Chapter 53: Rejection

210 20 2
                                    

Rejection is the greatest aphrodisiac

MOON POV

The hell, sabi na nga ba at darating kami sa ganitong situation.
Kung bakit naman kasi maliit padin ang mundo naming dalawa ng anghel ng kamatayan na ito?

Kung sabagay I didn't expect na mapapatalsik din siya.

Alam kong kinakailangan ni Cassett ng mahaba habang explanation. Addict lang din kasi tong kapatid ko at inunahan nya ng sampal.

Shock tuloy si Azra.

"Cassett calm down" sabi ko.

"Anong calm down! Kung bakit ba naman kasi pumasok pasok ka sa eksena, guguluhin mo lang kaming magkapatid! For your information sa dami naming napagdaanan, palagay mo ba basta basta ko nalang isusuko ang kakambal ko!" Sigaw nito.

Hindi naman kumikibo si Azra.

I sighed...

"Listen Cassett, may karapatan si Azra na gawin ang gusto nya sakin in terms sa conditon na hiningi ko nuon" pilit kong paliwanag.

Huminga ng malalim si Cassett at nagsimula ng makinig.

"Naalala mo ba nuong kinakailangan ko ng umalis sa mundong ito dahil nalaman ko na kung ano at sino talaga ako?"

Tumango siya.

"Payapa na nga sana ako pero mas pinili ko padin na makasama ka, lalo na nung naramdaman kong nasa panganib ka, ginawa ko ang lahat ng paraan para makabalik sa iyo, at si Azra nga ang naging susi" tuloy kong kwento.

Napatitig siya kay Azra.

"Una kong nakilala si Azra, nung maligaw ako sa Gate of Heaven and Hell, sabi nila kakaibang spiritu daw ako dahil hindi lahat ng kagaya ko ay nakakapasok sa mundong iyon,  it's not really a big deal for me, nakilala ko si Azra at ang iba pang anghel sa mundong yun, totoong naging interesado ako sa mundong yun pati na ang bawat kakayahan ng mga anghel pero hindi ako nagtagal duon, at ang pangalawang beses kong pagpunta duon ay humingi nga ako ng pabor na ibalik ako sa mundong ito" pahinga muna... ang haba eh.

"Pero yun ang kapalit, ang maging tulad nila? O palitan mo sila?" Tanong ni Cassett.

"He can asked me anything actually... pero matagal na kasi nilang akong inoffer na maging parte ng mundo nila. Tulad ng nasabi ni Aroma sakin nuon I can be the angel of Keys, dahil kaya kong buksan ang ibang portal ng ibang mundo o dimention" sabi ko.

"Kung ganun Azra? Yun ba talaga ang balak mo?" Tanong ni Cassett.

"I admit... nung una, oo yun ang plano ko, dahil si Moon ang susi para makabalik ako sa gate of heaven and hell, pero believe me Cassett, ngayong mas nakilala ko na kayo... kinalimutan ko na ang plano kong iyon, but I still have to say sorry because I think Im running out of time, kung hindi ako makakabalik sa gate of heaven and hell, magiging tulad ako ni Azul, tatapusin din ako ng ibang anghel" depensa ni Azra.

"Wala na bang ibang paraan? O mas maganda gawin para patahimikin ka ng kapwa mo anghel?" Tanong ni Cassett.

Umiling lang si Azra.

"I'm a fallen angel, and I deserve whatever punishment they will give to me" sabi nito.

"So, you will just accept your fate?" Tanong ko.

Hindi na siya kumibo.

Napayuko si Cassett, alam kong napamahal na siya kay Azra kaya alam ko din na siya ang unang masasaktan kapag nawala na ito.

"Let's go home Moon" sabi ni Cassett.

"Ok, let's just go home" sagot ko din sabay akbay sa kapatid ko.

Moon and the Angel Of DeathWo Geschichten leben. Entdecke jetzt