HEAVEN 9

897 20 2
                                    

HEAVEN

ISINULAT NI: MERVIN CANTA

HEAVEN 9

 

HEART’S POV

MONDAY afternoon sa Johnson Theater kami ay nagkita-kita ng aking mga member sa Role Playing para sa ROMEO and JULIET Play na gaganapin na sa susunod na buwan, gosh isang buwan nalang ang preparation pero wala parin kaming nagagawa, haist kaya nagdesisyon akong magpractice that time at buti nalang at free silang lahat kundi pepektusan ko silang lahat tsk.

Syempre kasama ko ang Bad Baby Boy ko tsk si Bryan. Na parang ang laki ng pagbabago ng huli ko syang nakasama, nakatayo lang sya sa may gilid inaantay na lapitan ko sya.

Lumapit na ako para sabihan na magsisimula na kaming magpractice,

“ahm….Bry? Shall we Start?” tanong ko na may kasamang kaba sa dibdib ko, nakatitig lang sya sa akin sabay kinuha ang papel na hawak ko ng mga oras na iyon, yun kasi ang mga linyang kelangan nyang kabisaduhin.

‘kelangan ko ba talagang kabisaduhin ito? Eh ang haba?” pagmamaktol pa nya, shetttt ang kyut talaga mag maktol. Hehe

“ahmmm…hindi mu naman kelangan kabisaduhin lahat yan eh, ahmmm as long as you know the sequence of the story madali na yung linya, kaya nga tayo magpapractice eh para mahasa natin eh”

Ako na nagsasalita sa harapan nya pero nakatitig parin sya sa papel na para bang seryoso sa pagbabasa

“sa chapter 8, kelangan natin maghalikan, kelangan ba talaga yun? Real kiss? Ano? Torrid ba?”

“Shet? Kahit anong gusto mong type na halik go ahead, I’m free” sabi pa ng isip ko

“ahmmm..yun kasi ang nakalagay dyan eh, pero kung ikaw, ayaw mo eh wala naman akong magagawa”

“ok lang sa akin, eh? Sayo? Ok lang ba? Baka kasi may magalit?”

Si bryan na para bang nagseselos, shet sana nga nagseselos sya? Eh parang bato na puso nito eh, kahit na ano na siguro gawin ko para lang mapansin nya ulit ako hindi na umuubra buti nalang itong fake relationship namin ni seven eh parang effective, pinapansin na ulit ako ng EX. Ko pwe!

HeavenWhere stories live. Discover now