CHAPTER 35

4.7K 115 3
                                    

Xiarra's PoV


Ano bang nangyayari sakin? Simula nung marinig ko yun, hindi na ako mapakali.Kinakabahan din ako.

"Tumatanggap pa pala ang school ng mga transferee" Kyla

Hindi ko alam pero masama talaga ang kutob ko sakanya.Hindi naman sa nanghuhusga ako, kasi diba masama yun? Hehe.Pero kasi naman eh!

"Diba bawal nang tumanggap sabi ni King? Lalo pa't malapit nang matapos ang school year?" Kylie

"Kilala nyo si King, laging may dahilan yun. Saka last week pa yun andito." Samantha

"Ikaw Queen nakita mo na ba yung transferee?"

Huh?!

"Queen"

"Ah? Hehehe, pasensya na, ano nga ulit yun?"

"Okay ka lang ba Queen?" Kylie

"Ha? Oo naman" Ngumiti pa ako sakanya para ipakitang okay lang ako.

"Tara na, anjan na si Maam"

Pagpasok namin ng classroom ay pumunta agad ako sa upuan ko, kaso may nakaupo pala.

"Ahm excuse me" Sabi ko, mejo nagulat pa ako ng humarap sya sakin

"Yes?"

"Ah jan kasi ako nakaupo" Nahihiya kong sabi

"Oh, sorry. I thought it's not taken" Ngumiti sya, kaya ngumiti din ako, hehe.

"Ngayon alam mo na, kaya humanap kana ng ibang upuan" bigla syang natigilan at tinitigan ako, hindi nya ba alam na

"Staring is rude" Dagdag ko, nginitian nya lang ako saka sya tumayo.

Wew!

Akala ko mapapasabak ako sa actingan, hehehe.Umupo ako sa upuan at binuksan ang bag ko.Buti hindi kami pinansin ni Prof, yung sumita sakin dati, hehe.

"Queen kilala mo yun?" Bulong sakin ni Kyla na nasa likuran ko lang.

"Hindi, hehe" Sabi ko, hindi ko naman talaga sya kilala eh pero may alam ako sakanya.

*

Jin's PoV

"Ano dre? Sigurado kana ba?" Tanong nung kupal na si James habang katabi nya ang isa pang kupal na si Dionne habang tumatawa

"Oo nga! Tss! sa gwapo kong to? Bulag lang ang hindi maaakit" Sinabayan ko pa ito ng isang nakakalokong ngisi.

"Sige tingnan natin yang pinagmamalaki mong kagwapohan" Natatawang sabi ni James.Gago talaga kahit kelan

"Oh andito na tayo, pasok kana tol haha"

Hoo! Kaya mo yan Jin, sige pasok kana. Isipin mo nalang na nagkakandarapa sy sayo mahawakan lang ang abs mo.

"Umalis na kayo" Sabi ko sakanila na tinawanan lang nila.Kilala ko tong mga pangit na to eh, may gagawin nanamang kalokohan yan."Pag hindi kayo umalis sasabihin ko sa mga girlfriend nyo yung ginawa nyo kagabi" Napangisi ako ng mabilis pa sa alas kwatro na nawala sila sa harap ko.Hahaha!

Humarap ulit ako sa pinto at pinihit ang door knob.Nakita ko syang nanonoud ng T.V, narinig nya sigurong may pumasok kaya napalingon sya sa gawi ko.Naglakad ako papalapit sakanya pero hindi pa man ako nakakalapit ay tumayo na sya at akmang aalis na nang magsalita na ako.

The Mafia Boss(Xiarra and Tyler)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ