Jiminnie #7

130 9 7
                                    

Lumipas na ang ilang araw-- ay hindi, ilang linggong hindi ko nasisilayan at pinagnanasaan... Teka nga, wag masyadong malande Doma, chill lang ang hormones may bukas pa. Anyways, ilang linggo na ring biglang nawala ang BTS sa Campus atsaka sa kabilang bahay.

Magmumukmok na sana ako at magtatago dahil baka sabihin ni Jimin kay Yoongi my labs na nagfe-feeling akong asawa ko si Suga pero bigla na lang silang nawala. Ayos sana kung si Jimin lang yung nawala pero syet, ba't sinama pa nung pandak na yun yung ibang members?! Nak ng tokwa naman.

Kaya ngayon isa ako sa mga nagluluksang fan sa campus na internally crying af with matching paper tears pa. Charot, muta lang. Eww, anyways nasa room ako as usual loner mode kaya feeling busy sa pagsolve ng math assignments, kesa naman nakatunganga ako maalala ko pa si Yoongi my labs, umiyak na pa ako.

"OMG OMG OMG OMG GUYS ANG OBARYO KO SASABOG NA!" nagulat naman ako sa biglang entrance ng baliw kong kaklase na tiuturo-turo yung cellphone niyang iPhong bulok.

"PUNYETA ANONG CHIKA?!" lumapit naman agad sa kanya yung kabundok niyang best friend. Kingamother, magkalapit lang sila bes, di pa nila naririnig ang isa't isa? Kastress.

"BES MAY COMEBACK ANG BTS!!!" napatingin ako sa dalawa. Comeback lang pala eh. Comeback ng... Fota, ano daw?!

COMEBACK NG BTS?!!

"MGA PUNYETA BA'T NGAYON NIYO LANG SINABI?!" napatigil lahat sa pinaggagagawa nila at napatingin sakin. Teka, nasigaw ko ba yun palabas sa utak ko?

Nagsmile na lang ako ng pilit with matching peace sign at umupo ulit. Awkward silence mga bes. Pahiya much, ayan kase kalma lang.

Buti naman at parang masamang hangin lang akong dumaan at nagsibalikan na sila sa mga business nila at yung dalawa chika pa rin. Gahd, ba't ngayon ko lang nalaman?! May internet naman sa bahay, ba't di man lang ako ininform?!

Gusto ko rin sanang makiclose sa dalawa para makitingin din ng mga concept photos tapos makita yung music video pero wala akong confidence mga beh, shy type ako. Kaya luksa na lang, aabangan ko na lang na magdismissal na para masearch ko na sila. Juice colored, ako pa ang mas nagmumukhang taga-bundok kesa sa kanila. Hiyang hiya ako.

Nakailang Hail Mary at Our Father na ako at parang naging effective naman ang prayers ko para bumilis yung oras. Isang minuto na lang dismissal na!

Parang naka ecstasy sabayan mo pa ng cocaine at marijuana ako habang nagiimpake ng mga gamit ko sa bag. BTS here I come! Hintayin mo lang ako Yoongi hubby, ang asawa mo parating na! Mwah!

Suot suot ko na yung bag ko at handa na akong magmarathon at makibakbakan sa pagsakay ng jeep pauwi nang may dumating na hadlang sa magandang kinabukasan kong makita ang BTS kahit sa screen lang ng phone ko.

"Excuse me po, si Doma Henriette daw po pinapatawag sa faculty room asap. Salamat." Doon ko na isinumpa yung pangalan ko at sana kahit ngayong araw lang di ako si Doma please lang po. Mas emergency pa 'tong saakin kesa sa faculty eh.

Imbyerna, nung hindi ako busy hindi ako kailangan pero ngayong gustong gusto ko nang umuwi kakailanganin niyo ako?! Hustisya!

At dahil despirada talaga akong umuwi ng super super aga kahit sagabal itong magpapatawag sakin, kumaripas na ako ng takbo papuntang faculty room which is malayo sa room namin at partida nasa second floor pa ako. Black shoes kong first time ko lang na na-Kiwi, alam kong ang rami na nating adventure at taeng naapakan sa kalsada pero please lang tatagan mo ngayon at sana di ka masira. Wala akong pambiling bago.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Jerk Named JiminWhere stories live. Discover now