Event : Leader and co-Leader

9.6K 213 47
                                    


ito na ang araw ng Event , ito na ang hinihintay na mga kalahok para mapanatili ang rango nila sa Academy . maraming kasali dito pero marami ding hindi lumahok . hindi kasi nila masyadong alam ang tungkol sa 'isla ng walang buhay' . tanging matatapang lang at malalakas ang loob ang pwedeng sumali dito . hindi nila maamin sa sarili nila na walang pagkakaisa ang grupo nila kaya mas pinili nila na wag na muna sumali sa Event .

nasa bus na sila Dennise at ang mga ka club nya ngunit wala pa din sila Bea at ang mga Boys. hindi din mapakali si Den dahil hangang ngayun hindi pa nya nakikita si alyssa . kahit isa man lang sa mga member nito wala din syang nakita .

Ella - " tsk .. hindi kaya sila sasali ? "

nag aayos na sila ng gamit sa bus para makaalis na . mahaba haba pa ang babyahehin nila . pero kahit sila nag tataka kung bakit wala pa ang bus ng BEC . kahit isang member nito hindi nila nakita kaya sari't sari ang dismaya ng mga babae

Dzi - " Guys focus muna tayo .. siguro dadating sila baka tinanghali lang ng gising .. "

Fille - " hindi ko din macontact si Gretch Eh .. Ikaw ba bang ? may balita ka ba ? "

Bang - " wala .. naka lock yung pinto ng BEC kaya alam naming wlang tao duon .. " 

Mela - " tama si Bang .. hayy ano kaya ng yari sa kanila .. ang alam ko kasali sila sa Event "

Den - " mabuti pang puntahan na natin .. baka nga tinanghali yung mga yun heheh "

papalakad na sana sila papunta sa BEC pero laking gulat nila ng may mag salita sa likuran nila .

??? - " sinong pupuntahan !? "

napalingon agad sila sa likod para makita ang nag salita . kahit naman kilala nila ang boses mabuti na yung nakakasigurado . sa pag harap nila sa nag salita , makikita sa kanila ang gulat at pag aalinlangan. si Bea kasama ang Boys pero halata sa itsura nila na nag iba ng awra . parang mas lalong lumakas ang mga ito lalong lao na si Bea .

lumapit naman si Bea sa mga Girls . walang mabasang imosyon mula sa kanya . masyado kasi syang tinaniman ng galit nila LA at Ino . nakikita ni Dennise na iba ang awra nito . parang nababalutan ng kung anong itim na awra .

Den - " Be-Bea ?? " utal nyang sabi

Bea - " parang nakakita ka ng multo ah ... wag kang mag alala dadating din sila "

kinabahan naman ang mga babae dahil sa sinabi ni Bea . alam kaya nila Bea na mas umigi ang pag sasamahan ng Phoenix sa BEC . kung meron man sino kaya ang makating dila ang nag sabi sa mga ito " patay .. paano ngayun ang BEC kung nandito na sila Bea ? " sa isip nila pare-pareho

Ino - " hi Babe .. namis kita heheh .. " sabi nito kay Fille

hindi na sya sumagot bagkus lumayo ng konti kay Ino at lumapit kila Bang at Mela . nalaman kasi nito yung ginawa kay Gretch , wala man sapat na katibayan pero may kutob din sya na may kinalaman si Ino .

nakita naman ni Ella kung paano nag bigay ng ngiting Demonyo si Ino . wala naman nakakita bukod sa kanya " masama lalo ang kutob ko sa mang yayari ... "sa isip ni Ella

pumasok na si Bea sa bus para makaalis na . kasunod nya sila LA at ang dalawa nitong alalay . hindi naman pumasok si Ino dahil hinihintay pa nya kung saan uupo si Fille para tabihan . bigo din naman sya dahil tumabi si Fille kay Den at Ella . bali nasa gitna sya para wala man lang makatabi syang iba .

Ino - " inuubos mo talaga ang pasensya ko huh .. manuod ka mimiya .. " bulong nya

hindi naman ito nakaligtas kay ella at mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib nya . naalala nya kasi yung sinabi ng nag ligtas sa kanila .

SUGO(alyden)Where stories live. Discover now