Jiminnie #3

156 9 3
                                    

Time flies very fast, salamat na Saturday na ngayon~ Ilang araw rin akong nagtyagang hindi makasalubong si Park Jimin. Napapahiya lang ako. ㅋㅋㅋ Mabuti sana kung si Yoongi ang magpakita, talagang swerte ako nun.


So agenda of the day? Internet all day. I-stalk ang BTS kahit na nasa iisang bansa lang ang kinalalagyan namin. Iisang lupa ang tinatapakan at hangin na nilalanghap. Jusko, ang saya ng lifeu~ mainggit kayo mga international fans at kfans, nasa teritoryo namin ang BTS at walang makakapigil samin. /insert devil laugh/


Pero ang tanga ko lang, di pa ako nagpaautograph kay Yoongi hubby last time na tinulungan niya ako. Starstruck much. And speaking of that, isinilid ko sa plastic yung kamay kong hinawakan ni Yoongi habang naliligo ako. I'll treasure it dahil once in a pinkmon moon lang ang chance na ganito. Aish, ang obssess mo Doma. Stahp it.


Gumulong ako sa kama sabay kuha ng laptop saka nagsimulang mag-gather ng recent pics of BTS from korean fansite eonnies. May fan account ako sa instagram at puro lang naman laman ay sino pa ba? Edi si Yoongi hubby the one and only. Binuksan ko na rin yung V app ko, may bagong Run BTS eh atsaka manonood rin ako ng replay. Avid na avid fan ang lagay ko ngayon. Yung nga lang wala akong merchs. Poor ako eh.


Sa kalagitnaan ng pagbobonding namin ng BTS may asungot na umepal.


"Bruhildang bakla bumaba ka dito dali!" I rolled my eyes as if makikita niya.


Pati ba naman sa pagmomoment ko with BTS sa internet may hahadlang pa? Lifeu, why so cruel?


"Geh wait lang on the way na!" sinara ko muna si laptop sabay kuripas ng takbo pababa ng hagdaan papunta sa bruha.


Nagluluto si ateng ng ewan ko kung ano ba yun pero feeling ko edible naman. Try niyang lagyan yan ng lason at ipapakain ko sa kanya yan lahat.


"Oh Maria Amanda anong problema mo?" lumingon naman si ateng with matching fabulous flip hair na parang sa shampoo commercial. Aba gumaganyan na ah.


"Diba sabi ko Maddy or Mare?" I just rolled my eyes again. Arte ah. May pam-Mare pang nalalaman, eh Maria lang naman atsaka parang 'nightmare' lang. Echos.


"Oo na po. What's your problem ba? Busy ako." ayan conyo pa more Doma.


Dinuro-duro niya sakin yung sandok sabay tutok sa baba ko. Aruy ah. Mado-double chin ako nito eh.


"Anong busy mo dyan? Inaagaw mo lang sakin si Yoongi eh. Diligan mo na nga lang yung mga orchids sa labas pati buong landscape. May magawa ka namang productive ngayon." Ouch ah. Parang wala akong ginawang matino dito sa bahay.


Namumuro na ako sa kaka-roll eyes. Mahanginan pa baka mapermanent na. Chos. Just kidding. Tumango na lang ako at bumalik sa taas, kukunin ko pa si precious cellphone. Kelangan ko ng BTS inspiration habang nagdidilig.


On shuffle ang BTS playlist ko para may pasurprise effect kung ano ang next song. Nilagay ko na siya sa bulsa in full volume para rinig ko pa rin. Finally kinuha ko na yung hose ng tubig at nagsimula na maging gorgeous na hardinera.


By the way, yung epal kanina ay ang aking ate na ARMY rin, parehas kami ng bias kaya agawan overload anytime, anywhere. Mabait naman yun may topak lang pero keri na rin. Di ko pa pala sinasabi sa kanya na nasa Pinas ang BTS, luckily nag-aaral sa school namin! Oh diba ang sama kong kapatid. Di naman nagtatanong kaya di ko na kasalanan.


Nabugaw ang pagiintroduce ko sa kapatid ko ng nagplay and 뱁새. Party people! Wooh!


"They call me! Baepsae~" nakising along na lang ako kahit mali mali lyrics ko. Tutal ako lang naman ang nakakarinig, ako lang naman ang mababasagan ng eardrums.


Sunod sunod yung party songs kaya napatagal na ako sa pagdilig. Nakalimutan ko ngang nasa iisang orchid lang ako nagdidilig for the whole song.ㅎㅎㅎ


Patapos na ako sa duties and responsabilities as a productive citizen of this country kaya mas binilisan ko na ang pagkilos ko pero panira yung music eh. Miss Right! Ayan tuloy chill lang ako, compliment your mood to the song ika nga. Kaya nakisama na ako. Chill chill lang muna tayo.


At dahil nadala na ako sa song bonggang bongga na yung pagkanta ko, in a decent way. Yes, Imma singer dudes. Ambisyosa nga lang.


"Yes you're my only girl
neoneun naege choego
neoui harureul algo sipeo,
neoui hansumi doego sipeo." with matching body wave dance pa yan. Mukha na akong tanga. Pero teka, kahit di naman ako sumayaw tanga pa rin ako. Okay, nevermind.


"Yes you're my only girl
neoneun naege choego--"


"Yeonghwa sogeseona isseul
geotman gatdeon geu saram
baro neoya..."


Napatigil ako bigla. Teka... Ba't parang live na yung narinig ko? Tumingin tingin ako sa paligid at OMAYGAHD! Packing tape. Ba't siya andito?! And worst, why so gwapo?


"You're an ARMY?" he eyesmiled saka naglean sa bakod namin. Kahit na ayaw na ayaw ko sa kanya, syet ang gwapo niya! Y u shakin mah hearteu???


Starstruck. Argh, nakakanganga pa nga ata ako. He laughed at nagover the bakod trespassing our lawn and walked towards my direction.



Nakatingin lang ako sa kanya, still not processing all this scenes happening at the moment. He still have that eyesmile and pat my head sabay ruffle ng hindi pa nadadaanan ng suklay kong buhok.


"Nice music choice though. See you around." he then winked at kumaripas na ng takbo papunta sa kabilang bahay dahil may tumatawag sa kanya.


Nabitawan ko yung hose still nakanganga sa mga pangyayari. Okay, what was that? May ligaw na Jimin na pumunta sa bahay ko. THIS. IS UNBELIEVABLE. I KENNOT.


Shut up Doma, loyal ka kay Yoongi tandaan mo yan. Sinapak sapak ko sarili ko sabay tingin sa kabilang bahay.


Don't tell me, nakatira dyan si Jimin? Or luckier, ang buong BTS?!! Omaygahd ang swerte ko!!!


"Hoy Doma! May kausap ka?" biglang lumabas ng bahay si Maddy at tumingin tingin pa sa paligid ko.


"Wala. Problema mo na naman?" tinaasan niya lang ako ng kilay at bumalik na sa loob.


Nang nasure ko na wala na si Maddy, nagfistpump ako sabay sigaw na walang sounds para di ako marinig. Mangingisay na ako dito sa tuwa!


Kapitbahay ko ang BTS!




That Jerk Named JiminWhere stories live. Discover now