Prologue

1.4K 33 0
                                    


EVER LOVE NEVER LOVE
Originally written by Zerrowa

Please vote, comment for a very special dedication. Thank you.

Dear Cedric, alam mo ba na sa bawat ngiti mo. Pinapanalangin ko na sana ako ang dahilan nito. Sana ako ang rason kung bakit ka nagiging masaya, kung bakit may nakikitang kurba sayong mapupulang labi. Sana ako ang dahilan ng iyong bawat pagtawa, ang pagkinang ng iyong mata at ang tinitibok ng puso mo. Sana ako na lang. Ako na lang please!

Hi Alexis, una pa lang kitang nakita. Alam ko ikaw na. Ikaw na ang makakapagbibigay sakin ng kakaibang saya na matagal ko ng hinahanap at sayo ko lang nakita at naramdaman. Lahat gagawin ko para lang maging akin ka. Lahat isasakripsyo ko huwag lang tayong maghiwalay. Ibibigay ko sayo lahat. Lahat-lahat.

Daryll, alam ko hindi ganun katagal ang pinagsamahan natin. Ilang araw pa lang naman tayong nagkita pero iba na ang nararamdaman ko para sayo. Pag-ibig na ito. Hindi naman kasi basehan ang panahon o oras na magkakilala kayo bago niyo masabing mahal niyo ang isa't isa. Kusa namang titibok ito. At Daryl, sumisigaw na nga ang puso ko. Alam mo ba kung anong pangalan ang binabanggit nito. Syimpre, dug-dug-dug kasunod nun ang pangalan mo.

Bata pa lang tayo Maiah, mahal na kita. Impossible mang isipin na kahit 12 years old ikaw na ang laman ng puso ko. Ikaw ang inspirasyon ko sa pag-aaral. Pinangako ko sa sarili ko na kapag nakita kita muli, hindi na kita bibitawan pa. Ikaw ang pangarap kong makasama. Ikaw ang ihaharap ko sa altar, magiging ina ng mga anak ko. Bubuo tayo ng masayang pamilya. Ikaw lang, wala ng iba pa.

Ever Love, Never Love (Not a lovestory)Where stories live. Discover now