Chapter 6: Asshole

291 11 0
                                    

Summer | Asshole

"Be my girlfriend—" kaswal niyang inulit.

"I heard what you said the first time," sabay lagay ng kamay ko para hilutin ang aking sentido na parang may ugat na malapit na lang ay sasabog na. "Ang 'di ko maintindihan ay 'yang ideya mo. Hindi no, hindi ito yung ganoong story." Sinirado ko na ang librong nasa harapan ko at akmang tatayo na pero pinigilan niya ako.

"Pretend lang naman, hindi naman nila kailangan malaman na 'di totoo eh, I just want to have my peace and freedom."

"Feeling mo naman tatan-tanan ka nila kasi may girlfriend ka na, as if. 'Wag kang tanga, 'di titigil ang mga 'yon, isa pa, ako pa talaga ang girlfriend mo. Kaya nila akong ipapatay, kaya no ang sagot ko."

"I think wrong, Reyes. I think tayong dalawa ang makaka-benefit dito. Not only will they think I have a girlfriend ay mapo-protektahan naman kita sa kanila, 'di ka nila mahahawakan—"

Tumayo ako at binalik na ang libro sa pinagkunan ko nito. Mas mabuti nang umalis na lang ako ng library bago pang tuluyan magalit si Ginang at ma-ban pa ako. Isa pa, mag-lulunch na din naman mayamaya, "Ewan ko sa'yo, Villarin. 'Di ko maintindihan bakit ako pa talaga ang ginagambala mo, basta a-yo-ko."

"Kasi you look—" napatingin ako sa kaniya at napataas ang isa kong kilay, "—look like someone na mapagkakatiwalaan." Napakamot siya sa ulo pero 'di 'yon ang sasabihin niya pero binalewala ko na lang. "Think about it, okay? 'Di kita pipilitin pero gusto kong pag-isipan mo 'yong alok ko."

Napasinghap ako, "Oo na, pag-iisipan ko na. Alam mo, nakaka-stress ka, natutubuan ako ng puting buhok sa bawat salita mo."

Lumabas ako ng library at pinilit kong pigilan ang tawa ko nang nakita ko siya palingon-lingon sa paligid bago tuluyang sumunod lumabas. Ano bang mali sa lalaking 'to? Ang iba ngang boys sa school, kulang na lang magpa-fiesta sa barangay 'pag may nagkagusto sa kanila. Si Kaiser nga, halos higupin na lahat ng ego eh, at pumasok na din sa halos lahat ng butas. "Allergic ka ba sa babae?"

Tumawa siya ng malakas, naku, buti na lang talaga lumabas na kami ng lib, this guys does not know what inside voice is. Sarap palunukin ng langaw.

Langaw, please, pasukin mo ang bunganga niya para mabilaukan na at mamatay. 'Di, joke lang. Para mabilaukan na at matutong 'wag palaging buksan ang baba.

"Hindi lang ako komportable na halos dumugin nila ako sa tuwing nakikita nila ako."

"Oh, kaya pala mukhang constipated ka 'pag tumutingin sila sa'yo na parang—" tinignan ko siya bago tinapos ang sasabihin ko "—hinuhubaran ka."

Yumuko siya at napasapo ng kaniyang noo. Hindi pa rin siya nakatingin sakin nang nagsalita, "Shit. Please don't say that."

Nagulat ako sa namumula niyang mukha, "Villarin, bakla ka ba?" Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko, "Sabi ko na nga ba! Kaya pala buntot ka ng buntot sakin. Naisip ko kasi imposible naman na crush mo ako sa pangit kong 'to, kasi ako lang pala ang nakikita mong 'di ka hahalikan. 'Wag kang mag-alala, talagang wala akong interes sa'yo and your secret is safe with me. Hoy! 'Wag mong isipin na jinu-judge kita ah, there is certainly nothing wrong with—"

"And you say I'm talkative..." Napatingin ako sa kaniya, biglang nag-iba ang aura niya. "You really think I swing that way? Want me to prove otherwise?"

Nang lumapit ang mukha niya sakin, napatalon na lang ako ng paurong. "J-joke lang, sabi ko nga, shy ka lang eh. Shy lang," I tried my best to regain composure before lightly coughing, "pero you do seem like a soft boi," I said more to myself than him.

"Ano?"

"Wala, sabi ko mukha kang natatae na ewan."

Napahinto siya sa tapat ng hagdan, pababa punta namin eh, sa cafeteria. "Akyat muna ako, sunod ako sa'yo, kunin ko lang yung wallet ko sa taas."

"Luh, ba't 'di mo dala?"

"Hinabol kasi ako kanina kaya tinapon ko ang bag ko sa hallway sa taas at tumalon pababa ng hagdan," tuluyan na siyang tumakbo pataas at naiwan akong nakatunganga. Gaano ka grabe ang hiya niya sa babae na tinapon ba naman talaga sa hallway ang bag para makatakas. Tumalon pa sa hagdan ah! Buwis buhay 'tong lalaking 'to.

Naglalakad na ako papuntang caf nang na-notice ko na kaunti na lang ang mga tao sa labas. Shit, puno na siguro ang cafeteria nito. Ang hirap pa naman maghanap ng mauupuan. Naku, kasalanan 'to ni Villarin eh.

Nasa entrance pa lang ako ay kitang-kita ko na ang dami ng tao at ang mga lamesang halatang 'di na bakante. Malas naman oh.

Tatalikod na sana ako matapos magpasyang kumain na lang doon sa Jollibee malapit sa school, nalalaway na ako kaka-imagine ng Jolly super meal na bibilhin ko pero bigla akong nakatanggap ng text mula sa lalaking ayaw na ayaw kong nakakasalubong sa school.

Hoy, taba. Lumapit ka dito.

Ignore him, Summer, he's not worth your day. Do not satisfy him by letting him waste your time. Isipin mo na lang ang super meal na nag-aantay sa'yo.

Mahirap bang intindihin
ang sinabi ko o baka
naman gusto mong
maulit ang nangyari
nung isang linggo?

Napabuntong-hininga ako, wala akong choice. May rules si Kaiser at tatlo lang doon ang related sa school: Una, 'wag na 'wag ako lalapit o kakausap sa kaniya. Dalawa, hindi kami magkakilala. Tatlo, 'wag kong subukang hindi siya pansinin sa oras man na mat kailangan siya sakin. Breaking any of these rules means that I should ready myself for the consequences.

Last week hindi ko siya pinansin nang tinawag niya ako, umuwi ako sa kwarto kong gulong-gulo at textbooks na punit-punit na sa shredder. I shudder at the thought. One thing is for sure, ayaw ko nang maulit 'yon. Hindi na ako nagulat do'n, asshole nga tawag, diba?

Nilingon ko siya at sumenyas naman siyang lumapit ako. I internally groaned at ginawa ang lahat para hindi niya mahalata ang padabog kong paglapit, "Ano—"

Napasinghap ako sa gulat dahil sa bigla akong natisod sa paa ng isang kaibigan ni Kaiser. Before I knew it, nakadagan na ako sa halimaw na tiyak na plinano 'yon.

"Welcome to hell..." bulong niya malapit sa tenga ko bago ako tinulak palayo sa kaniya. "What the actual fuck do you think you're doing?"

Tumayo siya mula sa kinauupuan namin sa sahig habang patuloy ako nakatingin sa tiles. Nararamdaman ko ang mga titig nila sakin, watching my every move. One little misstep at siguradong gagamitin nila 'yon laban sakin. Ito 'yong tamang moment para biglang kainin ng lupa.

Napatingala na lang ako nang biglang may nagsalita, "Ew! Who do you think you are, fat ass?" Hindi ko siya kilala pero pamilyar 'yong boses niya. Siya 'yong palagi kong naririnig na nag-aanounce dito sa batch namin, Lara Olivarez.

Brown hair na mukhang inayos ng ilang oras at maputing balat na kitang-kita sa miniskirt na suot. She doesn't look like your typical student council president, not that I believe in stereotypes, but the least I expect is for her to impose school rules, starting with following the dress code.

Hindi ko mapigilang lumamig ang mukha, bakit ba ganito binoboto ng mga tao? Hindi ko naman siya matatawag na bobo kasi na-qualify siya sa posisyon niya pero sadyang virus talaga si Kaiser, kahit ang matalino nagiging tanga.

Tumayo ako at doon ko nakita kung gaano kadaming atensyon na ang nakuha namin. Aalis na sana ako nang bigla niya akong pinatalikod ulit para makaharap siya, "Bitch, where do you think you're going?" Nangingitngit siya sa galit, parang nakakasugat ang talim ng tingin niya, "Hindi mo pa ako sinasagot." Pero bakit ba dapat ako matatakot eh wala naman akong ginawang masama?

"I'm sorry but I don't answer rhetorical questions, bakit 'di mo tanunging 'yang boyfriend mo?" Senyas ko sa likuran niya. Letting a girl handle a fight for you makes you all the more disgusting, Kaiser Santiago.

Pero hindi ko inasahan ang sinabi niya matapos non, "For the last time," suklay niya sa buhok, tila naii-stress sa nangyayari, "you're not even worthy of being my fling."

I should've seen that coming.

Married to an Asshole ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon