Chapter 14 (Edited)

7K 233 5
                                    

Nakasimangot na tinitigan ni Alice ang sarili sa malinaw na pinto ng elevator. Hinihintay niyang dumating iyon para makababa siya sa lobby to meet Trent, sa ayaw at sa gusto niya.

She wore a soft green top, a knee-length skirt that floated around her bare legs, paired with flat sandals with green straps that matched her top. She let her hair down. Kung aayusin pa niya iyon ay matatagalan siya. She just couldn't tame those unruly curls of hers. As a final touch, she had strapped a mailman bag across her chest. She did not bother with make-up.

Talagang binilisan niya ang pag-aayos dahil baka mawalan na naman siya ng tapang at hindi siputin ang binata. Kapag nangyari iyon ay baka mag-worry na naman si Amanda. She vowed earlier na hindi na niya ito bibigyan ng sakit ng ulo.

Bumuntong-hininga siya at tiningnan ng masama ang isang curl na nakaharang sa mata niya. Sinubukan niya iyong ayusin pero bumalik lang iyon sa dati. She pulled at it again and watched it bounce back to place.

At the exact moment, the lift doors opened and revealed the man she wouldn't wish to see her in her current situation.

Parang biglang nag-apoy ang kanyang mukha sa hiya. Trent caught her making funny faces on the elevator mirrors.

Sumimangot siya when she noticed the smile in his eyes.

"Coming in?" he said instead of commenting.

Wala siyang choice kundi ang tiisin ang presensiya nito sa maliit na espasyong iyon. She stepped inside the lift with a sigh. Pumuwesto siya sa harap nito at hindi ito nilingon sa buong duration ng trip pababa ng lobby. But still, she could feel his stare on her back.

She froze when she felt his breath on her neck.

"A-ano'ng ginagawa mo?" natatarantang tanong niya. Hindi niya mailingon ang ulo dahil baka kung ano ang mabungaran niya.

"So it was you."

"Ha?"nagtatakang tanong niya rito. "Ano bang p-pinagsasabi mo? Lumayo ka nga!" Humakbang siya paharap.

"I thought I smelled strawberries."

She blushed. Napahawak siya sa kanyang buhok. "Yong shampoo ko kanina..."

"Ah. I thought so." Mula sa salamin na dingding ng elevator ay nakita niya itong nagpamulsa at humilig sa dingding. Nanatili itong nakatingin sa kanya. "You don't like the hotel's provided toiletries?"

Mas lalo siyang namula. "I don't mean to insult, but I don't like the smell of hotel soaps."

Tumaas ang isang kilay nito.

"Fine," nakanguso niyang sagot. "I like sweet-smelling soaps and shampoos. Happy?"

Umaangat ang isang sulok ng mga labi nito.

His eyes made contact with hers on the mirror. "I like it. Very much."

Anak ng sampung baka. Bakit ang tagal bumukas ng lintik na elevator?

---tbc---

OBSESSION trilogy: Hunger [NOT UPDATED]Where stories live. Discover now