HEAVEN 4

1.1K 23 1
                                    

HEAVEN

ISINULAT NI: MERVIN CANTA

 

 

HEAVEN 4

SEVEN’S POV

Ilang araw din akong hindi pumasok sa school, pinag-iisipan ko ngayon hindi na talaga pumasok at bumalik nalang sa dati kong school, pero sobrang late na eh, nasa kalagitnaan na kasi ako ng school year tsk, nakakainis kasi bakit ko pa kasi ginawa ito, nabroken hearted na naman tuloy ako.

Nakahiga lang ako sa kwarto ko, masama talaga ang pakiramdam ko, naisipan ko ngang magbigit pero inisip ko tsk ang dami ng patay sa mga cementeryo at napakabata ko pa para mamatay tsk wag nalang muna. Binuksan ko ang facebook ko at pinuntahan ang profile ni justin, I can’t help myself to stare in her photo’s ang ganda ganda nya talaga, sobrang ganda talaga nya at maha na mahal ko parin sya pocha.

Sabay pumunta rin ako youtube site, at hinanap ang kantang napakinggan ko sa Harrold’s Bar ang PUT YOUR RECORDS ON, I search for it at isa palang negra ang kumanta, maganda sya kahit na negra sya dahil sa magandang ngiti nya at mga mata nyang nangungusap, pangalan nya ay si Corrine Bailey Rae sobrang ganda talaga ng kantang iyon favorite ko na sya, pagkalipas ng ilang oras may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

“sino yan?” tanong ko

“si Eleven po kuya,” sagot pa ng kapatid ko

Binuksan ko ang pintuan sabay laking gulat ko sa isang tao na nasa harapan ko at katabi ang kapatid kong si Eleven.

“heart?” gulat na tanong ko

Sabay binuksan ng malaki ni Heart ang pintuan ng kwarto ko, nakaboxer lang ako ng mga oras na iyon kaya kinuha ko ang una ko ng malaki para takpan ang JR. ko dahil sorbang nahiihiya talaga ako grrr

“ang ganda pala ng kwarto mo ah! Maaliwalas”

“anong ginagawa mo dito?”

“ahmmmm…dinadalawa ka?” sabay umupo ito sa kama ko at tumalon talon

“hoy! Baka masira yang bed sheet ko”

“mukhang matibay naman eh,” sabay kinapa-kapa pa nya napatitig sya sa computer ko

At lumapit sya dito, “si???? Justin to ah?” turo nya pa sa picture ni Justin na desktop background ko mabilis akong pumunta sa computer ko para takpan ang computer ko pero biglang nahulog ang dala kong unan sa harapan ng mukha ni Heart kaya ang pangit ng pwesto namin ng mga oras na iyon come to think of it. Ang mukha nya sa harapan ng JR ko! Wew so nasty.

HeavenWhere stories live. Discover now