Chapter 2: Arrangement (pt.2)

617 21 1
                                    

Summer | The Arrangement (pt.2)

"Hija, hijo!" Pagbungad ng mom ni Kaiser habang papalapit siya sa amin. 'Di ko maalala kung kailan pa niya napulupot ang kaliwang braso niya sakin pero mas hinigpitan pa niya ang hawak niya sa bewang ko. "How are you two?" Mommy Aubrey is a comely lady na ubod ng bait. Kakampi ko talaga siya, noong engaged pa lang kami ni Kaiser, pinagtatanggol niya ako sa halimaw niyang anak. Parang tuta kaya si Kaiser 'pag nandiyan mga magulang niya, takot 'yan kay mommy eh.

"How's married life?" Tanong ni Daddy Kenneth, tatay ni Kasier. A businessman in his early fifties, he's one of the most successful ones in the country. Ilang beses ko na siyang nakikita sa mga entrepreneur magazines, I swear, pictures don't do him justice. Despite his age, gwapo pa rin siya and matipuno. Kaiser is a great combination of his parents, ang mga mata at labi niyang galing kay mommy at ang matulis na jawline at ngiti naman ni daddy.

"It better be because if not, hindi ako magdadalawang-isip na kunin ang anak ko sa'yo!" My papa squinted habang unti-unti siyang lumapit. "I'm watching you, Santiago. Break her heart and I break every bone in your body."

Matangkad si Kaiser pero halos magkapantay lang sila ni papa, 'di man niya aminin pero alam kong takot siya dito. Rinig na rinig ko paglagok niya sa kinakatayuan ko eh.

Hays, si dad talaga, alam naman niyang hindi ko kayang iwan ang mokong na 'to. Magtitiis na lang ako, ito ang gusto ni mama eh, bilang anak niya, gusto kong tuparin ang hangarin niya. Sabi nga nila, mother knows best, and that's true, and I sure do hope she's right about this one too.

I was snapped back to reality when Kaiser suddenly kissed me —on the lips. Sa lips! Wala na, hindi na virgin ang lips ko, kinuha niya na nga ang I do ko, pati ba naman ang first kiss ko? Nag-share pa talaga kami ng laway sa harap ng parents namin ha, nakakahiya. Pero hindi naman nakakarindi, fresh kasi, bagong toothbrush. Teka nga lang, ano ba 'tong pinag-iisip ko?

I flashed them the sweetest fake smile I could muster at the moment. Mukha namang kinilig ang mom niya, niyugyog ba naman kasi si daddy Ken eh. Naalala ko tuloy si mama, ganun din siya kahyper, minsan nga para siya pa 'yong anak samin eh.

Siya ang dahilan kung bakit ikinasal kami ni Kaiser. Sabi ni papa, simula nang pinanganak ako, hinangad na ni mama na mapangasawa ko daw ang anak ng best friend niyang ilang buwan lang ang tanda sakin. I love my mom so, so much and even though she isn't here anymore, there's nothing that I wouldn't do for her. Kung ito ang ginusto niya para sakin, then so be it.

Sa kay Kaiser naman, napapayag siya kasi 'di ibibigay sa kaniya ang mana niya 'pag 'di niya ako pakasalan. Hindi niya naman ako kinamuhian para sa rason ko, kahit hayop kasi 'yan, mahal na mahal niya ang mga magulang niya eh, kaya naintindihan niya siguro ako. Sabi ni daddy Ken, 'pag hiwalayan niya ako, kukunin nila ang mana niya. Ako lang daw ang bibigyan nila ng kakayahang tapusin ang pagsasama namin, strikto sila sa anak nila, kahit nga ako natakot din.

Hindi ko naman magagawa 'yun, kita ko kasi ang galak sa mata ni mama nang sinabi akong pumapayag na ako. She was sprawled on her hospital bed with tubes barely keeping her alive. Ang sakit makita siyang ganun at alam kong hirap na hirap siya, nang sinabi kong magpapakasal ako kay Kaiser, kita ko kung paano nagningning ang mga mata niya. I always dreamed of a beautiful wedding with the person I love and my mama would help me in planning it and picking out my gown. Pero ilang araw matapos 'yon ay binawian na siya ng buhay. I didn't know the human body could produce so much fluid in one night, but my tears didn't stop flowing until morning.

"Anak, usap tayo?" Alok ni papa. Nakita niya siguro akong nanggigilid na ang luha. Even though it happened a year and a few months ago, the wounds are still fresh. Sobrang sakit pa ring isipin na wala na siya. Naglakad kami ni papa sa garden para mag-usap.

Married to an Asshole ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon