Chapter 3: Freedom

316 26 15
                                    

"At some point Freedom cause pain in the end"

dawn_paris

--------------------------


CASSETT POV

"Anong ginagawa nyo dito?" sabay sabay naming tanong.

"Hinahanap ko lang si Eve, nakita nyo ba siya?" tanong ni Ram.

"Hanep ah? kelan pa ba humiwalay sayo ang babeng yun, at sa amin mo hinahanap?" masungit na sagot ni Skyler.

"Hindi naman multo si Eve para sumunod lagi sakin, may sarili din itong buhay" sagot sa kanya ni Ram.

OMG... nakakaamoy ako ng away.

"gagawa ka nalang kasi ng dahilan, hindi pa maayos" pabulong na sabi ni Skyler.

Napailing nalang si Ram, at si Moon halata nading nababadtrip sa inaasal ni Skyler.

"Sinong Eve?" tanong ni Clover. "Ako ba at si Cassett ang tinatanong mo? sorry ha? pero... hindi ko pa kasi kilala ang mga new student sa campus" sagot nito.

Nagkatinginan kami ni Ram at Moon.

"Sorry Ram, hindi namin nakita si Eve eh" sagot ko.

"Ikaw Moon? I mean... eh si Moon baka alam niya?" pilit naming iniiwasang magpahalatang may kasama kaming multo.

"Ah.... err... hindi ko pa siya nakita eh" sagot ko. Sabay kamot ulo.

"saan naman kayang gumala ang babaeng yun?" bulong ni Ram.

"Baka sa sementeryo o kung saan mang spooky places" iwas tingin pa ni Skyler.

"Ano bang problema mo Skyler!" sigaw ni Moon sa kanya "Sinasaniban ka ba ng kung anong masamang spiritu at ganyan ka umasta nitong mga nakaraang araw!" galit na nga ang kakambal ko.

Napangisi lang si Skyler.

"Anong ginagawa niyong dalawa dito ni Ms. Clover?" ako naman ang nagtanong.

"ah? may ipapaayos lang sana kaming mga rooms para magamit ng iba pang club dito sa campus" sabi ni Clover.

"bat kasama si Skyler?" tanong ko.

"Bakit Cassett? hwag mong sabihing pinaghihinalaan mong magdedate kami ni Ms. Clover sa ganitong klaseng creepy na lugar?" tanong sakin ni Skyler.

Hindi ako nakakibo.

"Napipikon na ko sayo ha?" sabi ni Moon.

Pero inunahan siya ng suntok ni...

"G*** ka Skyler ?" si Ian?

Pinigilan namin siya ni Ram.

"Calm down Russ" sabi ni Ram.

"HEY no violence in school Mr. Russ Ian!" sigaw ni Clover.

Napatingin sa kanya si bestfriend.

"Magusap nga tayo Skyler" hinarap ko siya. "Ano ba kasi talaga ang problema mo ha? bat di mo sabihin?" sigaw ko din.

"I'll go ahead... looks like personal matter ito Sky, sige na next time nalang tayo magusap about sa mga facilities ng school" paalam ni Clover. "and Miss Casset, wala akong balak agawin ang boyfriend mo, that is not my thing believe me..." sabay titig niya sakin.

Bago pa siya tuluyang umalis, napatitig pa siya sa likuran ko. Hindi ko alam kung si Moon ang tinititigan nya o ang abandonadong gym.

"See you around" ngiti nito samin.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon