Legendary Eagle's

8.4K 198 58
                                    


dumating na silang lahat sa Academy pati na din ang mga sibilyang nadamay lang sa kaguluhan ng isla . napansin nila gretch na parang ang daming mga army sa paligid . nakatatak sa mga dibdib ng mga ito ang CVA . nag tataka naman sya dahil hindi kilalang army sila at anong ginagawa ng mga ito dito sa academy . " mukhang may hindi magandang ng yari ... " sa isip nya 

Marge - " ligtas na kayo dito ... " malungkot na pag kasabi nito at tumalikod na para makaalis .

Jia - " san ka pupunta ? " mababakas ang pag aalala sa kanya para kay marge 

Marge - " hihintayin ko lang sila dito .. wag kayong matakot sa CVA .. kakampi ang mga yan at tauhan ng mga Valdez " 

magtatanong pa sana si Jia ng mag umpisa ng mag lakad si Marge papalayo sa pwesto nila . naguguluhan pa din sya sa kinikilos ni marge . pakiramdam tuloy nila parang may hindi magandang ng yari . 

nasa kalagitnaan sila ng Academy at tulad din ng nakakarami hindi nila alam ang ng yayari . basta ang natatandaan lang ng ibang sibilyan , nagising na lang sila na nakasakay na sila ng malaking barko . hinatid lang sila sa kabilang isla at sinakay sa mga bus . bawat bus may tatlong CVA na escort . sinusubukan nilang mag tanong ang kaso parang hindi marunong ang mga CVA na mag salita . kya naman nanahimik na lang sila at hinayaan ang mga ng yari .

Dzi - " kamusta na kaya si Dennise ... "

Fille - " siguradong hindi naman sya pababayaan ni alyssa diba ... " 

hindi naman sumagot ang mga kasamahan nya dahil sa huling pag kakatanda nila . naabotan nilang ng hihina na si alyssa at marami ng sugat ito . hindi na nga nito kaya pang tumayo sa sariling mga paa paano pa kaya maililigtas ni alyssa si Dennise . 

Ella - " Besh .... " 

naluluha nyang dalangin na sana maging maayos ang kaibigan nya . naramdaman na lang nya na yumakap sa kanya si Amy para maging sandalan ., pinaramdam naman ng huli na wag masyadong mag alala sa kaibgan . gumanti naman ng yakap si ella kay Amy , hindi na nya kaya pang mag isip kung ano na ang kalagayan ng kaibigan nya . 

Amy - " shhh .. tahan na Ells .. dadating din ang mga kaibigan natin " pag papakatatag nya kahit sya kinakabahan 

Ells - " dapat hindi ko na lang sya hinayaan na umalis ng mag isa .... " 

Amy - " wag mong sisihin ang sarili mo ... "

napapaisip naman si Gretch kung paano pagaanin ang sitwasyon nila . tungkuli nya ito bilang leader pero pati sya mukhang hindi makaisip ng magandang paraan para palakasin ang loob ng mga kaibigan nya . " Baldo ! ingatan mo ang bunso ko .. " yun na lang ang inisip nya na sana makarating kay alyssa .

Maddie - " hindi ba sila Vic iyon !! " 

napatingin sila sa papasok ng academy . nakita nila ang grupo ni Vic , napakunot naman sila ng nuo dahil sa nakikita nila . kasama nito si Bea na kasalukyang inaalalayan si Dennise sa pag lakad . papalapit na sana si Ella ng makita nya si Dennise pero napatigil sya . nakita nya yung mga mata ni Dennise . parang walang buhay ang mga ito at natuyuan na ng luha . 

nauuna si Vic at Kim sa pag lakad habang nakatungo . parehong inaalalayan ang isa't isa dahil na din sa natamong sugat . nasa likod nila si Dennise at Bea . hindi naman kasi pwedeng iwan ni Bea si Dennise sa mga oras na ito dahil na din sa utos ni alyssa . 

may napansin naman silang ibang kasama nila Dennise at bea sa likod . napatakpan sila ng bibig ng makita at makilala nila ang nasa likod nila Bea . dalawang matikas at medyo katandaan na ang itsura ng mga ito pero familiar ang dalawang tao sa kanila kahit pa kumalat na patay na sila . 

SUGO(alyden)Where stories live. Discover now