Chapter 42: Card Game

248 18 38
                                    

@ dorky_taeny12
Im so glad na nakilala ko ang special girl na tulad mo. Just always be proud kung sino ka; )

--------

LIAM POV

Ganda pala ng view mula dito sa rooftop, kitang kita mo ang kabuuan ng Baguio, parang giant christmas tree lang ang bundok dahil sa mga ilaw ng mga buildings at houses.

It's chilly alright, pero mas malamig padin naman sa US kapag winter season. But I am not really fun of cold weather too.

"Uy iniisip mo si Mirage noh?" Pang-aasar ni Eve. Kulit din nito oh?

"Hindi ah?" Depensa ko.

"Hay naku Papa Liam, hindi mo ba nahingi ang number nya?" Tanong naman  ni Rukia.

"Hindi na..." sagot ko nalang.

"Woah? Nakakapanibago ka yata?" Taka ni Karis.

"What do you mean?" Tanong ko naman.

"Dati rati taas ng self confidence mo na super lakas mo sa mga girls hindi ba?" Natatawang sabi ni Karis.

"Guess... I change nga" sagot ko lang na nakatitig padin sa bundok.

"Bakit naman?" Tanong nya.

"Baka sakaling kapag binago ko ang personality ko, eh ako naman ang piliin ng mga taong mahal ko" prangka kong sagot.

"Ehemn! Whogoat!" Kunwaring ubo nila Eve at Rukia.

"Liam? Hindi mo naman kailangan magbago, for sure naman ako na may tamang babae na nakalaan sayo  na tatanggapin kung sino ka" sagot naman ni Karis.

Napangiti at napatango nalang ako. Swerte talaga ni Pareng Russ sa kanya. Pero naka move on na talaga ako sa nararamdaman ko kay Karis. Alam ko naman na masaya silang dalawa ni Russ. Yun lang nga madalas hindi ko maiwasan alalahanin ang nakaraan. Ilang beses na ba akong na busted? Sa gwapo kong to oh?

(Commercial lang readers: natatandaan nyo ba  kung ilang beses siyang nabusted sa first novel na Moon My Guardian Ghost?)

"Lamig, naku sa baba na nga muna ako at baka sipunin ako" paalam ni Karis.

"Ay wait gurl, magtitimpla pala ako ng coffee" habol naman ni Rukia.

Atleast tahimik na ulit.
Ipinikit ko saglit ang mga mata ko.

"Hello! RAM? O ano na?!" Boses ni Eve. Muntik na kong mapatalon sa gulat  nawala sa isip ko nandito din pala sya akala ko sumunod na siya sa pagbaba nila Rukia at Karis.

"Ganun ba? I see..." malungkot nito sabi. "Ok sige, ingat ka nalang... see you" paalam nito.

"O what's the problem?" Tanong ko.

"Hindi pa daw makakarating si Ram dito bukas eh, baka nga hindi na siya makasama sa pagakyat sa Mt. Pulag" disappointment nito.

"Why?" Tanong ko.

"Busy daw" maikli nitong sagot.

"Sira ulo talaga ang pinsan kong yun oh? Dont worry sasapakin ko yun pag nakita ko sya" pagbibiro ko nalang.

Napangiti naman si Eve.

Wow? Ngayon ko lang napansin, Eve has this amazing smile. Parang dinaig pa niya ang liwanag ng mga bituin.

At first napaka creepy talaga niya, parang si Cassett lang. Pero kapag nakilala mo na talaga sila ng husto  duon mo makikita ang ganda nila. They are truely special.

Magulo din ang buhok nya pero I guess ito yata ang isa sa mga asset niya.

"Magulo nanaman ang buhok ko noh?" Tanong niya sabay pilit itinatali ito.

Moon and the Angel Of DeathWhere stories live. Discover now