CHAPTER 30

5.2K 149 0
                                    

Samantha's PoV


Dahan dahang nagmulat ako ng mata at nilibot ko ang paningin ko.Amoy palang alam ko na kung nasan ako.Napatingin ako sa katabing kama ng hinihigaan ko.

"Jin.." Pinilit kong umupo kahit sobrang sakit ng katawan at ulo ko.Damn it! Napahiga ulit ako sa kama dahil hindi ko kayang umupo.Napatingin ako sa katabing kama ko, puro galos ang katawan ni James at may sugat pa sa mukha.

Teka, bakit hindi ko makita si Queen? Sinubukan ko uling tumayo pero sya namang bukas ng pinto kaya napahga ulit ako.

"Wag mo munang pilitin tumayo"

"How's Queen?" Tanong ko kay Kyla na nilalapag ang dalang isang basket ng prutas na nilalapag sa table.Bigla syang tumingin sakin at kinabahan ako dun.

"Hindi ko masasabing okay hanggat hindi pa sya nagigising, sabi nang doktor malala daw ang tama nya sa ulo, tatlong araw na syang walang malay at ganun din kayo, may naalala ka ba?"


FLASHBACK

"Bakit tayo pinapapunta dito ni King?" Tanong ko kay James

"Samahan daw natin si Queen"

"Samahan saan?" Nagtatakang tanong ko

"Ewan ko ba jan kay King eh kayang kaya naman ni Queen ang sarili nya"

Papasok na sana kami ng HO nang bigla nalang bumukas ang pinto nito at lumabas si Queen na dire diretso ang lakad.

"You'll come with her kahit san sya pumunta"

Napatingin ulit ako sa pinto nang mrinig ko ang boses ni King.Nakatingin parin sya kay Queen na malayo na samin.

"Areglado King!" Sumaludo pa si James saka kami umalis.

*

"Watch out!" Biglang sigaw ni James at mabilis na hinila si Queen.Masamang tiningnan ko yung babaeng bumangga kay Queen.Palihim pa itong ngumiti bago tuluyang pumasok ng mall.

"Okay ka lang?"

"Yeah, thanks" Sabi nya at nagtuloy tuloy na sa paglalakad

Sumunod lang kami sakanya hanggang sa makarating kami sa parking lot ng mall.Nagmadali kaming maglakad ni James at pumasok sa kotse.

"Let me" Biglang sabi ni Queen nang akmang sasakay na ng driver's seat si James, nagkatinginan kami ni James at tumango nalang ako sakanya.

"Babe okay lang kaya si Queen?" Bulong sakin ni James maya maya.I just shrugged my shoulders.Mejo kakaiba din ang kilos ni Queen.Kanina lang mejo mabagal ang takbo ng kotse pero ngayon bumibilis na.

Napatingin ako sa likod namin at biglang napamura nang may dalawang kotse at motor ang naka sunod samin.Naglabas ako ng baril at ganun din si James.Bubuksan ko na sana ang bintana nang biglang magsalita si Queen.

"Don't"

Gulat kaming napatingin kay Queen.Mas pinabilis nya ang takbo nang kotse at ganun din yung sumusunod samin.Umayos ako ng upo ng biglang lumiko si Queen dahilan para bumunggo yung isang kotse sa puno.Mukhang hindi na nakatiis si James at bigla nalang binaba ang bintana saka nagpaputok sa likuran namin.Gumewang gewang pa yung kotse bago ito tumigil at sumabog.

The Mafia Boss(Xiarra and Tyler)Where stories live. Discover now