katawan mo jan sa pader." Potek! Mejo nabasa tuloy ang damit ko. Tsk! Pano nalang maaakit sakin si Kyla baby nito?

"Aba'y matinde tol! Hahaha! Sabihin mo lang kung natutukso ka sa abs ko. Pwede ko naman ipahawak sayo to kahit na si Kylie ang gusto kong unang makahawak nito." Sagot nang siraulong si Dionne

"Dionne" Pfft. Mabilis na nawala sa paningin ko si Dionne nang marinig ang warning tone ni Kylie. Langya! Hahaha!

"Good Morning!" Sabay na bati ni Samantha at Kyla baby

"Maganda kapa sa umaga Kyla baby" Nakangising sabi ko. Sinamaan nya ako ng tingin kaya natawa ako. Syet! Ang ganda talaga ni Kyla.

**

Xiarra's PoV

"Matagal kapa jan Tyler?" Sigaw ko mula sa labas ng pinto ng C.R

"You are very much welcome to join me if you can't wait, wife" Natatawang sabi nya.

"Siraulo." Bulong ko saka umupo sa kama. Pagkatapos nya kasing magluto ay naligo sya kasi amoy sibuyas at bawang na daw sya. Ang arte nga eh.

Tumingin ako kay Tyler ng lumabas sya ng C.R, tumutulo pa ang tubig mula sa katawan nya."Kakain na." Sabi ko saka tumalikod. Feeling ko ang pula ng pisngi ko. Waaah!

"Hahaha. You're blushing wife"

Malakas na sinara ko ang pinto at napahawak sa mukha ko. Waaah! Feeling ko magkakasakit ako. Huhuhu! Tumakbo ako pababa ng hagdan ng maka rinig ako ng mga yabag galing sa kwarto ni Tyler."Awww" Daing ko matapilok ako at mapaupo.

"Shit! Wife!"

Ang sakit. Huhuhu!

"A-aray. Waaah!"

"Queen!"

"Anak ng! Anong nangyari?"

"What happened?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Mafia Boss(Xiarra and Tyler)Where stories live. Discover now