Jiminnie #2

259 13 6
                                    

Tulala pa rin na parang narape ng isang daang tupa at aso, I still manage myself na maglakad na parang pilantod na zombie papunta sa school grounds. Ba't ba sa high school uso pa rin ang flag ceremony? Aish.


Pumila na ako sa pinakalikod ng girl's line sa section namin still preoccupied ang utak na lumilipad na sa kalawakan kung nasaan ang planeta ni V. Naghahallucinate lang yata ako. Sign na ba ito para magkatotoo ang seizure drama ko? As in dito sa maraming tao? Wag naman po please! Napahiya na po ako kanina at namumuro na ako, sana kahit ngayong flag ceremony palampasin niyo po ang kamalasan ko. Jaebal!


"Hoy bruha! Nakita mo na yung mga fafas?" tanong nung isa kong kaklase sabay sabunot sa katabi niya.


"Alin yung mga gwapong koreano sa bagong building?" tumango tango naman yung babaeng nanabunot at biglang naexcite yung expresyon.


Teka, ba't naging chismosa ka na Doma? Sabagay wala ka namang kachika kase wala ka namang kaibigan kaya maki-OC ka na lang. Makakuha ka pa ng mga naglalaganap na latest and hotest news tungkol sa school atleast di na ako outdated.


"Gaga, malamang sa bagong building sila kase mga foreign exchange student." nanlaki bigla yung mga mata nung nasabunutan. Wait teka nga lang ulit, kaklase ko ba talaga sila o nasa iba akong planeta? Ba't di ko sila kilala?


"Ay oo nga pala! Sorry naman. I heard na sikat sila sa SoKor kahit sa ibang mga bansa!" bulaslas ni ateng saka pinagpapalo yung nanabunot sa kanya.


"I know right! Wait ano ngang grupo nila?" pareho silang napaisip at sabay na napasigaw.


"BT--"


"Hoy Doma! Anong ginagawa mo dyan? Kelan ka pa naging section 1?" napatingin ako sa sumigaw at napatingin na rin yung mga tao sakin.


Napafacepalm na lang ako at lumipat ng linya. Jusmiyo Doma, first ever naligaw ka ng pila. Assumerang section 1, hanggag 3 ka lang hoy! Argh, epekto kase ito ni Jimin eh! Wait, si Jimin nga ba talaga yun?


Natapos na't lahat lahat wala pa rin sa tamang wisyo ang kaluluwa ko. Ba't ba ang OA mo? Eh di ba si Suga ang bias mo? Anong inaarte arte mo dyan? Oh shut up Doma. Baliw ka na.


Nairaos ko naman ng maayos ang first 2 subjects na Chemistry at Literature. Boring man, kakayanin. No choice eh.


Pagkatapos na pagkatapos ng Literature, parang may dilubyong nangyare at biglang nagsitakbuhan yung mga kaklase ko sa labas. Dahil ayoko namang maging loner dito at baka makatagpo pa ng mga masasamang espiritu, lumabas na rin ako at nakisama sa mga nagkukumpulang mga tao sa may bagong building.


At the sea of sweaty creatures na nagdagsaan na parang may relief goods na pinaaabot, parang dadaan ka pa sa butas ng karayon para masinag mo kung ano yung tinitingnan nila.


Dahil ako ay isang dakilang echosera at gusto ko talagang malaman kung ano ang pinagkakaguluhan nila, naisipan kong akyatin yung puno para masilayan ang tinitingnan nila. Nakaakyat naman ako kaagad na parang namana ko ang skills na 'to sa mga ninuno natin and started pointing a gaze on the building.

That Jerk Named JiminWhere stories live. Discover now