HEAVEN 11

858 20 2
                                    

HEAVEN

ISINULAT NI: MERVIN CANTA

HEAVEN 11

…………………………

HEART’S POV

Araw ng Game ni Baby Bryan ko, kahit na medyo hindi ko na gusto, hindi kelan man ako nawawala sa game nya….i still remember noong kaming dalawa pa, na he wants me to be with him everytime na may game sya kasi, lagi silang nananalo sa twing nandoon ako at sinabe pa nya na ako ang “LUCKY CHARM” nya oh diba? Ganda ko talaga?

Personal kong dinalaw si Seven sa bahay nila, even though hindi pa sya magaling, what I mean is yung mga sugat nya at mga pilay sa katawan nya.

Kumatok ako at si Eleven ang sumalubong sa akin,

“si Seven?” tanong ko sa nakakabatang kapatid ni Seven na si Eleven.

“bakit ka laging nandito sa bahay? Girlfriend ka na ba ni kuya? Wala na ba sila ni ate Justin?”

Biglang tanong ng batang ito sa akin, medyo tsimoso sya ah? Hinaplos ko ang mapula nyang cheek. At medyo kinurot ito.

“ikaw ang dami mong tinatanong? Bakit? Hindi ba kami bagay ng kuya seven mo? Hindi mo ba ako? Gusto bilang Girlfrieng ng kuya mo?” tanong ko pa sa kanya habang nakangiti.

Bigla nya akong niyakap.

“Please….po…wag nyo pong sasaktan ang kuya ko! Mahal na mahal ko yun eh, sana po mahalin nyo po sya, kung maghihiwalay po kayo, sana hindi sya iiyak, hindi na sya magkukulong sa kwarto nya at hindi kakain, ayaw na ayaw ko pong nakikitang nasasaktan ang kuya ko” then he stop hugging me and stare to me eye to eye

Para akong maiiyak sa pagmamahal ng magkapatid na ito, sobra ang bonding nilang dalawa, shet kasi sila mommy at daddy hindi na ginustong magkaanak pa hmmp.

“ok! I will promise, pero It doesn’t mean na hindi ko masasaktan ang kuya mo? Every relationship kasi ay dumadaan doon, well ngayon? Hindi mo pa naiintindihan pero sooner or later kapag nagkarelasyon ka na, maalala mo itong sasabihin ko, Gusto ko ang kuya mo and I like him so much”

Sabay tumingin ako sa may gilid ko shet nandoon si Seven, nakatitig sa akin, narinig kaya nya ang sinabe ko? I didn’t mean that ah? Pinatulan ko ang drama ng kapatid nya….wew

“kanina ka pa?” matapang na tanong ko

“ano na naman ang ginagawa mo dito? Hindi ka pumasok?” medyo galit nyang tanong sa akin, shocks sya lang ang lalakeng nakakapagsalita sa akin ng mga ganito what is the problem of this guy he is always yelling, at me kahit sa maraming tao daig pa nya ang babae.

Nagpacute ako, ahmmm… “syempre dinadalaw ka? Bakit? Hindi mo ba gusto? Na dinadalawa ka ng taong nagmamahal sa iyo? Taong sobrang concern sa iyo? Yung taong???” hindi na ako nakapagpatuloy pa ng pagsasalita dahil nagsalita na sya…sobrang eksena.

“yung taong napakaingay?, yung taong? Napaka-gulo? Yung taong? Makulit? Yung taong? Nakakabwisit? Palasigaw? Maingay? Annoying? Distracting? Irritating? Ano pa? ang gusto mo? Umuwi ka na nga? Kakasira ka ng araw!”

Medyo galit na sabi ni Seven sa akin,

“ikaw naman sobrang sweet mo naman, nakakahiya naman sa kapatid mo!” tiger look kay seven, hindi ko na nagugustuhan ang pagiging irritable nya sa akin ah? Sumusobra na sya.

“inaatay ka na ng baby boy mo, puntahan mo na sya, magsama kayong dalawa”

Si seven biglang pumasok sa loob ng bahay nila.

Nakatitig lang si Eleven habang nag-sasagutan kaming dalawa ng kuya nya.

“hehe….i told you it’s normal in a relationship na nag-aaway ang magkasyota! Hehe”

Ngumiti lang ang cute nakapatid ni Seven sabay hinila ang kamay ko para pumasok sa loob ng bahay.

“oh??? Pinapasok mo parin yang bruhang yan? “

“bruha agad? Hindi na nga pupunta sa game ni Bryan eh, sasamahan nalang kita dito”

“huh? Sasamahan? Bakit? Lumpo ba ako? See? Nakakapaglakad pa ako!, aalalayan? Bakit? Bulag ba ako? Nakakakita pa ako? Hindi kita kelangan, doon ka na sa baby boy mo” si seven na sobra na talaga ang kaartehan sa sarili nito.

Lumapit ako sa kanya at bumulong.

“isa pa? kokotongan na talaga kita? Tama na ang kaartehan ah? Kota ka na eh! Lakas makaartista”

Sabay ngiti ulit kay Eleven.

Umupo si Seven sa couch at binuksan ang tv.

At tuluyan na kaming iniwan ni Eleven dahil umakyat ito sa kwarto nito para mag-review. Matalinong bata kasi ang kapatid ni Seven, mas gugustuhin pa nito ang magbasa at mag-aral kesa sa maglaro sa labas…kawawang bata….jk lang!

Sabay nakita ko ang isang shelve sa may component nila, puro mga dvds pala iyon naghanlungkat ako.

“hoy! Anong ginagawa mo?”

“ahmmm..magnanakaw? magnanakaw? Ng mga dvd’s? syempre tumitingin? As if naman na kaya kong nakawin ang mga dvds na ito?”

“nakawin mo na ang lahat ng mga dvds dyan wag lang ang mga movies ni Nicolas sparks, na the notebook at the last song”

Medyo galit na sabi nito, I can’t believe this guy is watching this dramatic fettish girlish kind of movie? Duh? Mapanood nga.

Kinuha ko ito sa shelve, “got cha!” sabi ko sabay tinaas ang dvds

“let’s watch this” umupo sa tabi nya, ngumiti sabay tinuro ang dvd na THE LAST SONG, interesting kasi ang title ng movie tapos gusto ko rin si miley cyrus kaya gusto ko syang panoorin.

“hindi! Ayaw ko” sagot ni Seven

“anong bang problema mo?, galit ka ba sa akin? Bahala ka dyan basta ako manonood ako”

Sabi ko sabay lumapit ako sa component nila at pinasok ko ang dvd doon at bumalik sa kinauupuan ko sa tabi ni seven at nanood.

Tahimik lang na nanonood si Seven habang ako ay inaantok na sa mga unang part ng kwento. Boring, feeling ko nga eh usual story of a summer story. God but until I met the climax hindi ko napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako.

Napatitig sa akin si Seven at napatanong?

“bakit ka umiiyak? Akala ko ba? Boring yung movie?”

“leche….tao rin ako no? nasasaktan at nararamdaman ko ang sakit ng character ni miley huhuhuhu”

Si seven na lumakas ang tawa. Hanggang sa may natanggap akong text.

Si Greece nagtext sa akin, “Girl! Badtrip si baby boy mo? Nag-amok, natalo kasi sila ayun binugbog ang mga nakalaban nyang taga St, Paul college”

Text pa sa akin ni Greece medyo na lungkot ako una sa lahat hindi kelan man natatalo sa basketball ang school namin. At hindi kelan man natatalo si Bryan sa laro nya this is really first time.

Tumingin ako kay Seven, why I choose to be with him instead of Bryan? Bakit ba ako nasa harapan nya ngayon at nakikipagtitigan? Nakikipagkulitan? Nakikipagtawanan? Why I’m doing this?

Bakit parang may saya akong nararamdaman sa twing kasama ko sya?

Ibang iba sa mga lalakeng nakasama ko, lalong ibang iba kesa kay bryan.

Makulit, Masaya kasama at higit sa lahat napapasaya nya ako?

God! I’m starting to like him this freaking Guy!

Halata na ba?

SWEETHEART CHAN

 PS. NASA GILID ANG LITRATO NG KAPATID NI SEVEN NA SI ELEVEN CUTE NYA NO? 

mas gwapo pa kesa sa kuya Seven nya! hehe

………………….

All Right Reserved 2013

Copyright By © Mervin Canta

HeavenWhere stories live. Discover now