Chapter 38: Promises (pt. 3)

141 2 1
                                    

Summer | Promises (pt. 3)

Nagising ako sa umaga dahil sa pagbukas ng pinto sa aking kwarto. Kaiser was walking in with a tray of food in his hands.

"Gising ka na pala, ito. Nagluto si manang ng mushroom soup. Kain ka na para makainom ng gamot." Nilagay niya ang tray sa nightstand sa tabi ng kama at naupo malapit sa akin. "Gusto mo bang subuan kita?"

"Kaya ko kumain mag-isa," mariin kong sabi. Kahit gano'n ay hindi siya umalis sa aking tabi, at patuloy lang akong tinignan. "Saan ka kagabi?"

Alam kong kahapon pa ito at dapat ay kinalimutan ko na dahil humingi na siya ng tawad, but I needed to know.

"Sa condo ni Chloe kasama ang banda. Lumakas kasi ang ulan at mag-uumaga na rin kaya doon na lang kami natulog."

And again there is that strange feeling swirling in my chest.

"Oh."

"Sor-"

I cut him off, "Huwag ka nang mag-sorry, napatawad na kita. I just wanted to know."

He must have noticed the increased sternness in my voice, "Magkaibigan lang kami ni Chloe, 'yan ay sinisigurado ko sa'yo." Tumango lang ako at binalik ang kubyertos sa tray. Inihiga ko muli ang sarili and faced opposite him.

Alam ko naman at may tiwala naman ako sa kaniya. Past Kaiser, no, but this Kaiser is different -he's different now. May oras lang talaga na parang... alam mo 'yong senses mo sinasabing may mali? Napapadalas kasi ang band practices nila, kahit matapos ang battle of the bands sa Eastwood. I mean they won 3rd place and I couldn't be more proud but I'm worried he's spending too much time on this than other important things, like preparing for his training at the company.

"Let's eat out together," bigla niyang sabi. Nanlaki naman ang mga mata ko, I don't think we've ever dined out together in a long time. Napangiti naman siya dahil sa ekspresyon ko, "But not today. Magpapahinga ka pa muna." He planted a kiss on my forehead and left the room, taking the empty tray with him.

Curse him and his charm.

Ilang araw matapos ako gumaling sa sakit ay dumating na rin ang araw na lalabas kaming dalawa. Biyernes na ngayon at kakatapos lang ng graduation practice namin.

Abala ako sa pag-aayos sa sarili ko nang kumatok siya sa pinto. "Pasok."

"Luh, may pinapagandahan ka ba?"

Binelatan ko siya, "Tapos magrereklamo kang mukhang takas sa mental ang date mo?"

"Gano'n pa rin naman kahit mag-ayos ka," nagkibit balikat siya.

"Gusto mo na talagang mamatay ng maaga no?" Lumapit siya sa kinaroroonan ko at sinuklay ang aking buhok.

"Maganda pa rin naman kahit mukhang takas sa mental," sabi niya at hinalikan ako sa leeg. "Huwag na kaya tayo lumabas-"

I knew that tone from anywhere, kahit kailan talaga, manyak pa rin ang lalaking 'to, "'Di uubra sakin ang ganiyan mo ah. Halika na nga."

Tumayo ako agad at hinila siya papuntang sasakyan matapos magpaalam kay manang. "Saan ba tayo pupunta?"

"You'll know when we get there," nagpatuloy lang siya pagmamaneho. Halata sa mga mata niya ang excitement pero may halo rin itong takot, but it can't be that. What would he even be afraid of, we're just going to dinner. "We're here," we stoppped at a place I knew a little too well.

"Isn't this the hotel where we had our wedding reception?" The Palisade, dito dumiretso ang wedding party matapos ng ceremony sa simbahan.

Two years ago... I used to think that day was the worst day of my life. I was being sent off to marry a jerk, but now that very jerk is holding my hand as we enter the same hotel. I can't believe how the times have changed. I can only chuckle at how many times I swore I'd never be happy in this relationship and how much I'll loathe every single second of it. But now all I want is to... to spend my whole life with him.

Married to an Asshole ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon