Jiminnie #4

129 8 1
                                    

As the sunlight struck my gorgeous eyes, the cold breeze of air brushing through my pale skin waking me up-- Chos! Joke lang. Napamulat ako sa lamig ng hangin. Nakalimutan ko pa lang isara yung bintana. Bobo me.


As expected and as always, maaga na naman akong gumising. Alas singko pa lang sa umaga. Di pa muna ako bumangon sa kama. Nagstretching muna ako habang tinitingnan yung mga pictures ng BTS na nakapost sa wall ng kwarto ko. Good morning mga asawa koo~


Okay baliw much moving on, tumayo na ako after 30 minutes na pagkahilata sa kama. At speaking of asawa, bigla akong napalingon sa bintana at tinanaw ang new neighbor in town. Muhahaha~


Di naman sila kita sa loob kase tinted yung glass ng bintana pero sure akong mga tulog pa yun. Anyways, mamaya ko na lang sila pagnanasaan. Gigisingin ko muna si Amanda ay este si Maddy pala.


Dali-dali na akong bumaba sa hagdan at parang kasali ako sa SWAT, sinipa ko yung pinto ng kwarto niya at ni-raid and loob nito. Isang tulog mantika at naglalaway na Amanda ang nadatnan ko. Juice coloured tanghali na. Atsaka gutom na ako. Wala akong masyadong alam na lutuin kundi corn beef, pancit canton at hotdog.


Dahil isa akong mabait na bata, nagdive ako sa kama niya at ginulungan pa siya.


"Amanda gising na! Tomguts na ako! Tanghali na oy! Yung laway mo naabsorb na ng buong kama mahiya ka!" dahil inaasahan kong babatukan niya ako at sasabunutan, kumaripas na ako paalis sa kwarto niya at sinarhan yung pinto.


"Bwiset ka Doma! 6 AM pa lang! Manigas ka sa gutom!" at narinig ko yung impact ng unan na tumama sa pinto. Buti na lang nasarahan ko kaagad. Umirap na lang ako at dumiretso sa kusina.


Linggo ngayon at kahit weekend, ang boring pa din. Tinatamad ka na nga, gutom ka pa. What a sad life.


Tiningnan ko kung meron tinapay at salamat meron naman. Ito na nga lang. At bakit pala ako magpapaluto kay bruha? Eh tinapay nga talaga ang palaging breakfast mo, Doma? Ay leste ang bobo mo talaga Doma.


Tumambay muna ako sa study table ko sa taas malapit sa bintana kung saan kitang kita ang new neighbor in town habang nguya nguya ko yung tinapay. Napalingon muna ako sa labas, nothing unusual kaya kinuha ko yung phone ko at naisipang iupdate ang aking fan account sa i.g.


Trip ko sanang ibroadcast sa followers ko na kapitbahay ko na ang BTS pero baka mapagkamalan nila akong ambisyosa at takas sa mental. Kung iisipin impossible naman talaga pero kung sineswerte nga naman ang life ko, possible ang impossible. Haha~


Na nguya ko na't lahat ng tinapay sa plastic at tapos na rin akong iupdate yung account ko kaya back to stalking BTS. Naalala kong may binoculars pala somewhere sa baba kaya kinuha ko at bumalik sa taas. Tinakpan ko ng kurtina yung bintana at nagleave ng kaunting space para makasilip ako.


Medyo kita ko na ngayon ang loob ng bahay nila at may nakikita na akong naglalakad lakad. Mukha na akong trying hard na maging chinese sa kakasingkit ng mata ko para malaman kung sino yun.


Si V! Omo! V wearing his usual punit punit clothes fashion inspired by himself. Love it. So gorg, Tae. Nakita ko na rin si J-hobi in bare face pero infairness ang fab pa rin. Ang VHope ay kasalukuyang nasa living room at feeling ko si eomma Jin nasa kusina nagluluto, may naaamoy kase akong masarap.


Sa kalagitnaan ng pagiging sasaeng ko, as usual ulit na umepal si Amanda.


"Henrietta bumili ka ng toyo at suka sa tindahan bilis!" ano ba naman yan, eh kakabili pa lang niya ng grocery nung biyernes, naubos na kaagad? Nilalaklak niya ba ang toyo at suka? Alternative water? Kaloka ah.


Kahit ayaw kong iwan ang napakaganda kong pwesto, tumayo na ako at bumaba. Nanggantso na rin ako ng pangbili sa wallet niya at umalis na sa bahay.


Kinamalas malasan ng address namin, ang layo ng mga sari-sari store. Subdivision lang wala na kaagad ng mga tindahan. Hustisya. Pero ba't pala dito sa subdivision namin nakatira ang BTS kung may hotel at condo naman? Nagtitipid? Duh! As if. Ang yaman na nila di na nila kailangan nun.


Ba't ba ako na momroblema eh pasalamat na nga ako. Okay, shut up na, nakarating na tayo sa destination.


After kong bumili ng ingridients de Amanda, nagmadali na akong bumalik sa bahay dahil ang init init. Sunog na sunog na ako. Nagslow-mo na ako sa paglakad nung nakaabot na ako sa bahay ng BTS, pasulyap-sulyap, galawang hokage lang.


Medyo natanaw ko silang lahat sa salas. Aba! Complete attendance! Hintay lang muna BTS, ibibigay ko muna itong toyo at suka kay Amanda at masisilayan ko na kayo. Kaunting tiis lang.


Maglalakad na sana ako papuntang gate namin nang biglang bumukas yung pinto ng bahay ng mga asawa ko at packing tape! Ang hot ng entrance ni Yoongi mah labs ko!


Napako lang ako sa kinatatayuan ko habang papalapit siya sa direksyon ko. This is unbelievable. This is heaven. Naka black face mask siya with his messy mint hair undone at v-neck white shirt na mas lalong nagpaputi sa kanya at black shorts. I feel so nigga.


Nakita niya akong nakatingin sa kanya making an eye contact at lumapit sakin. Syet.


"Seizure girl, right?" dahil wala akong masabi tumango na lang ako dahil feeling ko biglang naputol yung dila ko.


Kahit ayaw ko nung title na 'seizure girl' eh love ko na siya at pwede ko nang ipangpalit sa pangalan kong Doma dahil yun na ang permanent na tawag sakin ni Hubby Yoongi.


"Pwedeng akin na lang yang toyo at suka? Pinapabili ako nila Jin hyung nito, di ko alam kung saan ang tindahan dito." mukhang bubble head na aso akong tango ng tango at binigay na yung precious toyo at suka kay hubby.


"S-sure. I-iyo na lang i-ito." pautal-utal kong sabi at feeling ko nagb-blush akong todo sa second time na nahawakan ko yung kamay niya.


"Kamsa." sabi niya at nagbow ng kaunti sabay talikod sakin at dumiretso papasok sa bahay nila.


Dali-dali akong pumasok sa bahay at nagwala sa saya. SYET! HOW TO BE A TOYO? HOW TO BE A SUKA? Sana ako na lang yung kailangan niya, willing naman ako eh. Echos! Waaaaah! Yoongi mah labs, magh-hyperventilate na ako dito sa tuwa! Kyaaaaah!!!


"Henrietta bruha asan yung pinapabili ko?!" bigla akong napatingin kay Maddy. Ay patay.


"Bibili ulit ako. Bye!" sabay takbo palabas ulit ng bahay.

That Jerk Named JiminWhere stories live. Discover now