CHAPTER 39

4.3K 120 3
                                    

Xiarra's PoV


Hindi ako mapakali habang nakahiga sa kama ko. Iniisip ko kasi si Tyler eh. Aish! Bumangon ako at kumuha ng damit bago pumasok ng CR.

Habang naliligo ako ay hindi ko maiwasang mapaisip. Hindi naman nya yun gagawin sakin diba?

FLASHBACK

It's alreay 8pm in the evening at naboboring na ako dito. Wala din dito si Tyler, ewan ko ba dun kung bakit madalas na wala ngayon.

Napatingin ako sa pinto nang biglang pumasok si Jin na nakapmulsa pa. Dirediretso sya sa paglalakad nang may naalala ako.

"Jin!" Tawag ko sakanya

"Ano yun Queen?" Lingon nya sakin

"Pwede mo ba akong samahan sa mall? Hehe"

"Ngayon na?"

Tumango ako bilang sagot sa tanong nya."Okay lang ba?" Tanong ko pa

"Pwedeng pwede Queen" Malawak ang ngiti nya

"Great, wait me here magbibihis lang ako" Sabi ko sabay takbo papunta sa taas

Dali dali akong naligo at nagbihis, baka kasi mainip si Jin sa kakahintay at hindi na ako samahan, hehe. May bibilhin kasi akong libro eh.

*

Pagdating namin ng mall ay pumasok kaagad ako, si Jin naman ay naka sunod lang sakin habang patingin tingin sa paligid. May mga babae din na panay ang pacute sakanya.

Pumasok ako sa isang bookstore at hinanap yung libro na bibihilhin ko. Nang mahanap ko yun ay binayaran ko na sa counter saka lumabas na ako kung saan naghihintay si Jin.

"Yan lang ba ang bibilhin mo Queen?"

"Ah oo, hehe"

Napakamot sya sa ulo."Baka may gusto kapang bilhin, tutal andito narin lang naman tayo bilhin mo na"

Napaisip ako sa sinabi ni Jin. Wala naman akong gustong bilhin. Eto lang talaga ang sadya ko dito. Ililibre ko nalang sya, para makabawi ako sa pagsama nya sakin. Hehe

"Kumain nalang muna tayo" Nakangiti kong sabi

"Tamang tama, gutom na ako. Haha!"

Papasok na kami sa isang sikat na restaurant nang bigla akong matigilan.

"May problema ba Queen?" Tanong ni Jin

"Pwede ko bang mahiram ang cellphone mo? Hehe"

Nagtataka nya akong tiningnan pero binigay nya din naman ang cellphone nya. Mabilis na kinuha ko ito at nag dial.

1 ring

2 ring

[What do you want Jin?!]

"Tyler.." Mahinang sabi ko, tumingin ako sakanila para tingnan ang magiging reaksyon nya, nakita ko syang natigilan saka pinatay ang tawag. Hindi nya ako kita dito sa pwesto ko.

"Anak ng! Queen tara na, baka makita pa tayo ni King" Sabi sakin ni Jin habang inaabutan ako ng panyo

"Yeah, let's go" Sabi ko habang pinupunasan ang luha gamit ang panyong binigay ni Jin.

END OF FLASHBACK

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng pantulog saka humiga sa kama.

Sabi nya mahal nya ako

Ngumiti ako at saka kinuha ang phone sa ilalim ng unan ko para itext si Kylie.

To:Kylie

Can you get all the information about Samara Heuston?

I need it ASAP. Thanks.

P.S Please don't tell it to Tyler.

Pagkatapos ko maisend yun ay binalik ko ulit sa ilalim ng unan pero bigla ko din ulit kinuha ng mag vibrate iyon.

From:Kylie

Sure thing Queen.

Bumuntong hininga ako at tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala saka napabuntong hininga ulit. Hindi ko alam kung dapat bang humingi ako ng tulong kina James, masyadong loyal naman kasi yun kay Tyler eh. Pero kung para naman kay Tyler siguro naman hindi nila ichichismis yun diba? Haay.

"What made my wife sad?"

"Hubby!" Hiyaw ko saka tumakbo palapit sakanya

"Hmm? Is there something bothering you?" Tanong nya

"Bakit ngayon ka lang umuwi? Saka lagi kang wala dito, minsan kana lang pumasok" Sabi ko

"I missed you" nakangiting sabi nya. Haaay, hindi naman yun ang sagot sa tanong ko. Hayaan na nga, mejo may pagka slow din kasi tong si Tlyer minsan eh.

"Kumain kana ba?" Tanong ko sakanya

"Yeah" Sabi nya habang umuupo sa sofa, niluwagan nya din yung neck tie nya.

"Eh? San ka kumain?"

"Sa plato"

Sinamaan ko sya ng tingin."Alam kong sa plato kumakain Tyler, ibig kong sabihin saang lugar?" Tumawa sya ng mahina bago ako sinagot.

"I had a dinner meeting with my new investor" Natatawa parin nyang sabi. Ano bang nakakatawa dun sa sinabi nya?!

*

Naiinis ako habang binabasa ko ang email galing kay Kylie. Mabuti nalang at nabigay kaagad sakin ni Kylie yung hinihingi ko sakanya.

Alas 3 palang ng madaling araw pero gising na ako. Ewan ko ba kung bakit nagising ako. Bumuntong hininga ako at saka ulit humarap sa laptop ko. Magtetext nalang ako kay Samantha. Mahirap kasi kung sa email pa. Marami kaya ngayon ang hacker.

To:Samantha

Pakibigay naman sakin lahat ng pangalan na kasali sa Imperial Organization, including their informations. Thanks!

"Wife?"

Dali daling sinara ko ang laptop ko at humarap kay Tyler na naka kunot ang noo habang nakatingin sakin. Nagising ko ba sya? Pero hindi naman ako maingay ah.

"Bakit? Hehe" Tanong ko

"Why are you awake at this hour?"

"Bigla akong nagising eh." Palusot ko

"Come here" Utos nya sakin na sinunuod ko naman agad. Mahirap na, hehehe.

Humiga kaagad ako sa tabi nya saka sya nginitian. Ngumiti din sya saka ako hinalikan sa noo.

"Let's sleep wife. I'm still fucking sleepy" Sabi nya sa inaantok na boses.

Pumikit ako saka sya niyakap.

I love you Tyler..



**

A/N: Nakapag update na rin. Comment and vote naman kayo :3


The Mafia Boss(Xiarra and Tyler)Where stories live. Discover now