Chapter 20: Birthday Bash

207 7 1
                                    

Summer | Birthday Bash

What. The. Fuck.

What the fuck.

What the fuck just happened out there, Summer?

Pakisagot nga ako, Summer Drie, anong karupukan 'yon? Uhaw ka na rin ba? 'Tig tuyo na ba, sobrang kati na ba? Muntikan na kayong maghalikan, twice! Twice! Napahablot ako sa unan na pinakamalapit sa pwesto ko sa kama, sinubsob ko ang mukha ko dito at pinalabas ang isang malakas na sigaw. "Napaka gaga mo—"

Matapos kong mailabas ang lahat ng galit, inis, at kahihiyan ko ay tumayo na ako para suyuin ang binasa kong bedsheets. Ang galing, sobrang ganado ang brain cells ko ngayon ah, nakatulong talaga sila. Note the sarcasm.

Una, muntikan ko nang mahalikan si Kaiser, just when I swore I'd rather be caught dead than do anything that involved physical contact with him. But bitch, my stupid ass really pressed everything I had on him, almost had him stick his tongue in my throat to top it off. Ay, mama, ano ba itong pinanggagawa ko?

Pangalawa, kung hindi pa husto ang katangahan ko sa isang oras ay talagang tumalon ako sa kama ng basang basa pa rin sa tubig ng pool.

Nahawakan mo lang ang muskels, naramadaman ang matipuno niyang katawan, at ang alaga niyang parang naapektuhan sa ginaw ng pool, nagkakaganiyan ka na?

Tae, ano ba 'tong pinag-iisip ko? Alaga talaga niya naalala mo pa, Summer Drie?

Hindi ko naman kasi kasalang tinutusok ako nito nang hinahawakan niya ako sa pool eh. Ayoko ko nang isipin 'yon. Ang sabi ko ay magkaibigan na kami pero hindi ibig sabihin no'n ay okay lang sakin ang mag-practice ng reproductive system sa kaniya, enough na 'yong nagbabahay-bahayan kami.

"Bwiset kang halimaw ka, bakit kasi kailangang gwapo ka?" Sigaw ko ulit sa unan. Pesteng gwapong halimaw na 'yan.

Pilit kong iniwasan si Kaiser buong linggo at naging matagumpay naman ako. Hindi naman kami nagkikibuan sa school at mukhang wala naman siyang pakeng iniiwasan ko siya. Why would he anyway? Bakit ba kasi iniiwasan ko pa siya kahit 'di naman kailangan? Ikaw lang talaga ang halatang apektado sa nangyari doon sa pool, Summer Drie.

Napasinghap ako, "Hello?" Kakagising ko lang at Sabado na naman ulit. Napatingin ako sa orasan, 8:00 a.m. sobrang aga pa. A series of grumbles left my lips as I waited for a response on the other line, but I didn't hear anything but scuffling.

Then there was a crash and a voice I knew so well yelled, "Ow! Fucking hell."

"Magandang umaga rin sa'yo, Mads."

Nagpatuloy ang tunog ng pagkalas sa linya niya pero bumati ito, "What's gotten the birthday girl so grumpy in the morning?"

Napasapo ako sa mukha, "Maybe because a little blondie woke her up early on a Saturday!"

"But of course, there is no way I'm letting you make higa on your kama all day on your birthday, bestie."

Napaungol ako sa lakas ng boses niya, I don't plan on becoming deaf on my birthday either. May malakas na namang pagbagsak ang nagmula sa side niya, "Teka nga, ano bang ginagawa mo diyan? Lumilinog ba na hindi ko alam?" Balisa akong napatingin sa paligid ko. Hindi naman gumagalaw ang mga gamit.

"I've been trying to make abot the stilettos on my top shelf and I can't talaga," padabog niyang sabi. "I need them for your birthday bash tonight!"

B-birthday bash? "Anong birthday day bash ang pinagsasabi mo? Hoy, blondie, wala akong plano ngayon kundi ang matulog buong araw at manuod ng sine sa kwarto ko habang kumakain ng ice cream!"

Married to an Asshole ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon