Chapter 17: Deceiving Art

262 22 4
                                    

CASSETT POV

Ilang araw narin namin pinaghahandaan ang gagawin naming strategy para mahinto sa pagkitil ng buhay ang Bloodline, todo practice din kami para mapansin makuha ang attention ng Bloodline. Yun nga lang mukhang nawiwili nadin pati ang ibang students sa campus para sa banda namin.

Pero may problema... everytime kasi na kakanta ako, nakakatulog talaga ang mga kasama ko. Pati nga sila Russ at Saver parang naaapektuhan nadin ng boses ko.

Tinulungan kami ni Lacey kung paano ko maco-control ang lullaby voice ko. According to her, I can control this ability at mapipili ko pa ang gusto kong patulugin. Sounds cool... pero I don't have any idea kung paano ko gagawin yun.

Though nagawan naman ng paraan ni Moon na tulungan ang mga kasama ko kung paano hindi antukin sa boses ko.

"You just have to shut down your sixth sense ability for a while Cassett is singing" sabi nito.

"Shut down? pano yun?" tanong ni Russ.

Oo nga pala hindi kasi inborn ang third eye niya.

"You have to visualize your sixth sense parang isa itong switch na pwedeng i-on at off" paliwanag naman ni Ram.

Pati yun, pinagtuunan nila ng panahon. Sana may sapat kaming oras para dito bago ang school fest.

Habang nagprapractice.

"Miss Cassidy Lunette, can we talk to you for a while?" si Clover at syempre kasama si Skyler.

"ha? para saan?" taka ko agad.

Mabilis ding naging alerto ang mga kasama ko.

"relax... the President of Art Department wants to talk to you" sabi nito.

"eh?" ano daw? bakit kasi english pa eh?... sumunod nalang ako.

Sumunod naman si Moon.

"Si Cassett lang ang iniimbitahan" bulong ni Skyler.

Napahinto si Moon at itinikom ng mahigpit ang kamao nito, alam kong napikon ito at gusto nyang suntukin si Skyler.

"That's ok... he can come along" sabi naman ni Clover.

"nakikita mo ko?" tanong ni Moon.

Pero hindi siya sinagot ni Clover.

"sabihan mo kami kung need mo ng backup bestfriend" sigaw pa ni Ian.

Hindi ko alam kung mata-touch ako oh mas kakabahan, kasi naman ano ba kasing naging kaso ko? am I in trouble? dahil ba nagca-cutting classes ako. Hala? patay!

Habang naglalakad sa campus. Nakita ko si Azra, pero mabilis itong nagtalukbong ng hood para hindi siya mapansin nila Clover.

Paglakad namin sa hallway, ang tahimik... walang mga students dahil halos mag-gagabi nadin pala. Parang malamig na rin ang ihip ng hangin.

Pumasok kami sa opisina ng Art Department, 2nd time ko palang papasok dito. Nung una ay nuong nag-enroll ako. pero this time, i felt... the temperature dropped. At ang lakas ng hanging sumalubong samin. So weird.

"Just wait here" sabi ni Clover, sabay hina na malaking electricfan sa may tapat ng pinto. Kaya naman pala ang lakas ng hangin, ano ba yan!

Umupo muna ko.

Paglabas nila sa corner may kasama siyang isang babae, may nakasabit na camera sa leeg niya.

"This is Keyt Dennice she is the president of Photography club" pakilala ni Clover sa kanya.

Moon and the Angel Of DeathWhere stories live. Discover now