Para sa kaibigan

8.8K 201 97
                                    


Myco - " mahal na pinuno .. kumikilos na sila " 

kahit hinack ni Amy ang lahat ng system sa paligid ng Academy nagawa pa din nitong sirain lahat ng viros na ginawa ni Amy . kaya lahat ng kinikilos ng Academy nakakarating sa pinuno nila .

tumayo ang pinuno nila at pinatawag lahat ng kampon nito. nakita naman ni Ian na nag aabang na lang lahat ng mga taohan nya kaya naman ngumiti ito ng nakakaloko .

Ian - " abangan sila sa Isla .. Ino ! " tawag nito kay Ino " samahan mo ko .. bubuksan na natin ang pinto ng impyerno "

tumango naman si Ino at nilapitan nito si Jovee . kinausap nya ito na samahan sya at isama na din si Mika ., tumango naman si Jovee bilang pag sang ayon . sumunod na si Ino kay Ian sa may tuktuk ng kweba kung saan tanaw nito ang sasakyang pang digma mula sa BEC  . 

Ino - " Kuya anong plano ? "

Ian- " patayin silang lahat ! hahahaha "

-------------

sa Academy naiwan ang seven warrior para bantayan ang mga asawa ng mga mandirigma at ang mga natitirang estudyante . si Mrs. Valdez mas piniling hindi muna tignan si alyssa dahil hindi nya kayang makita ang kanyang anak sa ganung sitwasyon . kaya naman nasa BEG lang sya kasama sila Mrs. Galang at Mrs. Lazaro .

Jho - " tingin mo magagawa kaya ng mga makabagong henerasyon ang digmaan ? "

magkakasama silang lahat sa gitna ng academy . dito nila naisipan bantayan ang academy . wala lang si Deanna dahil may sugat pa ito at hindi pa din nag hihilom kaya minabuti na lang na mag pahingan na muna ito .

Myla - " bakit mo naman naitanong yan ? wala ka bang tiwala sa binuo ni alyssa ? "

Kevin - " alam mo ... tama si jho " umupo ito sa damuhan at saka tumingin sa itaas ng kalangitan " tignan mo nga .. masyado silang matatakutin .. ang pinag tataka ko lang bakit tayo pa ang naiwan dito "

Jeron - " yun ang plano eh ... wala tayong magagawa kundi ang sumunod " 

ngayun pare pareho na silang umupo sa damuhan maliban lang kila Von at kief . ginagala nila ang paningin para tignan kung may kakaiba bang kinikilos ang mga estudyante, 

Von - " baka nakakalimutan nyung kasama nila si marge ... kaya alam kong magagawa nila ang plano " ngiting saad nya

Kief - " hindi lang iyon .. " tumingin sya kay Myla " si Gretch ang kumokontrol sa kanila " ngiting saad nya 

tumango naman si Myla bilang pag sang ayon . nuon kasi ang alam nya walang nakakatalo sa kanya gamit ang talas ng pag iisip pero nag kamali sya . isa si Gretch sa pinakamatalinong taong nakilala nya at nakatalo sa kanila . pag si gretch ang nag isip , kontrolado nya ang sitwasyon . 

Rachel - " gabayan sana sila ni Bathala ... " dalangin na lang nya sa kalangitan ganun din ang myembro ng seven warrior .


-------------------

kasalukuyang nasa kalagitnaan pa sila ng karagatan ng matanaw nila mr. Valdez ang mga nakamaskara na nag babantay ng isla . tumingin sya sa kanyang likuran at tinignan kung mababakasan sila ng takot .

mr. Valdez - " Victor .. sabihan silang lahat na humanda sa pag atake ! " 

tumango si Victor  at nag bigay minsahe sa lahat ng mga nasa sasakyang pandagat . sila Dennise hawak nito ang armas na binigay sa kanya ni mr. Lazaro para pruteksyon sa sarili . isa itong katana na binigay pa ni mr. Valdez sa kanya .

SUGO(alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon