Tikbalang vs Dragon

6.8K 171 33
                                    


??? - pwede ba kaming makinig sa usapan nyu ? "

napatingin naman silang lahat sa pintuan at nakita nilang dalawang babae ang nandun . si Den naman ay napataas agad ng kilay ng makita kung sino ito . "bakit nandito na naman tong tikbalang nato !? " galit nyang tanong sa sarili .

si rachel lang naman ang tiningnan ng masama ni Den . pero napansin nyang may kasama pa itong babae na mukhang mahiyain pa dahil nakayuko lang ito .

Vic - " diba ikaw si Lau ? "

tanong nya dun sa babaeng nasalikod ni Rachel . nahihiya kasi sya dahil bigla na lang nag salita si rachel ng ganun . balak lang sanang dalawin ni rachel si skimper pero wrong time ata sila dahil mukhang mahalaga ang pag uusapan ng blue eagle club . yayain na sana nya si rachel na umalis na lang pero mapilit ito at gusto din marinig ang pag uusapan ng grupo nila alyssa.

Lau - " pasensya na kayo sa pinsan ko .. pero kung hindi kami pwedeng makinig ayos lang .. aalis na din kami .. " hinawakan nya si rachel sa kamay . " tara na Rad! " bulong nya na may diin

aly - " hey .. ayos lang sakin heheh .. "

Rachel - " tingnan mo Cuz .. ayos lang daw kay aly heheh .. tara na "

nakita nyang masama ang tingin sa kanya ni Den pero napa smirk na lang sya . dahilan para mas lalong mag init si Den . pero mas kinaiinisan nya si alyssa dahil pumayag itong makisama sa kanila .

Lau - " hindi aly .. mauuna talaga kami---"

aly - " heheh sabing ayos lang eh .. atsaka tyak namimis na ni skimper si rachel heheh .. "

napangiti naman ng nakakaloko si Den nung bumusangot si rachel dahil sa sinabi ni alyssa . " huh hahah .. yung aso lang ang makakamiss sayo tikbalang ! " sabi na lang nya sa isip

ella - " naku besh .. kung nakakamatay lang yang mga tingin mo .. tyak bulagta na yung dalawang babae hahah .. " bulong nya kay Den

Den - " shut up Besh !! ito kumain ka na lang ! "

halos mabulunan si ella nung sinalpak ni Den lahat ng laman ng kutsara nya sa bibig ni ella . agad naman kumuha ng tubig si Amy kahit gusto nyang matawa sa itsura ni ella .

Rachel - " ahmm aly .. pwede bang pumasok na kami ? heheh medyo nangangawit na kami eh .. "

Lau - " rachel ano ba ! nakakahiya kay alyssa ... "

aly - " ay sorry heheh ... A pakikuha nga ng mauupuan yung dalawa pa nating bisita heheh .. "

agad naman sumunod si A dahil kilala nya ang isa duon at si Lau iyon . minsan nya na itong nakita sa Dean dahil madalas sya dito dahil sa mga gulo nyang pinasukan nuon . naging crush din nya naman ito dahil sa mahiyain sya . pero isa lang talaga ang nakapag patibik ng puso nya .

A - " ito miss Ganda heheh .. "

Lau - " Diba ikaw si aillysse nacachi ? heheh dito ka na pala naging member .. " kuha nya sa upoan at umupo na din .

bigla naman namula si A . hindi nya aakalain na na matatandaan sya ni Laura . kaya napakamot sya sa batok nya .

A - " ahh heheh ako nga ... ARAY!! "

maytumama sa kanyang kutsara kaya naman hinanap nya kung sino ang bumato sa kanya . agad naman tinaas nila ang mga kutsara nila na parang nag sasabing hindi sila . pero isa sa kanila ang walang hawak na kutsara at yun ay si Dzi na kasalukuyang masama ang tingin sa kanya .

napalunok na lang sya dahil sa mga tingin na binibigay sa kanya ni Dzi " yari kang bata ka ! " sa isip ni A

Gretch - " ouch ! " daing nya nung may kumurot naman sa kanya dahil grabe sya makatingin kay rachel

SUGO(alyden)Where stories live. Discover now