HEAVEN 8

902 17 1
                                    

HEAVEN

ISINULAT NI: MERVIN CANTA

HEAVEN 8

SEVEN’S POV

YEsssssss Saturday na! walang pasok, dalawang araw ko ding hindi makakasama, makakaholding hands, magiging katabi, hindi maririnig ang boses, makakausap ang bruha, maingay, magulong babaeng iyon (Heart) she seems so loud and annoying to me, no wonder kaya siguro iniwan sya ng boyfriend nya ay dahil sa sobrang maingay at magulo sya kahit siguro ako hindi ako tatagal sa relasyong ganun.

At to the point na pumayag pa akong maging Girlfriend ng isang taong ganun ang ugali? Gad! I can’t believe! Why I’m doing this to myself?.

Tanghali na noong nagdesisyon akong tumayo sa higaan ko.

Pagbaba ko sa sala ay may isang pamilyar na tao akong nakita, noong una kinamot ko muna ang mga mata ko para iklaro ang pagtingin ko sa kanya, pero hindi ako nananaginip, sheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet anong ginagawa ng babaeng yan dito sa pamamahay ko?

Kaagad kong nilapita si heart, nakikipaglaro ng playstation sa kapatid kong si Seven.

“What the Hell brings you here?” medyo mataas kong boses na iyon

“Galit ka? Hindi ka ba Masaya na Makita ako? Baby Boy?” sabay ngumiti pa ito sa akin. Duh? Galit nga ako? Tapos ngayon tatanungin nya ako kung hindi ba ako Masaya na nakikita sya? Eh almost everyday kasama ko sya, tapos ngayon araw ko lang sya na hindi makikita eh sobrang free ako parang napakalaya ko, at  saan nya napulot ang salitang baby boy? Parang narinig ko ng ginamit nya yun before? Sa isang tao?.....

Hinila ko sya sa kinauupuan nya, sa tabi ni Eleven.

“nasasaktan ako” pag-iinarte pa nya

Sabay nakita kami ni mommy.

“Seven? Sinasaktan mo ba si Heart?” tanong pa nito

“Yes! Tita, lagi na lang nya ako sinasaktan, sa school nga po, kahit magkasama kami, si Justin parin ang bukang bibig nya, si justin lagi ang kinakausap  nya, kahit alam naman sa buong campus na we’re dating, na boyfriend ko sya at ako ang girlfriend nya, napakasakit nun tita” (famas award goes to Heart)

Gusto ko syang ilubog sa sa sahig ng mga oras na iyon, yung mga masamang tingin sa akin ni mommy ng mga oras na iyon, yung iniisip nya na sinasaktan ko talaga si heart ay sobrang nakakapagdagdag ng init ng ulo ko ng oras na iyon

“anong pinagsasabi mo?” pasigaw na tanong ko sa kanya

“Seven!” sabi pa ni mommy sa akin

“hindi kita pinalaki ng maayos para lang mambastos ng babae,” galit na sabi pa sa akin ni mommy sabay umalis na sobrang nadismaya sa inasal ko sa aming bwisita leche ka talaga babaeng ka grrrr

Tiger look kay Heart.

“tita oh???” habol pang sabi ni Heart, sabay ngumiti na ako kay heart kahit gusting gusto ko na syang sapakin.

Sabay bigla syang tumawa ng malakas noong nawala na si mommy sa paligid naming dalawa.

“hahahahhahahaa Omg! I can’t believe, sobrang nakakatawa ka pala!”

“anong nakakatawa doon? Ikaw? Kung wala kang magawa sa buhay mo! Wag mong guluhin ang buhay ko!”

“ahm….alis tayo?”

“wala ako sa mood!”

Sabay hinila nya ang kamay ko at pilit akong pinalabas sa bahay namin.

“saan mo ako dadalhin?” tanong ko pa sa kanya pero ngumiti lang sya sa akin

HeavenWhere stories live. Discover now