Chapter 49

4.7K 132 23
                                    

Tahimik at tulala si Alice habang ang mga tao naman sa paligid niya ay hindi magkamayaw. Ilang mahabang minuto na siyang nakayuko at nakatitig sa mga kamay niyang mahigpit na magkasalikop habang nakaupo siya sa isang mahabang sofa sa loob ng family room ng mga De Santis.

Maganda ang alaala niya sa kuwartong iyon. Doon mahilig magtipon-tipon at magpalipas ng oras ang mag-anak. Naaalala niya pa nang basahan niya ng children's story ang mga bata habang kumakain ang mga ito ng cookies na gawa ni Amanda.

Oh, Amanda!

Muling kumirot ang puso niya sa pag-aalala para sa mahal na pinsan.

Mula nang sabihin sa kanila ni Rissa ang nakakagulat na balita ay agad-agad namang nagpatawag ng pagpupulong ang Signor at Signora De Santis. Isang oras na ang nakalilipas matapos noon ngunit wala pa ring may alam kung nasaan ang pinsan niya.

Magulo ang suite nito sa hotel ngunit pansin na wala ang mga importante nitong gamit at ang isang malaking traveling bag nito. Walang staff na nakakita sa pag-alis nito at ang concierge naman na nakakita rito ay hindi alam kung saan papunta ang sinakyan daw nitong taxi.

Maging siya ay hindi ito ma-contact sa cell phone nito. Ilang beses na siyang tumawag at nag-iwan ng mensahe ngunit walang tumutugon.

Nanigas siya nang maramdamang may tumabi sa kaniya. Nanuot sa ilong niya ang mabango at panlalaking amoy ni Trent ngunit hindi niya ito nilingon kahit pa magkalapit ang kanilang katawan at nakapaikot sa kaniya ang isa nitong braso. Sa background ay naririnig niya ang pag-uusap ng mag-anak ngunit hindi niya iyon naiintindihan dahil Italian ang gamit ng mga ito.

"Cara, talk to me," narinig niyang masuyong sabi ni Trent.

Her lips shut tightly as she forced to compose herself before facing him. Nang masigurong hindi nito malalaman sa mukha niya ang iniisip niya ay tumingin siya rito. Pinigil niyang hindi mapasinghap nang masalubong ang mga mata nitong matiim na nakatingin sa kaniya. His eyes were steeled gold, hard and glinting as they looked down at her.

"Are you okay?" Despite the look on his face, his voice was soft.

She wasn't fooled. His arm around her was hard and stiff. Nang tumingin siyang muli sa mukha nito ay napansin niya ang tight lines sa paligid ng mga mata at bibig nito. He was tensed as hell and looked like his control was hanging by a thin thread and that it may snap any second.

Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ganoon ito ngayon dahil siya ang may karapatang magalit. She had read the text message not just twice. She's not that dumb not to know the veiled meanings of her Ayvieh Sophia's words. Kanina pa niya hinihintay na magpaliwanag si Trent ngunit hanggang ngayon ay wala itong sinasabi.

"What are you thinking? Tell me."

She swallowed. "W-wala. Nag-aalala ako para kay Mandy."

Pinagsalikop nito ang mga kamay nila. "We will find her."

Nanatiling tikom ang bibig niya habang pinagmamasdan ang guwapong mukha nito. Sabay silang napalingon sa pinto nang bumukas iyon.

Pumasok doon si Jake na madilim ang mukha. Nagulat siya nang makita ang hitsura nito. Magulo ang buhok nito na para bang ilang beses na pinadaanan doon ang mga daliri nito. Kusot din ang suot nitong asul na polo at black slacks. Halata ang pagod sa tensed nitong mukha at mukhang hindi ito nakapag-shave ng araw na iyon.

Mabilis na lumapit dito ang Signora at bumulong dito habang  mahinahong hawak ito sa braso. Magalang na yumukod ang binata para marinig ang sinasabi ng ina nito ngunit madilim pa rin ang mukha nito habang mariing sinasagot ang anumang sinabi ng ginang.

OBSESSION trilogy: Hunger [NOT UPDATED]Where stories live. Discover now