HEAVEN 14

832 19 4
                                    

HEAVEN

ISINULAT NI: MERVIN CANTA

HEAVEN 14

SEVENTINO’S POV

Shet I can’t believe nasabi ko sa kanya ang mga salitang iyon? Hindi naman ako lasing or something pero ngayon lang ako nakapag-confess sa isang babae ng tunay kong nararamdaman, pero iba yung confession na naganap eh parang more on kwentuhan lang, the usual usapan naming dalawa ni Heart, medyo madrama pero mas ok na ito kesa sa tinatago ko hindi ko ka kasi maintindihan ang nararamdaman ko eh, sa sobrang napapalapit ang damdamin ko sa babaeng ito mas lalong akong nahuhulog sa kanya.

Tsk.

…………………………………

Kinabukasan sa school.

Ni hindi ko kayang tignan si heart sa mga mata nito, dahil nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya kagabi, pero sya halatang natatawa dahil sa mga kinikilos ko.

Hanggang nagyaya sya after ng school sa HARROLD’S BAR

As usual uminom kami, light lang ang ininom namin at pumayag ako dahil sa sya naman ang kasama ko, at isa pa pinilit nya na naman ako, sa lahat ng mga bad influence na kaibigan  sya ang gusto ko.

Medyo tinatamaan na ako ng alak pagkalipas ng ilang oras.

“mahal na mahal kita” sabi ko kay heart

Nakita ko na nagulat sya sa sinabe ko

“sino? Ako? O si Justin?” biglang tanong nito sa akin

“tanga….syempre……” medyo natagalan ako sa pagsagot ko oo nga sino nga ba sa kanilang dalawa ang mas matimbang?

May patimbang timbang pa akong naiisip eh sabi nga ng iba

Kung saan ka masaya edi doon ka.

“wala…joke lang” sabay bawi ko kay heart at uminom pa ulit ng isa pang bote.

Pinigilan na ako ni heart na uminom pa dahil sa may exam pa kami bukas, partida ah may exam kami pero nainom kaming dalawa…(kids don’t try this ah it’s really really bad, pawang mga expert lang ang gumagawa nito haha)

Pagkapatos ay hinatid na ako ni heart sa bahay.

Lagi nalang nya akong hinahatid. Nakakahiya na nga eh pero ok lang yun kasi sya naman itong may kotse eh at the age of 16 may sarili na syang kotse, pero hindi pa sya pwedeng magmaneho kasi menor-de edad pa sya hindi pa sya makakakuha ng drivers licence shet ang daldal ko lasing na talaga ako.

May inabot sa akin si heart.

“what this?” tanong ko

“bukas mo” sabi pa nya habang nakangiti

Binuksan ko ang laman ng maliit ng enveloped na binigay nya

At binasa ko ito.

“You are invited to my 17th birthday – Sweetheart Chan”

Muntik ko ng makalimutan sa linggo na pala ang birthday ni heart I almost forgot

Ngumiti lang ako sa kanya.

“aasahan kita ah, kelangan nandoon ka, wala akong kapartner”

“si Bryan kapartner mo”

“Yes, he will be there also dahil binigyan ko rin sya ng invitation at hinahanap sya ng family ko, pero I need you to be there dahil may sasabihin akong especial sa iyo sa araw na yun”

HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon