Chapter 2

1.1K 24 2
                                    

Dedicated to: owwSIC. Isa ka po sa mga inspirasyon ko sa pagsulat nito. I love you po Kuya! Godbless.

CEDRIC.

Nakatingin lang ako sa salamin at tinitigan ang sarili habang inaayos ang damit ko. Tinitignan ang sarili kung pwede na akong lumabas ng bahay. Mukhang ayos na naman kaya nag-spray na ako ng pabango. Kahit marami ang nagsasabing gwapo ako, maraming admirer o sabihin na nating mga babaeng parang manliligaw na sa mga ginagawa nila para lang mapansin ko sila. Nagpapadala ng kung anu-anong message o letter, regalo o kahit bulaklak ay binibigyan nila ako. Tinuturing nila akong parang babae. Hindi ko nga alam kung bakit ganun na lamang sila sakin. Oo inaamin ko gwapo ako. Naniniwala ako na walang panget sa mundo. Matangkad at may pagkamestizo ako dahil siguro sa mga kamag-anak kong may lahing amerikano. Sobrang naaappreciate ko naman ang lahat ng effort nila pero bilang lalaki parang hindi naman tama yun para sakin. Ayoko ng pinagkakaguluhan ako. Hindi ko gusto yung halos mawalan na ako ng privacy dahil lagi silang nakasunod sakin. Gusto ko normal lang. Yung simple lang. Ayoko ng atensyon.

Lumabas ako ng room at kinatok ang kanang pinto na room ng bucks kong si Maiah. "Bucks. Lika na. Magsisimula na ang pageant." Kumatok ako sa pinto. Nakalock kasi ang pinto kaya di ako makapasok. Pupunta kami ngayon ni Bucks sa isang pageant sa school. Pageant para sa Mr. & Ms. University ng school namin. Siya para manood at ako naman para maging judge. Kinuha ako bilang judge dahil isa ako sa nanalo bilang Mr. University noong second year college pa lang ako. Pang-apat ko ng taon ngayon sa kolehiyo at malapit na ding grumaduate. Sabay lang kami ni Aya. "Heto na." Bumukas ang pinto at iniluwa doon ang bestfriend kong si Aya. "Tara na. Excited na akong manood." Sabi niya habang nilolock ang pinto. "Sino nga pala yung representative ng course natin?" Tanong niya nang magsimula na kaming maglakad. "Di ko rin alam eh. Mas okay sana kung ikaw." Sabi ko. Ilang beses ko ng sinabi dito kay Aya na subukan niyang sumali sa mga pageant. Matalino naman siya, maganda kahit minsan parang lalaki lang kumilos. I mean, hindi siya kikay na nakikita ko usually sa ibang babae. Hindi nga ito nagmamake-up. Pero naprapractice naman yun. "Baliw ka talaga bucks. Ano namang panlaban ko dun." Kulang talaga sa confidence itong babaeng to. Alam ko may ibubuga naman siya. Tinatago niya lang. "Syimpre meron. Maganda ka rin naman, isa pa matalino ka. Alam ko easy lang sayo yun." Cheer-up ko sa kanya. Malay ko baka makumbinsi ko nga siya na sumali sa mga pageant. Sakto lang din naman ang height niya. Pwede na sa stage. Di ko alam kung tama ba yung nakikita ko na bigla siyang namula dahil sa huli kong sinabi.

Nang makarating kami ng Gym ay sinalubong ako ng organizer ng pageant at dinala ako sa upuan ng mga judges. Naghanap rin ng mauupuan si Aya kasama ang classmate niyang si Sadie. Di kasi siya pwedeng tumabi dito. Bago magsimula ang pageant ay pinakilala muna kami bilang mga judges. Sinimulan ng isang malakas na music ang pagpasok ng sixteen candidates. Sa dami ng magagandang rumampa sa stage ay isa lamang ang nakakuha ng atensyon ko. Sobrang ganda niya. "Vivoree Alexis Pacheco, 18, Tourism!" Pakilala niya at gaya ko ay nagsipalakpakan ang mga tao. Nakakabighani ang ganda niya. Di ko na nga magawang tingnan ang iba pang contestants dahil nakafocus lang ang tingin ko sa kanya. That lovely lady proved to me the love at first sight, I guess. Kahit ngayon ko pa lang siya nakita parang gusto ko na siya. Gusto ko na agad siyang makausap.

Pagkatapos ng pageant ay imbes na sa nanalong candidates na representative ng Education at Criminology sila magpapicture, nagsilapitan sila sa akin para kumuha ng litrato kasama sila. Weird right? Tumayo na agad ako at di na pinansin ang mga taong kumakalabit sa akin. Mabuti na lang at agad ding lumapit sa akin si Aya at Sadie para tulungan akong maitaboy ang mga fans ko 'kuno'. May kailangan pa akong puntahan kaya nung nagkaroon ako ng chance na makatakbo ay agad akong nagtungo sa backstage kung saan naroon pa ang mga candidates. Hinanap ng mata ko ang sinasabi kong pinakamaganda sa lahat ng sumali. Hindi man siya nanalo kahit perfect score ang binigay ko sa kanya, siya pa rin ang panalo para sa akin.

Ever Love, Never Love (Not a lovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon