Jiminnie #1

526 15 12
                                    

"Buri butgi jeonbuteo nae mam da~ SUGAAA!
Ilbangjeogin guaedeul hae bwatja heo SUGAAA!
Neoege nan geujeo yeonini anin ujeongi
Pyeonhaesseuljido molla i'm a love loser."


Nakuha ko pang mag-rap ng part ni Suga my labs sa lakas ng ulan at hangin. Nagcocontribute ako ng delubyo para suspended na mamaya. Eh sa wala namang nakakakita sakin, pake ba nila. Atsaka alas sais pa lang 'no. Ako na early bird papuntang school. Ako na.


"Neon naega eomneunde
Nan neoro gadeukhae michil geot gata. Huuh uuh~" feel na feel ko pa yung lyrics na di ko maintindihan at ginaya pa yung steps ni Jin sa part na yun.


Papunta na ako sa sakayan ng mga jeep papuntang school pero chill lang muna ako. Maaga pa naman. Nagantay muna ako sa waiting shed habang patuloy ang aking magandang soundtrip. Still preoccupied on the song while looking at the rain drops falling on the ground, di ko na malayan na may jeep na dumaan na paalis na.


Eh sa ayokong malate kase never have ever been late since the time I was born as in wala pa akong late na record, hinabol ko yung jeep kahit na umuulan. Meteor Garden na ang peg ko dito.


"KUYA DRIVER WAIT LANG!" sigaw ko habang tumatakbo, bumaliktad na nga yung payong. At after 10 sigaw ko saka lang huminto si kuyang driver.


Dali dali akong pumasok sa jeep at hutang ina. Paking tape na second day of classes 'to ang swerte! Pag apak ko palang sa loob shiiiit!!! TAE! nadulas ako! nauna baba ko. Ba't ba kase madulas yung aapakan? Eh sa umulan! Common sense!


May narinig akong tumawa at nakita ko ang ikang nilalang na napakagwapo kahit may face mask at big glasses, huta ang gwapo! Pero shit lang, hindi man lang niya ako tinulungan! Naka planking ako sa loob ng jeep ng ilang segundo! HUTANGINA hiyang hiya ako sa mundo pwedeng pwede na ako mamatay ngayon sa sobrang hiya. kaya ang naisip ko kunwari nag seizure ako.


P*TA! Mali pala ang naplano ko! Hindi ko naisip na pwede nila akong dalhin sa hospital!


Eh mukang nahalata ata ako ni kuyang gwapo na schoolmate ko pala dahil dahil sa suot niyang uniform narinig ko siyang sinabi na,


"Tabi kayo. Ako na bahala dito. bigyan nyo ng hangin." puta nilagay ni kuyang schoolmate yung mukha niya sa gilid ng tenga ko sabay bulong.


"Miss, minsan galingan mo naman pag acting. Tumayo ka na dyan ang dumi na ng uniform mo." I saw him smirk kahit nakamask pa siya. Syete gusto ko na talagang umalis dito!


Tinayo niya ako at pinaupo sa tabi niya sabay akbay sakin at pinatong pa yung ulo ko sa balikat niya. Paking tape kahit parang sinumpa ang entrance ko kanina, patawag po pero heaven ang leeg niya! Ang bango pa! Shet, nagkakasala na ako.


Kasabay pa ng title ng kantang piniplay ko yung nangyare, I'm in Danger. Hell damn danger. Pumikit na lang ako kase kita ko kung paano ako palihim tawanan nitong kuyang gwapong schoolmate. Buti na nga lang pala at medyo kaunti na lang ang pasahero sa jeep. I'm saved!

That Jerk Named JiminWhere stories live. Discover now