Event : HeartStrong

7.8K 197 44
                                    


oh mahaba na to huh heheh para sulit yung pag hihintay nyu :D :D 

-----------

halos lahat sila nagulat sa nakita nila . si Mich nakasuot ito ng uniform ng phoenix at nag aayos ito ng katana nya . si Jia naman ay nakaramdam ng kaba , dito nya palang naramdaman ang tunay na takot at parang hindi maganda ang mang yayari sa laban nila . naramdaman na lang nya na may humawak sa balikat nya . pag tingin nya dito si Maddie at mababasa nya na nag aalala sya para kay Jia .

Maddie - " ayos lang ba sa'yo ? pwede naman sigurong makipag palit diba ? " tingin nito kay Gretch 

Gretch - " hindi .. nabasa ko yung manual kailangan lahat malagpasan natin para maging top 1 " 

lumakad papunta si Jia kung nasaan ang bag nya .sa totoo lang ayaw na muna nyang may makausap , alam nya ang kakayahan ni Mich pero hindi lang sya sigurado kung lumakas ba ito kesa sa kanya . nakakaramdam sya ng kaba . hindi naman nya mahawakan yung bag nya sa sobrang panginginig at naiyukom na lang nya ang kamao para pakalmahin ang sarili .

sa pag hawak nya ng bag binuksan naman nya ito agad . lumaki naman ang mata nya dahil may isang bulaklak na puti sa loob nito . kinuha naman nya ito at naalala nya na si---

aly - " nababagabag ka na naman ba ? heheh ... bakit hindi mo labanan si Mich para malaman mo ang kasagutan sa mga gumugulo sa isip mo .. " sabi nito bigla sa likod ni Jia . 

kahit hindi naman nya ito lingunin alam nyang nakangiti ito sa kanya . inamoy nya muna ang bulaklak bago mag salita .

Jia - " paano kung matalo kami... ako ? paano ? "

aly - (lumapit naman si alyssa kay Jia at inakbayan nya) " ano naman kung talo ka ... tayo ? heheh wala naman sa akin yun eh .. nasa iyo kung ipapatalo mo" 

Jia -" pero paano kung ----- " naputol ang sasabihin nya nung pinaharap sya ni alyssa

aly - " ayan ka naman sa paano na yan eh .. wag mo ng guluhin ang isip mo .. Lumaban ka na lang !!! " sigaw nito kay Jia habang nakangiti

nanlaki naman ang mata ni Jia nung niyakap sya ni alyssa ng mahigpit .

aly - " siguro naman ayos na to heheh .. " humiwalay sya ng yakap " harapin mo sya at alamin mo ang sagot sa mga katanungan mo " 

tumango na lang si Jia bilang sagot , hindi nya alam parang lumakas sya habang yakap sya ni alyssa , parang may kung ano syang naramdaman " baka guni guni ko lang to .. " sa isip na lang nya .

lumapit na sila alyssa at jia sa grupo nila . tinanong naman ulit nila Gretch kung handa na ba si Jia na harapin si Mich . sinagot naman nya ito na handa na sya pero hindi sa laban . kundi alamin ang katotohan sa likod ni Mich .

nilapitan naman ni Dennise si alyssa , pansin kasi nya na parang medyo ng hina ito . kahit naka-upo lang si alyssa akala mo habol hininga sya habang nag pupunas ng plawta .

Den - " ayos ka lang ba ? bakit parang pagod ka ? " 

aly - " ayos lang ako heheh ... "

naramdaman ni alyssa na parang hindi naniniwala si Dennise sa sinabi nya . totoong binigyan nya si Jia ng lakas hindi para manalo sa laban kundi sapat na lakas para maipagtangol nya ang sarili . 

nagtaka man si Dennise hindi na lang nya iyon pinansin . lumapit sya dito at tumabi sa upuan ni alyssa . pasimpleng hinawakan ni Dennise yung kamay ni alyssa na yun din ang parang nag bigay ulit ng lakas sa huli.

aly - " heheh naks ... the best talaga ang electricity pag mahal mo ang nag bigay heheh " sa isip ni alyssa 

Den - " ang gaspang talaga ng palad nya .. parang sanay talaga sya sa pakikipag laban " sa isip nya habang tinitingnan si alyssa sa mukha at pinapakiramdaman ang mga palad nito .

SUGO(alyden)Where stories live. Discover now