DYAN KA NAG KAKAMALI!! "

6K 167 54
                                    


nandito sila alyssa sa dorm nila . dalawang araw ng tulala si alyssa simula nung nag usap sila ni Den at Bea . ngayun din ang araw ng deadline para sa grupo nila . napapansin naman nila Vic at kim na parang wala sa sarili si alyssa . kaya naman nag titigan ang dalawa at tumango ang mga ito .

Vic - " may problema ba baldo? "

bakas sa boses nya ang pag aalala . nagising naman si alyssa sa riyalidad dahil sa boses ng kaibigan nya . iniisip nya kasi yung tamis ng mga labi ni Den at yung nagpag usapan nila ni Bea na lalayuan na nya si Den para matahimik na sila .

aly - " huh? ahh ou ayus lang ako.. " pang sisinungaling nito

Kim - " Baldo .. anong nang yari nga pala kila Kief at Von? bakit mo sila pinatawag?"

naalala naman nya ang ang nang yari nuon at kinuwento ito sa dalawa . nagulat naman silang dalawa dahil tyinempo pa talaga na wala silang dalawa sa tabi ni alyssa nung mang yari iyon .

aly - " at ang isa pa .. nagiging abo sila pag napapatay na .. "

nag titigan naman ang dalawa dahil sa mga nalaman nila . "so alam na nilang nandito kami .." pareho nilang sabi sa isip.

Vic - " ayos lang yan .,. buo na naman tayo ehh .. "

Kim - " sira ka ba ? ni wala ngang pumunta dito ehh .. baldo ano bang kinalabasan nung pag uusap nyu ?"

aly - " si Gretch hindi sya sumagot .. si A naman diba sabi aayusin na muna nya ang gusot nya /.. si Mhadz hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi nya na sasali sila .. "

napahinga naman sila ng malalim dahil akala nila ay madali ang magiging plano nila . wala na silang natitirang oras at hindi sila pwedeng mapasali sa grupo nila Bea dahil alam nila sa sarili nila na masisira lahat ng pinaghirapan nila .

natigil ang malalim nilang pag iisip nung may narinig silang malalakas na sunod sunod na katok mula sa kanilang pinto . agad naman itong binuksan ni Vic dahil sya ang pinakalapit sa pinto . nagulat sya nung makita nya kung sino ang tao sa labas ng silid nila . nakikita nya sa mga mga nito ang pag alala at parang balisa ito .

Vic - " Bang Mela .. bakit? "

umiiyak sila Bang at Mela . unang yumakap si Bang kay Vic dahil kailangan na nya ito dahil sa nang yari sa kanila ngayun . si Mela naman nilapitan agad ni Kim nung marinig nya si Vic na tinawag ang pangalan ni mela .

Kim - " anong nang yari ? bakit kayo umiiyak ? "

Bang - " si...si Amy... " naluluha nyang saad

kinabahan naman bigla si alyssa . tumayo sya agad at kinapa kapa pa ang kanyang plawta at nilapitan ang apat na nag uusap .

aly - " anong nang yari ? "

Mela - " alam na nila ... "

sa sinabi iyon ni Mela ay alam na nila kung ano ang ibig sabihin nito . niyaya nya agad ang dalawa nyang kaibigan na umalis at alamin kung anong nang yayari sa isa pa nilang kaibigan . pero bago pa sila umalis ay nag bilin pa ang mga ito.

Vic - " dito muna kayo .. "

Bang - " hindi kelangan din namin kayong tulungan .. "

Mela - " pinag tutulungan nila si Amy .. baka hindi nyu kayanin ang grupo namin .. "

naiyukom naman ni alyssa ang kanyang kamao dahil sa narinig nyang pinag tutulungan si amy . " humanda kayo sa akin ! " singhal nya sa isip .

SUGO(alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon