Chapter 51: Potential

234 20 11
                                    

MOON POV

Woah! There so cool. Aba? Nasasapawan na yata ko ng Azra na ito ha? Pati nadin ang iba't-ibang anghel o nilalang sa kwentong to.

Ms. Author? It's my time to shine naman sana ulit oh?

Natapos na nila lahat ng mga aswang, hindi man lang ako nakaporma.
Pambihira naman kasi ang lakas ni Puma. Hindi ko akalain na kapatid siya na super hinhin na si Aroma.

That gives me chill to the bone.

"Tulad ng napagkasunduan, tutulungan namin kayong hanapin mga kaibigan niyo." Sabi ni Puma.

"Walang mali sa direksyon na ibinigay ni Bernard, yun nga lang kailangan niyong maghintay ng ilang oras pa hanggang bumaba ang tubig" sabi ni Bianca.

"But I'm sorry Azra, sa kalagayan ko, hindi ko kayo masasamahan, lalo na kapag pumasok na kayo sa portal" sabi ni Puma.

"Pero diba? Kahit wala na ang paningin mo malakas pa din ang ilang senses mo?" Tanong ko.

"Maybe in this world, sa mundo ng mga tao, angat ako pagdating sa pandinig at pangamoy, pero sa ibanv mundo... wala na kong silbi" malungkot pa nitong sabi.

"Puma? Wala ka bang balak bumalik sa mundo natin?" Tanong ni Azra.

Napangiti lang si Puma. At inakbayan si Bianca. Malinaw na samin ang desisyon nya.

"Matutulungan ko padin kayo sa paghahanap ng nilalang na pwedeng tumulong sa inyo" sabi niya.

"Ha? Sino naman?" Tanong ko.

Pumitas ito ng sampaguita na nakatanim sa bakuran nila. Binuhusan nya ito ng langis at pinatakan ng kaunting dugo nya.

Kung titingnan mo kadiri naman ginagawa nito. Pero nung umihip ang hangin... damn! Ang amoy na yun...

Daig pa ang lavender scent, nakakarelax.

Nagmumula pala yun sa bulaklak kanina.

"Puma?" Boses yun ni...

Nagkatinginan kami ni Azra.

Bakit nandito siya?

"Aroma?" Sabay pa naming banggit ni Azra.

Napataas kilay pa ang dark angel na ito.

Ang buhok nya... maiksi na ngayon. Pero mukha padin siyang babae.

He has this straight pinkish o light purple hair, may malinaw itong salamin. Pero hindi sya mukhang nerd, mukha siyang genius na angel actually. Balingkinitan ang katawan niya at hindi katangkaran.

I admit, naging crush ko siya dati nung akala ko ay babae siya.

Though he is not gay.
Sadyang nilikha lang na ganyan ang physical appearance niya, pati yata personality nya.

Pero isa sa mga katangiang hindi mo maiiwasang mapansin sa kanya ay ang scent nya. Nakaka-aadict.

"Moon?" Tapik sakin ni Azra. "Ayos ka lang?"

What the f? Natulala nanaman ako?

"Ehemn... looks like you are still the same spirits I met before" sabi nito with a cold tone.

Yun lang, kasing cold nya yata si Kuya Ice magsalita at napaka-poker face niya.

"Aroma? I'm sorry if I need to call you again" sabi ni Puma.

"What's wrong? Please don't tell me na gusto mong bumalik?" Sabi nito Puma sa kapatid.

"Hindi... of course not, ang totoo, sila Azrael ang may kailangan sayo" sabi ni Puma. "They helped me to protect my family, kaya kailangan kong suklian yun"

Moon and the Angel Of DeathWhere stories live. Discover now