HEAVEN 16

753 15 1
                                    

HEAVEN

ISINULAT NI: MERVIN CANTA

 

HEAVEN 16

…………………………

SEVEN’S POV

“Happy 101th day at happy Birthday Heart :’) “

Text ko kay heart ng umagang iyon.

Pero hindi sya nagreply siguro tulog parin o di kaya nasa salon na ito para ayusan sya. Diba? Ang aga aga nyang ayusan. Ang alam ko base sa blog nya ay ang gagawin nya ngayon araw ay pupunta nga ito sa salon para magpaayos ng buhok at magpakulay na rin ng buhok.

Anyways ako rin kelangan ko rin maging pogi sa harap ng mga tao mamaya. At mamaya ko narin kasi official na liligawan si heart, oo tama ang narinig nyo, gagawin ko ng official ang fake na relationship namin.

Nagdecide na kasi ako kagabi, at sobrang sure na sure na ako sa nararamdaman ko na si heart na ang babae para sa akin, noong una hindi ko sya gusto, dahil sa sobrang ingay nya, she’s always into trouble, palaaway, palasigaw at higit sa lahat she’s so irritating.

Pero hindi ko namamalayan sa sobrang tagal na naming maging magkaibigan at nagbabalakayong magkarelasyon ay unti-unti na akong nahuhulog sa kanya.

Hindi naman mahirap mahalin ang katulad ni Heart she’s so lovable, she’s cute, no she’s pretty inside and the same time sa panlabas. Medyo magulo nga lang pero sya yun eh hindi ko na mababago yun.

Nagpasama ako kay Eleven at pumunta kami sa isang mall.

Pumunta kami sa isang bookstore.

Alam ni Eleven na hindi ako palabasang tao, kaya nagulat ito noong hinila ko sya papasok sa loob isang bookstore

“anong gagawin natin dito kuya?”

Tanong pa nya sa akin sabay napakamot sa ulo

“pwede ba? Wag ka ng maingay? Hanapin mo na nga lang ang librong “SHE’S DATING THE GANGSTER” “ utos ko pa sa nakakabatang kapatid ko

Halos na ikot ko na ang buong bookstore pero wala parin akong nakita kahit anino ng librong iyon

Kaya buong tapang na akong lumapit sa may costumer service ng bookstore na iyon

HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon